Lesson 22

20.2K 292 3
                                    

Twenty-two

Nagmamadali akong bumaba sa kotse ng makarating ako at makapag park sa basement. Kanina pa ako tawag ng tawag kay seferina pero hanggang ngayon hindi pa din niya sinasagot even answer my text hindi din nito magawa magreply kaya naman sobra akong naiinis.

Ano ba pinaggagawa niya at talagang nagskip pa siya ng klase?!

Mabilis ako nakarating sa floor kung saan ang unit ko at binuksan agad yung pinto, surprisingly ang tahimik ng bahay at mukhang wala tao. Asaan siya? Umakyat ako sa taas at nagtaka kung bakit bukas bahagya ang pinto ng kwarto seferina unusual kasi para sa kanya na maiwan bukas ang pinto ng kwarto nito lalo na kapag wala siya sa bahay, sa hindi na ako makatiis tuluyan na akong sumilip sa loob ng kwarto.

Sobrang dilim at ang kurtina nito ay sarado pa din, kunot noo ako napatingin sa higaan ni seferina na mukhang tulog pa din mula ng makaalis ako at naka fetus position pa ito.

"Seferina." Mahinang tawag ko sa kanya sapat na marinig niya iyon pero wala akong nakuhang sagot sa kanya at sinubukan ko ulit ito tawagin at ganun pa din, kaya nagdesisyon na ako tuluyan pumasok sa loob at binuksan ang ilaw."Bakit hindi ka pumasok? Bakit hindi mo din sinasagot ang mga tawag ko?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya kahit alam ko na hindi naman ito sasagot. "Uy!" Tapik ko sa kanya ka ng makalapit ako.

"Ang ingay mo naman e." Paos at pikit na reklamo nito at unti unti ng gumagalaw siya hanggang sa maupo nato habang ang buhok niya nakatakip sa mukha. "L-leo tubig."utal na request nito.

Umupo ako sa gilid ng kama niya. "May sakit kaba? Mukha kanang zombie." Pangaasar ko habang hinawi ko ang buhok nito pero iniirapan lang niya ako at humiga ulit. "Seferina tumayo kana dyan, tanghali na. Ano ba nararamdaman mo?" Hinawakan ko ang braso nito at inuga. "Leo naman e' kulit mo, masama ang pakiramdam ko SOBRA! sobrang sakit ng tiyan ko mula kagabi pa ako nagta-tae!" Gulat na gulat ako na nakatingin sa kanya ngayon parang ako pa yung nahiya non narinig ko mula sakanya iyon.

Umayos na nangupo si seferina na may pangingilid luha sa mga mata nito, ganon talaga siguro kasakit ang tiyan nito. Nahabag naman ako sa ginawa ko kanina.

"Bakit hindi mo sinabi agad?" Tanong ko kasabay ng pagirap niya sa akin at tuluyan umalis ng kama. "Uy! Teka. Sorry na, saan ka ba pupunta?" Pag hawak ko sa kamay niya dahilan mapaharap saakin ito, kitang kita ko sa mga mata nito na sobrang sama talaga ng pakiramdam. "Sa cr sa sama kaba?" Walang ganang sagot saakin ng ikinabigla ko naman at tuluyan lumakad pumunta sa cr.

Mukhang sobra sama nga pakiramdam niya. . .

kawawa naman baby koo. . .

"Gusto mo pumunta na tayo ng hospital?" Tanong ko ng makalabas siya sa cr at wala pa din pinagbago ang itsura. "Sakit talaga. Kanina pa ako nakaupo wala naman, tapos para na ako masusuka pero wala din naman ako maisuka. Ang sakit sakit na talaga ng tiyan ko." Tuloy tuloy na sabi niya na para bang bata na nagpapaliwanag habang inaalalayan ko naman siya bumababa sa hagdanan nauuhaw daw kasi ito.

Dahan-dahan ko naman ito inupo sa couch at dumiretso naman ako sa kusina para kuhanan siya ng warm water. "Pumunta na tayo sa hospital, pero dadaan muna na tayo sa school andoon pa kasi yung gamit ko." Paliwanag ko kasabay ng pagabot ng tubig sa kanya.

Tumango naman siya bilang sagot at nagsabi ako na ako nalang kukuha ng jacket nito sa taas para hindi na din ito kilos ng kilos, Para akong tanga na nakatayo sa cabinet ni seferina at hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti sa biglaan pumasok sa isip ko.

Wala pa nga ako ginagawa sa kanya pero may sintomas na agad?

Napailing- iling nakangis habang bumaba sa hagdanan at sinuot kay seferina ang jacket kasabay nun pagbaba na namin sa basement para makapunta na school at makuha ang gamit kong naiwan at diretso na kami sa hospital.

"Ohh!" Abot ko sa kanya ng pocari. "Yan katakawan mo may gastroenteritis ka." Pangangasar ko sakanya. "Hindi ah! May nakain lang talaga ako na hindi maganda kaya ganun." Irap na sagot niya kasabay na pagkuha sa akin ng bote at umayos ito ng upo.

Na admitted ito sa hospital to give fluids and antibiotics din saka under observation din siya since sobrang dehydrated nga ito, kapag lumabas na agad laboratory result niya bukas ung pwede na din daw siya i-discharge. "Nagugutom ako bili naman tayo sa baba kahit bread lang please." Ngiting ngiti request niya habang hawak ang kamay ko at nagpapacute. "Nakaramdam ka lang ng ginhawa maguumpisa ka naman." tumayo ako at inilahad naman ang kamay ko. "Tara na." Sabi ko at inalalayan ito tumayo."Ang sungit sungit mo naman."Reklamo naman niya habang dahan dahan naman ito tumatayo.

"Dapat talaga ako nalang bumili at hindi kana sumama pa." Hawak ko ang kamay nito habang siya naman yung sabitan ng dextrose na may gulong."gastroenteritis lang ang findings sa akin at hindi naman ako baldado, nakakalakad pa ako." Sungit ng babae nato. "Ang akin lang sana nagpapahinga ka nalang sa kwarto mo." Ang kulit ng lahi! Lahat nalang may pangbara. "Dito ka nalang umupo ako na ang papasok sa canteen at bibili ng tinapay mo. Hindi na din naman kainitan." Ngiting sabi ko sa kanya ng maiupo ko ito at naglakad na papasok sa canteen.

Ano ba bibilin kong tinapay sa kanya? Nahihirapan ako mamili kung ano ba gusto nito, pero sa tingin ko magplain white bread nalang siya at samahan ko nalang din ng prutas para mabusog. "Ate pabili naman po nito at pasamahan kunin ko na din po yung prutas." Ngiting sabi ko kay ate na nagassist sa akin, ngumiti naman ito at kinuha yung mga tinuro ko lumingon pa ako kay seferina na nakaupo pa din habang nagc-cellphone saka ako naglakad pa punta sa cashier para magbayad.

"A-albert you h-here." Biglang lingon ko mula sa likod ng marinig ko na may tumawag sa pangalan ko.

"Andrea." Mahinang bigkas ko sa pangalan niya.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon