Episode 9 (3/4)

49 4 0
                                    

SHIN

Sinamahan ako ngayon ni P’Tee dito sa roof top. Hindi niya ako iniwan at sa halip ay pinagaan pa niya ang aking kalooban.

“Khaawp khun na, P.” minsang sabi ko nang lumingon ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit napakabuti niya sa akin na sa tuwing nalulungkot ako lagi ay siyang nasa tabi ko.

“Mai bpen rai, Nong.” nakangiti niyang tugon.

Actually, nakahiga kami pareho ngayon habang nakatingin sa mga bituin sa langit. Bago siya dumating kanina ay sobrang bigat ng nararamdaman ko. Unang beses ko itong naranasan kaya halos hindi ko alam kung paano makipag-deal sa ganitong sitwasyon. And thank you to P’Tee, dahil sa kaniya gumaan ang pakiramdam ko.

“Napakasuwerte naman ni Than no!” nasambit niya habang ang kaniyang mga mata ay sa langit nakatingin.

“Bakit mo naman nasabi ‘yon, P?”

“Kasi ang daming nagkakagusto sa kaniya. Una, si Heart, tapos ikaw, tapos si Earn at mayroon pa siyang secret admirer.”

“Paano si P’Neo, P’?”

Natigilan siya sa tanong ko at napatingin sa akin.

“Hindi ko alam kung anong estado nilang dalawa. Bukod kay Kao, si Than lang din ang masyadong malapit sa kaniya. Siguro dahil sa nakikita niya si Kao kay Than kaya ganoon.”

Napaisip ako. Maaaring tama si P’Tee na dahil kay P’Kao masyadong malapit si P’Neo kay Than. Marahil dala ng kaniyang pangungulila sa dating kaibigan kaya ganito niya pinakikitunguhan si Than ngayon.

“Sa tingin ko, Shin, panahon na para sabihin mo kay Than ang lahat. Hindi mo kailangang maging unfair sa sarili mo. The more mo siyang itatago the more kang masasaktan.” payo ni P’Tee.

Bigla akong natigilan sa kaniyang sinabi. Ilang beses na rin akong naglakas loob na ipaalam kay Than ang tunay kong nararamdaman ngunit naduwag din ako ng maraming beses.

Oo, natatakot ako na baka mabigo ako sa unang pagkakataon ngunit higit pa roon, natatakot ako na baka hindi ako maiintindihan ni Than at tuluyan niya akong iwasan. Hindi ko kaya na mangyari iyon.

Tumingin ulit ako kay P’Tee.

“Parang hindi ko kaya, P’.” pagkuwa’y wika ko .

“Shin, alam kong takot ka. Pero hindi puwedeng habang buhay ay matatakot ka. Hindi puwedeng habang buhay ilihim mo kay Than ang totoo. Bukod sa magiging unfair ka sa sarili mo, magiging unfair ka rin sa kaniya dahil hindi niya alam kung anong nararamdaman mo sa kaniya. Hindi siya magiging aware kung nasasaktan ka na ba niya o hindi. Pero kung nasabi mo sa kaniya ang lahat, magiging maingat siya sa mga ikikilos niya sa tuwing magkasama kayo. Hindi ko sinasabing magugustuhan ka rin  niya pero magiging gabay niya ang katotohanang ‘yon para iparamdam sa'yo na mahalaga ka sa kaniya. Alam ko kasi kung gaano ka kahalaga kay Than.” paliwanag ni P’Tee.

Naisip ko, tama siya. Kailangan ko na ngang ipagtapat kay Than ang totoo. Di baleng masaktan ako basta masabi ko na ang matagal ko ng lihim na pagtingin sa kaniya.

“Hindi mahalaga ang magiging resulta. Ang mahalaga, nagpakatotoo ka.” dagdag pa ni P'Tee.

Mas lalong lumakas ang aking loob sa dahil kaniyang mga sinabi. Hindi ko alam ngunit sa tuwing nakakausap ko siya hindi lang niya napapagaan ang loob ko bagkus nabibigyan pa niya ako ng karagdagang lakas.

AE

Papasok na sana ako sa loob ng aming kuwarto nang makarinig ako ng isang taong humihikbi sa gilid na bahagi ng aming dorm.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon