Episode 1 (3/4)

124 4 0
                                    


 

THAN

           Isang linggo na lang ay klase na. Tapos ko nang ipasa ang lahat ng mga requirements through online. Excited ako na parang kinakabahan. Ewan ko ba! Pangarap kong makatungtong ng NSIS pero ngayon parang natatakot na ako.

           Yes! Takot ako dahil hindi ko alam kung anong buhay ang naghihintay sa akin doon. Alam kong mga mayayaman ang nag-aaral sa paaralang iyon. Aaminin ko, iyon ang ikinatatakot ko na baka hindi ko ma adopt ang bagong environment. Hindi kasi ako sanay sa magarang buhay. Sanay ako sa simpleng lamang.

           “Sana maging ok ang lahat.” naisaloob ko habang inaayos ang ibang gamit ko.

           Biglang pumasok si P’Knock. Lumapit siya akin. May dala itong bagong towel at jacket.

           “Nong, dalhin mo ito.” sabi niya at sabay abot ng tuwalya at jacket sa akin.

Ang ibig niyang sabihin ay isali ko sa mga gamit na inihahanda ko ang mga bagay na bigay niya ngayon. Binili niya pa iyon sa Chiang Mai nang minsang bumisita siya kay Lola.

           “Thanks, P’.” nakangiti kong sabi ngunit sa kabila noon ay nalulungkot ako.

           Hindi ko pinapahalata kay P’Knock ang tunay kong nararamdaman ngayon. Ayaw ko kasing mag-alala siya sa akin. Ayaw kong ipakita sa kanya na nalulungkot ako. Kilala ko siya, pipigilan niya ako pag nakita niyang hindi ako ok.

           “Mag-ingat ka doon, huh. Wala kami ni Papa sa tabi mo. Alagaan mo sarili mo.” wika ni P’Knock at sabay hawak sa aking ulo. Bahagya pa niyang ginulo ang aking buhok.

           Tumingin ako sa kanya tapos bahagyang ngumiti. Nang hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko…I mean ang ibig kong sabihin ay parang gusto kong mapaluha ngayon…. ay bigla na lamang akong napayakap sa kanya.

           “Salamat, P’.” sabi ko habang nakayakap sa kanya. Pinipigilan ko ang aking sarili. Ayaw kong umiyak.

           Hinimas ni Kuya ang ulo ko tapos hinalikan niya pa ito. Ang lambing niya sa akin. Iyon lagi ang kanyang ginagawa. Sa tototoo lang, malaking tulong sa akin iyon lalo na pag medyo kinakabahan ako. Sa tuwing ginagawa niya iyon ay tila ba napapakalma niya ako at napapagaan ang aking loob.

           “Basta pag naroon ka na, huwag mong kalimutang tumawag lagi, huh.”

           “Ok, P’. Alagaan mo si Papa P’Knock, huh. Huwag mo siyang pababayaan.”

           “Awww…siyempre naman. Parang hindi mo ako kilala.”

           Tumawa ako. Tama nga naman! Parang hindi ko kilala ang Kuya ko. Kalimutan lang niya ang sarili niya huwag lang si Papa. Alam ko kung gaano kahalaga si Papa sa kanya.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon