Episode 8 (1/4)

53 5 0
                                    

JUANSE

“Ihahatid na kita sa guestroom.” pagkuwa’y sabi ni P’Ae nang makuha niya ang mga gamit na ipapahiram nito sa akin ngayong gabi. Nandito kami ngayon sa kaniyang kuwarto.

“P’, dito na ako matutulog sa kuwarto mo.” naglalambing ang aking boses.

“Juanse, hindi ako sanay na may katabi.” saad niya at biglang sumimangot ang kaniyang mukha.

“Dito na lang ako sa sahig, P’, basta dito lang ako sa kuwarto mo matutulog.” pamimilit ko.

Napakamot siya ng kaniyang ulo. “Mas malaki ang kuwarto roon at tsaka mas maganda.”

“Kaya nga, P’, eh. Ayaw ko ng malaking kuwarto kasi natatakot ako.” Tinitigan niya ako ng medyo may kataliman.

“Ang kulit mo naman.” aniya at sabay hila sa kamay ko palabas ng kaniyang silid.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kaniyang mga magulang. Binitawan niya bigla ang kamay ko.

“Iho, dito ka na matutulog sa kuwarto ni Ae. Tabi na lang kayo.”  nakangiting sabi ng kaniyang ina. Lihim naman akong natuwa nang marinig ko iyon.

“Mommm!” sambit ni P’Ae. Nais pa sana niyang kumontra.

“Naku, hindi siya puwedeng matulog doon sa guestroom. Pupunta ang mga pinsan mo dito bukas.” sabi naman ng kaniyang ama. Nakita kong kumunot ang noo ni P’Ae. Halatang hindi sang-ayon sa sinabi ng kaniyang mga magulang.

“Eh di sa sala na lang ako matutulog.” nakasimangot na tugon ni P’Ae.

“Hindi rin puwede doon anak. Maglilinis ngayong gabi ang mga katulong. Madidisturbo ka lang doon. Saka ano bang problema kung tabi kayong matutulog ni Juanse? Pareho naman kayong lalaki.” ang kaniyang ina at pagkuwa’y ngumiti ito sa akin ng bahagya. Tuloy nagsalpukan na ang mga kilay ni P’Ae nang mapansin niya iyon. Mukhang wala na rin siyang ibang choice ngayon….(lol).

“Oh sige maiiwan na namin kayo.” sabi ng kaniyang ama at sabay tapik sa balikat ko. Sobra akong natutuwa dahil sa ginawa ng kaniyang mga magulang. Feeling ko tuloy boto sila sa akin…(lol.)

“Ano bang pinakain mo sa parents ko?” nakasimangot na tanong ni P’Ae paglabas ng kaniyang mga magulang.

“Wala. Saka ngayon ko nga lang sila na meet, di ba?” kunwari walang ganang sagot ko ngunit sa likod niyon ay nagkukubli ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Actually, hindi naman ako takot sa malaking kuwarto at hindi rin ako takot matulog ng mag-isa. Sadyang gusto ko lang talaga makasama si P’Ae na matulog ngayong gabi.

Oppss!! Teka lang! Huwag mag-isip ng masama huh! Wala naman akong ibang gagawin sa kaniya eh. Baka siya pa nga ang may gagawin sa akin….(lol).

Biro lang! Ewan ko! Basta gusto ko lang maranasan na bago ko ipipikit ang mga mata ko ngayong gabi ay siya lang ang tanging makikita ko.

Binigay niya sa akin ang damit pantulog na hawak niya. “Maligo ka na roon.” pabagsak na utos niya sa akin. Agad ko rin itong inabot at pumasok agad sa loob ng banyo.

AE

Bumaba muna ako at tumungo ng kusina para magtimpla ng gatas. Nakita kong andoon si P’Noh sa sala at nanonood ng tv. Lumapit ako sa kaniya.

“Oh, nasaan si Juanse?” tanong niya paglapit ko. Kanina ko pa napapansin, lahat sila ang bait kay Juanse saka mukhang gustong-gusto siya ng mga ito.

“Nandoon sa kuwarto.” paismid kong sagot tapos naupo sa sofa.

“Oh ba’t parang nakasimangot ka?” takang tanong ni Kuya nang mapansin nito ang mukha ko ngayon.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon