Episode 4 (1/4)

100 5 0
                                    




SHIN



Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Than ay agad kong pinuntahan si P'Neo. Saktong andun siya sa loob ng gym kasama si P'Tee at nagliligpit ng mga gamit.



"P'Neo, puwede ba tayong mag-usap?" agad kong tanong sa kanya ng lumapit ako sa kanila.



"Tungkol saan ang pag-uusapan natin?" tanong nito.



"Tungkol kay Than." mabilis kong sagot. Tinitigan ko siya ng matalim.



Natigilan si P'Neo ng marinig ang pangalan ni Than.



"Anong tungkol sa kanya?" pagkuwa'y tanong niya.



"P', kung galit ka kay Than puwede huwag mo naman siyang pagsalitaan ng masasakit? Saka P' huwag mo siyang insultuhin." wika ko.



"Ano bang pinagsasabi mo?" tila galit na tanong ni P'Neo. Bigla kasing sumimangot ang mukha nito.



"Gusto ng tumigil ni Than na maglaro dito. Gusto na niyang lumipat ng ibang school dahil sinabi mong hindi siya nababagay dito."



"Wala akong sinabing ganun." giit ni P'Neo. "Ang sabi ko, huwag niyang sayangin ang scholarship na binigay ng school sa kanya."



"Ganun narin yun P'!" malakas kong sabi.



Mas lalong sumimangot ang mukha niya. Ngayon kita ko ang pagsalpukan ng kanyang mga kilay.



"Ok ganun na nga kung ganun! Eh ano namang problema dun?" galit niyang tanong sa akin.



"Oo, maaaring hindi kami kasing galing niyo. Pero nagsisimula palang kami. Di ba dapat tulungan niyo kami kung gusto niyong gumaling kami? Di ba team captain ka? Dapat ikaw ang mag-inspire sa amin hindi yung ikaw ang mag-down sa amin. Pangarap ni Than ang makapasok sa NSIS."



"So ibigay niya ang best niya!" biglang sambit ni P'Neo. Naramdaman kong uminit ang ulo ko sa mga sinabi nito.



"Bakit P'? Kulang pa ba ang pinapakita niya? Bakit ba galit na galit ka sa kanya? Wala naman siyang ginawang masama sayo ah. Kung galit ka sa kanya, sa akin mo lang ibuntong lahat. Huwag lang si Than." galit kong wika sa kanya.



Natigilan si P'Neo sa mga sinabi ko at pagkuwa'y............



"Bakit ba napaka-protective mo sa kanya? Kaibigan lang ba talaga ang turing mo sa kanya o higit pa sa kaibigan?"



Hindi ako makasagot sa tanong niya. Natahimik ako ng saglit.



"Wala ka ng pakialam doon kung ano man ang dahilan ko. Gusto ko lang hilingin sayo na kung puwede huwag mo siyang insultuhin. Mabait si Than, kaya please huwag mong abusuhin kabaitan niya." iyon lamang ang sinabi ko at agad din akong umalis.



(Napakunot ng noo si Neo noon. Samantalang napatulala noon si Tee sa nangyari.)





TEE



"Ai'Neo, totoo ba yung sinabi ni Shin?" tanong ko sa kaibigan.



Hindi sumagot si Neo, sa halip sinipa niya ng malakas ang bola na nasa sahig. Alam kong nagalit siya sa pag-uusap nila ni Shin. Kilala ko siya, anumang galit na nararamdaman niya ay sa mga bagay niya ito ibinubuntong. Alam kong hindi niya kayang manakit ng tao. Mabait siya, alam ko 'yun.



"Neo, ganun ba talaga kalaki ang galit mo kay Than? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo siyang idamay sa galit mo dahil sa pagkawala ni Kao. Ikaw ang team captain. Dapat ikaw ang unang makitungo ng maayos sa kanila lalo na kay Than. Tama na Neo! Move on na tayo. Wala na si Kao. Kailangan natin sila sa team."

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon