Episode 11 (3/4)

44 3 0
                                    


THAN

  Balik ulit kami sa matinding training para sa susunod naming laban kontra Kajonkiet International School. Kailangang maipanalo namin ang nasabing laban. Sa ngayon mayroon na kaming 5 wins and 1 loss record at nanatili kaming nasa ikalawang puwesto ng standing, sunod sa Concordian International School na hanggang ngayon ay wala paring talo.

“Ok boys! Maintain niyo lang lagi 'yong energy niyo sa loob ng court. Siguraduhin niyo lagi 'yong blocking niyo. Basta huwag niyong hayaan na makakapasok ang atake ng kalaban.” paalala sa amin ni Coach Win.

“Yes, coach!” sabay naming tugon sa kaniya.

“Balik tayo mamayang hapon. Hanggang 10 pm tayo mamaya. Sa ngayon kailangan niyo munang pumasok sa mga klase ninyo”

“Yes, coach!”

Pagkatapos kaming kausapin ni Coach Win ay nagmamadali kaming bumalik sa aming dorm para maghanda. Saktong 6:00 ng umaga at mayroon pa kaming isa at kalahating oras para sa unang subject namin sa umaga.

Pagpasok ko ng kuwarto ay agad kong inihanda ang aking uniporme. Mayamaya ay napansin kong malungkot na nakaupo si Juanse sa kaniyang kama. Nilapitan ko siya para kausapin.

“Ok ka lang?” pagkuwa’y tanong ko sa kaniya.

“Hindi ako pinapansin ni P’Ae at natatakot din akong lumapit sa kaniya.” malungkot nitong pahayag.

“Bigyan mo muna siya ng time at saka mo siya lapitan. Alam kong magiging ok ang lahat.”

“Than, hindi ko alam kung mapapatawad ba niya ako sa ginawa ko. Napakagago ko kasi eh.” Nakita kong nagsisisi siya sa kaniyang ginawa.

“Mabait si P’Ae at alam ko mapapatawad ka rin niya.”

“Siguro nga wala talaga siyang gusto sa akin.”

“Kung sakaling wala siyang gusto sa'yo eh di tanggapin mo. Hindi naman kasi puwedeng ipagpilitan natin ‘yong sarili natin sa taong ayaw sa atin, di ba?”

Mas lalong naging malungkot ang mukha niya nang sabihin ko iyon. Kung pagbabasehan ko ang kaniyang reaction ngayon, alam kong seryoso siya kay P’Ae. Actually noon, halos ayaw kong maniwala sa sinabi nito na may gusto siya kay P’Ae. Ngunit sa nakikita ko ngayon, isa lang ang napatunayan ko, totoong gusto niya si P’Ae.

Ilang sandali lang ay niyaya ko siyang pumunta ng banyo para maligo. Nauna na kasi ang iba naming kasama. Sabay kaming naliligo habang patuloy pa rin ang aming topiko.

“Di ba sabi mo dati ayaw mo kay P’Ae dahil suplado siya.” minsang sabi ko habang nagsasabon ako  ng aking katawan.

“Uhhmm! Mukhang suplado naman talaga siya eh. Pero nung malaman kong mabait siya, biglang nagbago lahat. Ewan ko ba. Kahit ako di ko rin maintindihan ang sarili ko,” sagot niya habang nagsasabon din ng kaniyang katawan.

“Si P’Ae ba ang unang lalaking nagustuhan mo?”

“Oo. Actually, mayroon akong nililigawan na babae noon sa Chiang Rai. Hindi niya ako sinagot dahil bata pa raw kami. Pero simula nang lumipat ako rito at nakilala ko si P’Ae ay biglang nagbago ang sexual orientation ko. Actually Than, hindi naman talaga ako naniniwala noon sa boyxboy relationship eh. I thought that kind of love story can only be seen in a movie. But when I met him, everything suddenly changed. I did not expect P’Ae to prove to me that kind of love really does exist.”

Halos natigilan ako sa naging pahayag niya. Naging malalim ang mga salitang binitawan ni Juanse na kahit ako ay hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon