Episode 13 (1/4)

50 3 0
                                    

AE

Habang pinapakinggan ko si Juanse na nagsasalita sa gitna ay naghahalong tuwa at kilig naman ang nadarama ko. Batid kong totoo siya sa kaniyang mga sinabi. Wala akong ibang magawa kundi ang humanga pa lalo sa kaniya.

Nang magsimula siyang kumanta ay narinig ko ang masigabong palakpakan ng mga taong narito. Pati ang mga kaibigan namin ay pumalakpak na rin.

“Napakaganda ng kaniyang boses.” manghang sabi ni Shin habang ang mata ay kay Juanse lamang nakatuon.

Tama siya! Napakaganda nga ng boses ni Juanse. Kahit ako ay tinatangay nito sa ibang bahagi ng mundo sa tuwing naririnig ko ito.

“Napakasuwerte mo sa kaniya, bro.” mahinang sabi ni Tee nang tumabi sa akin.

Hindi na ako tumugon at sa halip ay hindi ako kumurap habang pinagmamasdan si Juanse sa gitna.

Pagkatapos niyang kumanta ay bumalik na siya sa aming kinaroroonan.

“Wow! Ang galing mo talaga Nong.” si Tee at pagkuwa’y inakbayan siya.

“Thanks, P’.” nakangiti nitong tugon pagkatapos ay tumingin sa akin.

“Napakasuwerte ng kaibigan namin sa'yo, Nong.” dagdag pa ni Tee.

“Mas masuwerte ako sa kaniya, P’.” biglang sabi ni Juanse pagkatapos kinindatan ako.

Bigla akong kinilig sa sinabi niyang iyon. Ngunit di ko ‘yon pinahalata sa kanila. Lihim akong sumulyap sa kaniya na ngayon ay katabi ko na ulit sa upuan.

“Nong, salamat talaga sa pagpapaunlak ng request ko.” sabi ni P’Green nang lumapit sa amin. Tiningnan niya ako at pagkatapos ay ningitian ako nito. “Naku! Wala naman pa lang duda kung bakit nabihag mo ang puso ni N’Juanse.”

Bahagya akong nakaramdam ng kaunting hiya dahil sa sinabi ni P’Green. Napayuko na lamang ako at napakamot ng aking ulo.

“Naku, Nong! Huwag kang mahiya. Sanay na ako riyan.” natatawang sabi ni P’Green. Mayamaya ay napatingin naman siya kina Than at Neo pagkatapos ay ngumiti nang kakaiba. “Kayo rin ba ay……”

Hindi na pinatapos ni Neo ang sasabihin ni P’Green.

“Naku, P’! Magkaibigan lang kami.” natatawang tanggi ni Neo.

“Aaahhh!” tanging nasambit nito pagkatapos tumingin naman kina Tee at Shin. “Sige maiiwan ko na kayo rito. Salamat ulit, Nong.”

“Mai bpen rai, P’.” mabilis na tugon ni Juanse.

Nang umalis si P’Green ay nagpatuloy kami sa aming kaunting inuman habang masayang nagkukuwentuhan.

THAN

Papunta ako ngayon sa CR para umihi. Pagkatapos kong umihi ay naghugas muna ako ng aking kamay at saka tumingin sa salamin hanggang naalala ko ang naging sagot ni P’Neo kay P’Green kanina.

“Magkaibigan lang kami, P'.” Saglit akong natigilan habang pinagmamasdan ang aking sarili.

Mga ilang segundo pa ay lumabas na rin ako ngunit bigla akong napatigil nang makasalubong ko ang isang lalaki.

“Hi!” nakangiti nitong bati sa akin.

Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang din siya nakita. Ngunit halos magkasing-edad lang din kami.

“He-Hello!” halos nauutal kong tugon sa kaniya.

“I’m, Gun.” pagpapakilala niya sa kaniyang sarili tapos sabay abot ng kaniyang kamay.

“Than!” pagpapakilala ko naman sa aking sarili. Nakipagkamayan na rin ako sa kaniya.

“Kaibigan mo ‘yong kumanta kanina, di ba?” tanong niya.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon