Albert Leo
Hindi naman siguro. Baka masyado lang ako napa-paranoid kaya ganito ako magisip?
Pero, hindi. Hindi. Ngayon lang naman kasi nangyari iyon. Sigurado ako. Kutob ko talaga na may kakaiba doon sa sinabi niya sa akin.
“Albert leo! Ano ba?! Nahihilo na ako sayo, bakit hindi kaba mapakili kanina ka pa palakad lakad sa harap ko.” Inis na sigaw sa akin ni tanda.
Huminga muna ako ng malalim at diretsong ibinagsak ko ang sarili ko sa couch. “hindi ko kasi maintindihan yung sarili ko tanda. Para bang kinakabahan ako, pero hindi ko alam kung bakit.”
“baka naman ginagawa mo naman tubig ang kape.” Walang ganang sambit nito.
“hindi no! hindi pa nga ako umiinom ng kape simula kanina.”
“oh, bakit ka naman kinakabahan?” tanong niya sabay sip ng coffee niya.
“hindi ko alam, basta nag ‘bye bye’ lang sa akin si seferina nun paghatid ko sa kanya sa school. Tapos bigla naman ako dinapuan ng kaba- ah! basta!” Frustrated na paliwanag ko kay tanda habang ginugulo ko ang buhok ko.
“ANO BA TANDA! Bakit ba ang hilig mong magbato?!” inis na reklamo ko sa kanya kasabay ng pagpulot ko ng ballpen sa lapag at ibinalik ito sa lamesa niya.
Kahit kalian tong matanda nato. Namomoblema ka na nga, nangba-badtrip pa. tsk!
“hindi ko alam kung na babaliw ka lang o’ sadyang baliw ka lang talaga albert leo!”
“sobra ka naman tanda. Kita mo na momoblema na yung apo mo ha! tapos ganyan ka pa.” pagdadahilan ko sa kanya. sabay ang dukmo ko doon sa lamesa niya.
Ewan. Hindi ko talaga alam. Iba talaga yung pakiramdam ko doon sa sinabi sa akin ni seferina, tapos humingi pa siya ng picture.
Ayaw ko aminin sa sarili ko pero. Pero mukhang nagpapaalm siya.
Aaaaah!! Shit! Napakaimposible nun! Naiinis na talaga ako.
Hindi kaya- alam na niya yung tungkol sa lolo niya?
Argh!
“umaayos ka leo. Huwag mo bigyan kahulugan kung ano man sinabi sayo ni seferina kung wala ka naman basehan.”
“ewan ko. Pero kinakabahan talaga ako.” Mahinang sambit ko kasabay ng pagtunog ng cellphone ko.
~*~
Three months ago,
The day of the accident.Hindi ko alam kung paano ako baba sa kotse ng makarating ako sa school ni seferina. Parang matatanggal ang puso ko sa sobrang lakas at bilis ng pintig nito kasabay ng panginginig ng kamay at tuhod ko.
Nahuli na ba ako?
Unti- unti kong binuksan ang pinto kasabay ng pagkababa ko sa kotse. Maraming pulis ang pumipigil sa mga taong gustong makakita sa nangyari, may bumbero at ambulansya din na tila ba nagpapaliksahan sa lakas ng tunog ng mga sirena nito na mas lalong dumagdag sa kabang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung paanong hakbang ang gagawin ko sa mga oras na ito. Natatakot ako. Natatakot akong may malaman.
Hindi siya ang doon.
Hindi totoo ang lahat na ito.
Nasa isang masamang panaginip lang ako.
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...