Lesson 41

17.7K 331 11
                                    

Albert'Pov

          Hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong isagot sa kanya, ayoko magsalita ng basta-basta nalang natatakot ako na baka masaktan siya sa kung ano man ang masabi ko.

Ayokong nakikita siya umiiyak.

Dahil ako mismo ang nasasaktan.

         Andito kami ngayon ni seferina sa may kuwarto ko nakaupo sa lapag sa harap ng bintana sapat na para makita namin yung mga bituin na nakikisalapan sa kalangitan. Nasa harap ko ngayon si seferina at ako naman ay nasa likod niya habang yakap ko ito sa may bewang niya, tahimik lang ito na kasandal sa dibdib ko. Halata pa din sa kanya na umiyak to kahit na napakalma ko na siya humihikbi pa din siya.

Sobra siyang nasaktan.

Naintindihan ko nakung bakit siya stress dahil kay....

Andrea.

  Flashback

                Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa mga narinig ko mula sa kanya. wala ako masabi ni hindi ko alam kung paano o saan ako magsisimula.

mahal niya ako, di lang basta mahal. mahal na mahal. . .

        Nun matapos siyang masalita mabilis ko siya hinatak palapit sa akin at yinakap kasabay sa paghaplos ko sa bahok niya para pakalmahin ito.

Umamin siya sa akin kung gaano niya ako mahal. Ang sarap lang pakinggan kahit na paulit -ulit niya pangsabihin iyon, ay hindi ako masasawang pakinggan.

Mahal ako ng taong minamahal ko na ngayon.

            "Le....leo *sniff*" utal niya tinatawag ang pangalan ko habang kayakap ko ba din siya.

             "Hmmm?"

             "Ka...kayo ni ... A..ano ni--" napangiti naman ako sa kanya dahil ang cute ng boses niya kahit utal-utal pa.

              "Ni andrea ba? Sef matagal na kaming hiwalay kahit hindi ka pa dumarating sa buhay ko." Kalmandong sambit ko.

               "Pe...pero ma...mahal ka pa din niya diba? At ganun din ang nara....nararamdaman mo." Utal-utal niya saad kasabay ng pagsubsob nito sa dibdib ko.

       Nagtaka ako sa sinabi niya sa akin. Paano niya nasabi na may nararamdaman pa din ako kay andrea kung ako mismo alam ko sa sarili ko na wala na. tapos na at lipas na, wala nangnatitira pagmamahal  para kay andrea dito sa puso ko.

        Bahagyang kumalas ako sa pagyakap sa kanya at inilapit ko ang palad ko sa pisngi niya para makatinginan kaming dalawa bago ako nagsalita.

             "Alam mo nagpapasalamat ako sayo kasi hindi ka sumuko sa pagmamahal mo sa akin, na kahit noon una pa lang naman ay ayaw ko na sayo. diba? lagi  nga kitang sinisigawan,pinapagalitan at tinataboy  sa tuwing magkakasalubong tayo, kagaya nga ng sinabi mo sa akin noon. Naiinis kasi ako. Sobra. hindi dahil sayo kung hindi dahil sa sarili ko, hindi ko maintindihan kung ano ang dahilan o rason ni tanda kung bakit biglaan ako ipanagkasundo ng walang magandang dahilan--" Huminto ako at inilagay ko yung kapirasong buhok niya sa likod ng tenga niya.

              "Alam mo kung ano pa yung mas kinaiinisan at iknagagalit ko?" Tumingin siya sa akin na may pagtataka sa mata niya. ngumiti lang ako sa kanya bago ulit ipagpatuloy." kasi hindi ko expected na ang papakasalan ko ay isang teenager lang at higit sa lahat estudyante ko pa. sobra akong nagulat sa biglaan pagsulpot mo sa buhay ko para kang kabute na bigla nalang lumitaw sa harap ko, sobrang bilis lahat ng pangyayari pero sa bawat dumadaan at lumilipas na araw , sa loob ng limang buwan paunti-unti kong nararamdaman yung kakaibang nararamdaman ko na ako mismo ay hindi ko mapaliwanag sa sarili ko.  Hindi ko maintindihan kung bilang isang kuya lang ba ito o talagang sadyang nahuhulog na ako sayo sa kabaliwan mo. Seferina hindi ko alam kung paano o kailan nangyari o nagsimulang mahulog itong puso ko sayo  basta ang alam ko nalang ay paunti-unti akong nahuhulog sayo. na  mahal na pala kita." Bakas sa mukha niya ang pagkagulat pero hindi ko na iyon pinansin bagkus hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at inilapit ang mukha ko sa kanya hanggang sa. .. .

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon