Episode 15 (3/4)

40 3 0
                                    



NEO

Habang papunta kami ng aming classroom ay laking gulat ko ng makita kong nakakalat sa sahig ang mga larawan namin ni Than. Kuha ito kahapon sa locker room habang yakap ko siya.

Mabilis namin itong pinulot nina Tee at Ae. Ilang sandali lang ay dumating naman sina Than, Shin at Juanse. Nang makita ko si Than ay napatigil ako sa aking ginagawa habang nakatingin sa kaniya. Nakita kong biglang nalungkot ang kaniyang mukha.

“Naku! Sayang naman nila!” dinig kong sabi ng isang estudyante. Dismayado ang tono ng pagkasabi nito.

Biglang napayuko si Than at dumiretso ito sa kanilang classroom. Gusto ko siyang sundan ngunit agad din naman akong pinigilan ni Tee.

“Mas lalo kayong pag-uusapan mamaya.” si Tee habang mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko.

Naisip kong tama siya at ayaw ko ring mas lalong maapektuhan si Than. Ipinagpatuloy namin ang pamumulot ng mga larawang nakakalat sa sahig. Tumulong narin sa amin sina Juanse at Shin sa pamumulot.

Papunta na kami sa aming classroom pagkatapos ng halos limang minutong pamumulot. Hanggang ngayon, nagtataka ako kung sino ang kumuha ng mga larawang ito. Pero sigurado ako na isa sa mga kasamahan namin ang may gawa nito.

“Nag-usap lang kami niyan tapos niyakap ko siya.” biglang paliwanag ko ng tiningnan ako nina Tee at Ae sa mata.

“Sino naman kaya ang kumuha ng mga yan?” nagtatakang tanong din ni Ae.

“Hindi ko alam. Wala akong ideya kung sino.” sagot ko. Nagtatanong din ang aking isip.

“Pero sigurado ako na kasamahan lang din natin ang may gawa niyan.” si Tee habang nakita kong napapaisip siya.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga ng maalala ko si Than. Alam kong affected siya hanggang ngayon at natatakot ako na baka tuluyan na niya akong iwasan. Ayaw kong mangyari ‘yun.

Kahit pa masyadong malakas ang boses ng aming guro habang nagtuturo ito ay tila ba hindi naman rumirehistro sa utak ko ang aming naging leksiyon. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag ko at tiningnan ang school web. Nakita kong pati roon ay naka upload narin ang mga larawan namin ni Than.

Ang daming comments. Maraming na disappoint at mayroon din namang sumusuporta sa pag ship sa aming dalawa.

Sinarado ko ang web ng school at hinanap ko ang numero ni Than. Nag type ako ng mensahe ngunit binura ko rin ito kaagad. Gusto ko siyang kamustahin ngunit nagdadalawang isip ako.

Pagkatapos ng aming klase ay nagmamadali akong lumabas mula sa aming classroom at mabilis na tinungo si Than sa kanilang classroom. Sa hagdanan palang ay napatigil na ako ng makita kong nag-uusap silang dalawa ni P’Khet sa labas ng kanilang classroom.

Pinagmasdan ko sila sa kalayuan at nakita kong hinawakan pa ni P’Khet ang balikat ni Than. Naramdaman kong biglang may kirot na bumalot sa aking puso. Hindi ko sinasadya ngunit kusa ko lamang siyang nadarama. Napasandal ako sa pader ng hindi ko maatim tingnan silang dalawa.

“Neo!” tawag sa aking pangalan. Nagulat naman ako at agad na napalingon sa pinagmulan ng nasabing boses.

“Nam!” gulat kong sambit ng makita ko si Nam. Bigla kong pinakalma ang aking sarili ng humarap sa kaniya.

“Bakit ka nandito?” tanong niya sa akin habang napapatingin sa ibaba.

“Err..may kinuha lang sa ibaba.” pagsisinungaling ko. “Actually pabalik na ako sa aming classroom.” sabi ko pa at sabay akyat ng hagdanan. Hindi narin kami nagkausap pa.


MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon