Episode 12 (4/4)

47 3 0
                                    

AE

Pabalik na kami ng mansion ngayon. Nagpaiwan muna si Auntie samantalang dala namin si King pauwi. Tulog ito habang nakahiga sa paa ni Juanse.

Pagdating namin sa mansion ay agad na kinarga ni Juanse ang kapatid nito papunta sa kaniyang kuwarto. Sumabay na rin ako sa kaniya dahil sa bitbit ko ang sapatos ni King ngayon.

Ako na rin ang nagbukas ng pinto at pagkuwa’y pumasok na kami. Pagdating sa loob ay agad ding inilapag ni Juanse si King sa kaniyang kama. Nilagyan niya ito ng kumot at pagkatapos ay humalik pa siya sa noo ng kapatid bago kami lumabas.

“Mahal na mahal mo ang kapatid mo no?” sabi ko habang papunta kami ng kaniyang kuwarto.

“Uhhmm! Sila na lang ni Mama ang mayroon ako ngayon. Gusto ko lagi ko siyang kasama at gusto ko ako ang mag-aalaga sa kaniya.” pahayag niya. Nakita kong biglang nalungkot ang kaniyang mukha.

Bahagya kaming tumigil sa aming paglakad at hinawakan ko ang kaniyang kamay.

“Dalawa tayong mag-aalaga sa kaniya. Simula ngayon, aalagaan ko na rin siya.” nakangiting wika ko. Nais ko lamang iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa at narito lang ako para sa kaniya.

“P’, salamat at dumating ka sa buhay ko.” naluluhang sabi nito at pagkuwa’y niyakap niya ako ng mahigpit.

Tumugon din ako sa kaniyang yakap. Pinaramdam ko sa kaniya na mahal ko siya. Hindi ko alam kung tama ba itong sasabihin ko, pero ngayon pa lang ramdam kong siya na ang gusto kong makasama habang buhay. Alam kong maraming puwedeng mangyari at masyadong bata pa kami sa ganitong bagay. Pero puso ko na mismo ang nagsasabi. Hindi lang ito infatuation o puppy love. Sigurado ako sa nararamdaman ko sa kaniya.

“I love you, P’.” malambing na bulong nito sa akin.

Wala akong ibang magawa kundi ang tumugon sa mga katagang binitawan niya ngayon.

“I love you too.” mahina ko ring tugon ngunit punong-puno iyon ng pagmamahal.

Pagkatapos ay dumiretso na kami sa kaniyang silid para magpalit ng damit at magpahinga na rin. Mamayang gabi ay ipapasyal niya raw kami sa napakagandang siyudad ng Chiang Rai.

THAN

Pabagsak na inihiga ni P’Neo ang kaniyang katawan sa kama. Alam kong pagod siya at ganoon din ako. Agad na ipinikit nito ang kaniyang mga mata at natulog. Bahagya akong napalingon sa kaniya.

Nang lumingon ako sa kabilang kama ay nakita kong tulog na rin sina P’Tee at Shin dahil sa pagod. Bago ko ipinikit ang aking mga mata ay muli akong lumingon kay P’Neo at pagkakuwa’y nilagyan ko siya ng kumot dahil sa medyo may kalakasan ang aircon ngayon. Natulog na rin ako pagkatapos.
  ________________________________________

Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita kong mag-isa na lamang ako ngayon dito sa loob ng kuwarto. Nang tumingin ako sa orasan ay saktong 6:30 na pala ng gabi. Agad akong bumangon at niligpit ang higaan.

Hindi ko pa natapos ang pagliligpit ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si P’Neo.

“Gising ka na pala, Than.” sabi nito habang papalapit sa akin.

“Gabi na pala, P’.”

“Napahimbing kasi ang tulog mo. Hindi ka na rin namin ginising.”

“Nasaan sila, P’?”

“Nandoon sila sa baba. Naghahanda ng hapunan. Mamasyal daw tayo mamaya.”

Hanggang naalala ko ang sinabi ni Juanse kanina habang pauwi kami. Ipapasyal daw niya kami ngayong gabi. Bigla naman akong na excite ngayon.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon