Episode 4 (2/4)

84 6 1
                                    




THAN



Tahimik akong nanonood ng mga bituin sa langit ngayong gabi. Saglit akong naupo sa mga damuhan. Ramdam kasi ng katawan ko ang sakit at pagod dahil sa maghapon naming training. Next month na kasi magsisimula ang tournament. Until I suddenly remembered my Dad and my older brother. Excited na akong uuwi ngayong darating na weekend. Sabi kasi ni Coach Win, ngayong weekend na lamang kami puwedeng umuwi.



Ilang sandali lang ay lumapit sa akin si P'Ae.



"Bakit ka nandito Than?" tanong niya sa akin.



"Hello P'." bati ko sa kanya. "Nagpapahangin lang P'."



"Puwede bang tumabi?" tanong niya.



"Ok P'." agap kong tugon sa tanong nito.



He sat next to me. Nakita kong tumingala siya sa langit at sabay buntong hininga.



"Napakaganda ng mga bituin." aniya at pagkuwa'y ngumiti siya ng napakanipis.



"Oo P' Naalala ko nga noong maliit pa ako. Lagi kaming naglalaro ni Kuya sa labas ng aming bahay kapag maliwanag ang buwan." pagkukuwento ko. Bigla akong nalungkot dahil namimiss ko naman sina Papa at P'Knock.



"Siguro masyado kayong close" saad ni P'Ae. Tumingin siya akin.



"Oo P'. Kami nalang kasing tatlo nina Papa ang magkasama eh. Silang dalawa nalang ang mayroon ako ngayon."



"How about your mom?"



Huminga ako ng malalim.



"Wala na siya P'. Bata pa lang ako namatay na Mama namin. Kaya kami nalang nina Papa at P'Knock ang magkasama ngayon."



"Sorry Nong."



"Mai pen rai P'. Matagal na rin 'yun saka tanggap ko na naman."



Hindi narin kasi ako masyadong affected kapag napag-uusapan si Mama. Tanggap ko narin sa sarili ko na wala na siya. Oo, inaamin ko paminsan-minsan namimiss ko siya pero alam ko namang masaya siya kung nasaan man siya ngayon.



Saglit akong napatitig kay P'Ae habang nakatingala ito sa langit. Lihim akong ngumiti ng makita ko ang mukha nito. Aminado akong guwapo siya kaya bigla kong naalala si Juanse.



"Matagal na ba kayong magkaibigan nina Juanse at Shin?" tanong niya sa akin ng nilingon niya ako.



"Ahhh...bago palang P'. Bagong lipat kasi si Shin sa lugar namin. Nagkakilala lang kami niyan ng minsang bumili siya sa grocery store namin. Si Juanse naman dito lang din kami nagkakilala sa NSIS." sagot ko.



"Ahhh..mukha kasing close na kayo masyado. I thought friends na kayo since before pa."



"Hindi P'. Siguro magaan lang din loob ko sa kanila kaya siguro naging close kami kaagad. Mababait din kasi sila. Saka wala rin akong mga kakilala dito sa NSIS. Silang dalawa at kayo lang din ang mga kilala ko dito."



Bahagyang ngumiti si P'Ae.



"Alam mo Nong, hindi naman kasi malabong magustuhan ka ng lahat eh. Mabait ka, matalino, magaling saka guwapo. Ikaw nga ang hot topic ngayon dito at kahit saang sulok ng eskwelahan pinag-uusapan ka. Kinukumpara ka pa kay Neo." pahayag niya.



Bigla akong natigilan ng marinig ko ang pangalan ni P'Neo.



"P', puwede bang magtanong?"



"Uhhmm... ano yun?"



"Errr...galit ba siya sa akin?"



"Hey! Huwag mong isipin 'yun Nong. Hindi siya galit sayo. Actually, he is one of kindest players mayroon ang NSIS. Naging ganyan lang yan simula ng lumipat si Kao sa ibang school. Pero mabait si Neo. Pag makilala mo siya sigurado ako magugustuhan mo siya. Nong, I know one of this days, magiging close din kayo. Pagpasensiyahan mo muna siya ngayon." sabi ni P'Ae.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon