Episode 5 (4/4)

84 6 0
                                    

NEO

Bago nagsimula ang aming training ngayong hapon ay kinausap muna kami ni Coach Win. Sa susunod na linggo na kasi magsisimula ang tournament at hindi madali ang makakalaban namin sa unang game, ang Concordian International School, ang naging first runner up last season. Alam kong pinaghandaan ng CIS ang pagtatagpo namin sa unang araw ng tournament.

"Ok boys! Listen! kailangan na nating mag insayo ng maayos. Next week na ang magiging laban natin at makakalaban natin ang nakalaban natin last season sa finals. Alam ko, pinaghahandaan nila tayo at alam ko reresbak sila sa atin. Ang goal natin ay bumalik sa finals kaya dapat maipanalo natin ulit ang bawat laban." sabi ni Coach Win. "Neo, ikaw ang team captain at kayong dalawa ni Than ang outside hitter. Your main goal is to attack and to score. Kaya as much as possible patayin ninyo lagi ang bola kapag a-attack kayo. Than, isasali kita sa first six. So kung puwede mag-insayo ka ng mabuti. Neo, try to help Than as much as you can." dagdag pa ni coach.

"Yes coach!' mabilis na tugon ko habang ang mga mata ko ay kay Than nakatingin. Nakatingin din ito sa akin at ngumiti ng saglit.

"Juanse, opposite hitter ka. Your role is not only to attack pero kailangan mo ring dumepensa. Pag nasa harapan ka, always remember na dapat tulungan mo lagi ang ating middle blocker. Ok na 'yong spike mo. But kailangan pa nating ayusin ng kaunti. Ayusin mo rin 'yong receive mo pati ang serve mo. Ae, simula sa araw na ito, ikaw ang magiging partner ni Juanse sa bawat practice natin. Assist mo siya. E-develop mo rin yung kanyang jump serve."

"Ok coach!" agap na sagot ni Ae kahit pa alam kong allergic siya kay Juanse.

"Shin, ikaw ang secondary setter natin. Itatago kita sa mga unang laban natin. Pero ilalabas kita kapag kailangan na talaga lalo na sa finals. Malaki ang magiging papel mo. As setter, kayong dalawa ni Tee ang gagawa ng play. The most important thing as setter ay dapat ma-develop mo at ng iyong mga spikers ang chemistry niyo sa loob ng court. Kaya kailangan mag-uusap kayo lagi ng mga spikers mo kung kanino mo ibibigay ang bola. Tee, graduating na kayo. Kailangan maituro natin kay Shin ang lahat ng bagay na dapat niyang matutuhan bilang setter. Kaya ibibigay ko sa'yo ang authority na turuan siya."

"Yes coach! Asahan niyo, mag-iinsayo kaming dalawa." ani Tee. Nakita ko sa kaniyang mukha ang excitement.

Matapos magbigay ng mga paalala ni Coach Win ay nagsimula na kaming mag-insayo. Nagsimula kami sa mga basic drills. Hanggang nagkaroon na kami ng kondisyon at agad na naming sinimulan ang matinding training. Nagsimula kami sa receive, tapos spike at serves.

"Than, isipin mo lagi 'yong itinuro ko sayo, huh." paalala ko kay Than bago kami nagsimula.

"Ok, P'." agap nitong tugon sa akin.

Sinimulan namin ni Than ang kaniyang mga spikes. Wala na akong masabi, gumagaling nang gumagaling siya. Tinuro ko rin sa kaniya ang jump serve. Medyo hindi pa siya ganoon kalakas sa parteng iyon, ngunit naniniwala ako na gagaling din siya.

"P',  pasensiya na." malungkot niyang sabi ng hindi niya napalo ng maayos ang huling jump serve niya.

"Hey! Ok lang 'yon. Gagaling ka rin sa jump serve." sabi ko at sabay himas ng kanyang ulo. "Than, basta tiwala ka lang lagi sa sarili mo. Pag nag-aalangan ka, tumingin ka sa akin. Ok?"

Ngumiti siya at sabay tango. "Uhhmm!"



TEE

"Naalala mo ba dati ang sabi ko sa'yo?" tanong ko kay Shin. Ang gusto kong tukuyin ay ang abutin nito ang wall na sinasabi ko gamit ang kanyang mga sets.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon