Episode 7 (3/4)

57 5 0
                                    

NEO

Pagdating namin sa bahay nina Than ay agad din kaming pumasok sa loob nito. Hindi nga ito kalakihan, pero very refreshing at very relaxing naman ang ambiance. Ang daming bulaklak. Sa unang tingin pa lang ay hindi mo akalain na puro lalaki ang nakatira dito.

"P', pasensiya ka na sa bahay namin." pagkuwa'y sabi ni Than pagpasok namin.

"Ang ganda nga rito, Than eh." sabi ko habang nililibot ng mga mata ko ang loob niyon. Maayos at malinis ang loob nito. Now I know kung bakit napakaayos ni Than sa kaniyang mga gamit.

Dumiretso kami sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kaniyang kuwarto para ilagay ang aming mga gamit. Lihim akong namangha nang makita ko ang loob ng kaniyang silid. Hindi nga ito kalakihan at kasing gara ng ibang kuwarto ngunit masyado namang maayos at malinis.

Pagkapatong ko ng aking bag sa kama ay napansin ko ang isang picture frame sa ibabaw ng kaniyang drawer. Apat na tao ang laman ng nasabing kuwadro....si Than, Papa niya at kung hindi ako nagkakamali Mama at Kuya niya ang kanilang kasama.

"Mama at Kuya mo?" pagkuwa'y tanong ko sa kaniya.

"Oo, P'..yan ang last picture namin na kasama si Mama." Lumapit siya sa kaniyang drawer at kinuha ang nasabing kuwadro. Titinitigan niya iyon at nakita kong bahagyang nalungkot ang kaniyang mukha.

"Magkamukha kayo ng Kuya mo." sabi ko na layon kong ibahin ang pag-iba ng kaniyang emosyon. Ayaw kong makitang nalulungkot siya.

Saglit siyang ngumiti. "Oo, P'. Sabi nga nila para daw kaming kambal. Mas matangkad lang ng kaunti sa akin si P'Knock."

"Ano na ba ang year ng Kuya mo?"

"Nasa second year college na siya, P' sa kursong engineering. Wala siya ngayon dito dahil may klase siya. Pero alam kong excited na 'yong umuwi." sabi niya at ipinatong muli sa ibabaw ng drawer ang hawak niyang kuwadro.

Habang nakikinig ako sa kaniya ay mas lalo kong nakikilala si Than bilang isang mabait na kapatid at anak. Nakita ko rin sa kaniya kung gaano niya kamahal ang kaniyang pamilya. Bigla kong naisip ns napaka-suwerte naman ng taong mamahalin niya kung saka-sakali.

"Tara, P' kumain na muna tayo." aya niya sa akin. Agad din kaming bumaba at tumungo sa kanilang kusina.

Pagdating namin doon......

"Teka lang, P' ihahanda ko lang ang mga pagkain." sabi niya.

"Tulungan na kita Than."

"Pero, P'......" tutol niya ngunit hindi ko na pinatapos ang kaniyang sasabihin.

"Sige na, Than tulungan na kita." pamimilit ko sa kaniya. Dahil sa naging mapilit ako ay pumayag na rin siya. Ako na ang naghanda ng kanin at kumuha ng tubig sa refrigerator samantalang siya naman ang naghanda ng ulam.

Napa-wow ako bigla nang maamoy ko ang Tom Kha Gai. "Wow! Tom Kha Gai." sabi ko na tila natatakam bigla. Naalala ko ang unang beses kong tikim nito nang magluto si Than noon. Hindi lang ako ang nasarapan noon kundi kaming lahat.

"Bago kasi tayo umuwi, P', tumawag na ako kay Kuya na ipagluto ka ng Tom Kha Gai. Alam ko kasing paborito mo ito."

"Ahhh, kaya pala!"

"Magaling kasi magluto si P'Knock. Siya rin ang nagturo sa akin na magluto." proud na sabi ni Than.

"The best talaga kayo!"

Ngumiti lamang siya. Pagkuwa'y...... "P' pasensiya ka na pala kanina kina P'Porsche at P'Jen, huh. Nagbibiruan lang ang mga 'yon." aniya. Bigla kong naalala ang eksena kanina sa kanilang tindahan.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon