"Hello po." Nahihiyang bati ko sa matandang kaharap ko ngayon.
Andito ako sa restaurant ng kaibagan ni lolo may importante daw kasi itong sasabihin sa akin kaya dito na niya ako pinaderetso.
"Hi how are you? Have a sit. Anong gusto mo makakain o maiinom?"sabi nito sa akin kasabay ng pagturo niya sa upuan.
Sumunod naman ako gaya ng sabi niya, anong meron? Bakit ako pa ang kailangan makipagkita sa kaibigan ni lolo?
Bahagyang nilibot ko ang aking mata sa bawat espasyo nitong restaurant inferness ang ganda at ang ambiance nito ay sobra nakaka relax.
"Salamat po Sir, pero ano po ba ang paguusapan natin?" Malumalay na tanong ko.
"Ikaw naman masyado kang formal hija lolo nalang ang itawag mo sa akin, beside mae-engaged na din kayo nang apo ko." Sagot niya kasabay ng pagngiti nito.
Anong engagement pinagsasabi nito at sino? Wala akong matandaan na nagusap kami ni lolo tungkol dito at lalong wala ako matandaan na pumayag ako.
"T-tama po ba ang pagkarinig ko?" Hindi makapaniwala tanong ko kay sir Enrique.
"Oo hija mae-engage kana sa aking apo." Masayang sagot naman niya.
WTF! Hello 20 lang ako at marami pa akong balak at gustong gawin sa buhay ko, ginu- good time lang ata nila akong mag kaibigan at ako pa talaga ang trip nila saka ni hindi ko nga kilala yung apong tinutukoy nito tapos sasabihin nila na may engagement na magaganap.
What the heck!
Pilit akong ngumiti sa kanya bago ako tuluyang sumagot. "Mawalang galang na po Sir enrique baka ang tinutukoy ninyo yung naka-kantandang kapatid ko po na si ate selestina kung hindi po ako nagkakamali tsaka wala din naman pong na sabi si lolo about sa engagement na ito, besides hindi ko din naman po kilala ng personal yung apo ninyo."
Ngumiti ito sa akin at huminga ng malalamin bago sumagot.
"Alam ni Alfred yung tungkol dito hija at kung si selestina ang tinutukoy mo sana hindi ikaw ang nasa harapan ko ngayon para sabihin sayo ang mga ito. Don't worry. I'm pretty sure na magugustuhan at magkakasundo din kayo ng aking apo." Proud na sambit nito.
"P-pero sir alam ko na alam ninyo na hindi ganun kadali ang makasal." Magkakaroon pa ata ako ng high blood nito.
Ano ba ang pumapasok sa utak ni lolo at bakit may engagement issue na nangyayari? Ang lakas din ng fighting spirit nito para masabi niya na magugustuhan ko yung apo niya na kanina pa niya pinagmamalaki.
Grabe!!!
"I know. I know. Hindi namin kayo minamadali na mai-kasal engagement lang ito tsaka may anim na buwan pa naman kayong dalawa para makilala ninyo ang isa't isa hija." Pilit ko pinaka-kalma ang sarili ko habang siya naman relax na relax sa mga pinagsasabi nito.
"Anim buwan!" Halos hindi ko napigilan mapasigaw kasabay ng pagtayo ko mula sa upuan at ganun din nagsilingunan sa akin ang mga taong tahimik na kumakain, binigyan ko nalang sila ng 'peace sign' wari na nagsasabi na "go ahead. Ituloy lang ninyo ang pagkain - Don't mind me." At tuluyan na din ako umupo.
"Seryoso po ba talaga kayo sa mga pinagsasabi ninyo? I mean bakit parang sobrang bilis naman po na may ganitong setup po kayo ni lolo." May gigil na sabi ko Hello! Ano to gaguhan? Parang nag Hi and Hello lang kami sa isa't isa sabay engagement na.
Tindi! Ang galing!
"Hija relax. Ang lolo mo ang nagdesisyon nang ito." sabi niya habang pilit nito pinipigilin ang pagtawa.
"What? No way. Si lolo pa ang may pa talaga pero bakit? Nalulugi na po ba kami at kailangan ko na agad maikasal?"
"Yung tungkol dyan hija si alfred nalang ang magpapaliwanag sayo okay." Paghinto niya habang pinipigilan pa din nito ang tumawa. "Napagutusan lang ako ng lolo mo." Sagot niya saakin na may halong panghaharot pa.
Ibang kalse silang magkaibigan mang good time. Saya grabe!
"Nakakapagtaka lang po kasi simula ng umalis si lolo para sa business trip daw niya. Hindi ko na po siya nakakausap at puro secretary lang po ang laging kausap ko sa tuwing kakamustahin ko siya, sa totoo nga po yung secretary pandin po ni lolo ang nagsabi saakin na sainyo na po ako dumiretso once na makauwi ako galing bakasyon." Litong paliwanag ko kay sir enrique. "May tanong lang po ako kailan po magaganap yung engagement?" Curious ako pero need ko pa din talaga makausap si lolo soon as possible.
Humawak pa ito sa baba niya animo'y nagiisip ng malalim bago tuluyan sumagot. "Nabanggit sa akin ni alfred hmmm... December 16 daw." Casual niyang sagot sabay sip ng coffee nito.
"What? Birthday ko pa po?!" Gulat na gulat na sagot ko sakanya.
"O-oo hija si lolo mo ang nagsabi na sa december 16 ganapin ang engagement party ninyo ng aking apo wag ka magalala maguusap pa din ka naman ni Alfred tungkol sa engagement ninyo sa oras na makauwi na ito."
Napasimangot nalang ako at kinuha yung chocolate cake sa harap ko ngayon sa totoo lang kung ano ano na ang naiisip ko ngayon lalo na wala man lang akong idea sa mga pinaggagawa ni lolo. Gosh! Sumasakit ang ulo ko sa lolo ko.
"Pwede ko po bang itanong kung ano po ang pangalan ng apo ninyo sir?" Walang ganang tanong ko sa kanya at tuloy pa din ako sa pagkain ng cake.
Pansin ko sa peripheral vision ko na kinuha niya ang wallet nito mula sa gilid ng bulsa at kasabay ng pagkuha ng isang litrato. "Hija ito ang aking apo." Kasabay ng pagpatong niya ng picture sa table namin dahilan na manglaki ang mata ko.
"Si Albert Leo Celedonio to." Wala sa sariling sambit ko.
"Siya nga hija." Hindi na ako nagabalang panisinin yung sinabi ni lolo Oh my God! Si leo nga yung classmate ni ate tina, yung laging pumupunta sa bahay namin si Albert Leo Celedonio!
Mabilis ko kinuha yung picture sa lamesa namin para tignan ko ng malapitan si leo nga na nakangiti na nakaakbay kay lolo enrique, ang gwapo niya talaga ito yung ngiti noon una ko siya nakita sa amin.
"Kayo po ang lolo ni leo?" Seriously seferina anong klaseng tanong yan? kitang-kita naman sa picture na silang dalawa ang nasa larawan na kapwa nakangiti.
Ayaw magproseso sa utak ko yung pinauusapan namin ni lolo enrique may sinasabi pa siya pero ayaw na pumasok sa utak ko ang tangi kong alam tini-titigan ko pa din yung picture na hawak ko.
ako ang maging future wife ni leo iniimagine ko palang wahh! Erase erase. Dapat talaga ang unang tinanong agad yung pangalan kasi kung si leo lang naman hindi na ako magtanong tanong pa "Oo" Na agad ang sagot.
Yes! Ngayon pa ba ako magiinarte limang taon ko na sya crush pakiramdam ko tuloy isa ako sa pinagpalang babae. Haha!
"Ako nga hija. Hindi ako nagkamali alam ko na kilala mo na din ang aking apo dahil matalik na magkaibigan sila ng ate mo diba?" Tumango nalang ako bilang sagot na hindi pa din napuputol yung tingin ko sa picture hindi ko talaga ma explained yung nararamdaman ko parang sa sabog ako sa sobrang saya ko.
Narinig ko ang bungis ngis ni lolo enrique kaya napabaling ako ng tingin na parang natatanong kung bakit siya tumatawa at parang naunawaan naman niya ang gusto ko sabihin.
"Sorry hindi ko talaga mapigilan, gusto kita para kay leo sa aking apo." Pakiramdam ko parang lahat ng dugo ko nasa mukha ko na ngayon at pulang pula na ako."So Ms. Seferina Sophia Dela Vega. It's a yes?" Luh tinatanong pa ba yan.
"OPO LOLO! payag na payag po." sabi ko kasabay ng pagngiti ko sakanya ng abot tenga.
****
BINABASA MO ANG
I Married My Student [Major Revision]
RomanceOo! Naiinis ako pag nagkakasalubong ang landas natin, kung nasaan ako andyan ka. Lagi kang nakabuntot sa akin at ang pinakamalala puro problema ang binibigay mo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tuwing hindi tayo nagkikita, hinahanap- hanap...