Episode 18 (2/4)

40 3 0
                                    

NEO

“Alam niyo ba ang balita?” agad na tanong ni Ae ng lumapit siya sa amin. Agad itong naupo sa tabi ni Tee. Nandito kami ngayon sa loob ng canteen habang nagmimryenda.

“Anong balita?” naiintrigang tanong naman ni Tee.

“Pinaglaruan lang ni Folk si Than.” Labis akong nagulat ng marinig ko iyon.

“Anong ibig mong sabihin?” nagtataka kong tanong.

“Nalaman ni Than na kaya siya niligawan ni Folk para paibigin siya at pagkatapos iwanan. Ang nakakagulat pa dahil kasabwat ni Folk si Nam.”

“Si Nam!?” halos hindi ako makapaniwala sa aking nalaman. Maging si Tee ay bakas din sa kaniyang mukha ang pagkagulat.

“Oo, si Nam ang nag-utos kay Folk para ligawan si Than tapos iwanan. Magkasabwat silang dalawa.”

Biglang uminit ang ulo ko ng marinig ko iyon. Agad kong naisip si Than, alam kung nasaktan na naman siya ngayon. Agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan at dali-daling lumabas ng kantina.

“Ai’Neo!” tawag nina Tee at Ae sa pangalan ko ngunit nagpatuloy ako sa aking paglakad. Gusto kong puntahan si Nam.

Pagdating ko sa labas ng aming classroom ay nakita kong nakaupo sa loob si Nam kasama ang kaniyang mga kaibigan. Dali-dali ko siyang nilapitan.

Malakas kong sinuntok ang ibabaw ng desk nito na ikinagulat niya at lahat ng mga estudyanteng narito.

“Bakit ba galit na galit kay Than!?” pabagsak kong tanong. Alam kong nagsalpukan na ang makakapal kong kilay.

“Ano bang pinagsasabi mo Neo?” taka niyang tanong. Kunwari wala siyang alam sa sinasabi ko.

“Huwag ka ng magmaang-maangan pa Nam! Alam ko na ang lahat ng ginawa mo. Inutusan mo si Folk na ligawan si Than para saktan siya. Ano bang kasalanan niya sayo para gawin mo ‘yun?” galit ko paring tanong sa kaniya.

Tumaas ang kaniyang kanang kilay.

“Oo, inutusan ko si Folk na ligawan siya tapos iwan dahil gusto kong maranasan niya kung paano masaktan. Kasalanan niya dahil naniwala siyang seseryosohin siya ni Folk.” Anito tapos sarkastiko itong tumawa.

“Napakasama mo Nam! Magkaibigan tayo simula pagkabata pero hindi ko akalain na ganito pala kaitim ang budhi mo.”

“Masama na ako kung masama. Pero alam mo ba kung bakit ako naging masama? Dahil sayo! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito. Dahil sa Than na ‘yun hindi mo ako magawang magustuhan. Inagaw ka niya sa akin.”

“Shut up Nam! Walang inagaw si Than sayo dahil never ako naging sayo. Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Nagmumukha kang cheap dahil sa ginagawa mo.”Bigla niya akong sinampal ng napakalakas na siyang nagpainit sa aking pisngi.

Mas lalong naging matalim ang mga titig ko sa kaniya.

“Sa tingin mo, nanalo ka? Mas binigyan mo ako ng dahilan na hindi ka magustuhan. Kahit anong gawin mo, never ako mapupunta sayo dahil napakasama mong tao. Kahit kailan, hindi mo mapapantayan si Than.” galit na galit kong wika saka mabilis akong umalis.

“Pagsisihan mo lahat ng ito Neo!” galit na sigaw ni Nam ngunit hindi ko na siya pinansin pa.

Saktong palabas na ako ng pintuan ng makasalubong ko sina Than, Shin at Juanse. Bahagya siyang napatigil ng makita niya ako. Nagdadalawang isip man ako sa una ngunit nilapitan ko siya at walang pasabi kong hinawakan ang kaniyang kamay at sabay hila. Halos nagulat ang lahat ng ginawa ko iyon.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon