Episode 12 (1/4)

43 2 0
                                    


AE

Mga 6:30 ng umaga bumiyahe na kami papuntang estasyon ng tren dahil 7:00 am ang unang biyahe nito papuntang Chiang Rai. Medyo naghahalo ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako na parang na-eexcite.

Pagdating namin ng estasyon ay agad din kaming bumili ng ticket. Pagkatapos ay pansamantala kaming naupo sa mga upuang nakalaan para sa mga pasahero. Mahigit 20 minutes pa kaming maghihintay para sa pag-alis ng unang biyahe.

"Sino sa inyo ang nakapunta na ng Chiang Rai?" tanong ni Neo. Ngunit wala ni isa sa amin ang sumagot.

Wala kaming ideya kung saan ang bahay nina Juanse. Ang tanging dala lang namin ngayon ay ang address nito na nakuha pa namin sa kaniyang profile.

"Magtanong-tanong na lang tayo pagdating natin doon." pagkakuwa'y sabi ko.

"Basta ang alam ko, kilala ang pamilya nila sa Chiang Rai." pahayag ni Than.

Pagkalipas ng dalawampung minuto ay nagsimula nang nagsipasukan sa loob ng tren ang mga pasahero. Pumasok na rin kami at naupo. Magkatabi kami nina Neo at Tee samantalang nasa harapan namin sina Than at Shin.

Hindi ako masyadong sanay sumakay sa tren dahil hindi naman ako lumalabas ng Bangkok. Unang beses ko itong bumiyahe sa malayo at medyo nahihilo ako ngayon.

"Ok ka lang, Ae?" tanong sa akin ni Neo nang mapansin nitong medyo di ako okay.

"Medyo nahihilo kasi ako." mahina kong tugon habang hawak ko ang aking ulo.

"Heto, P'. Inumin mo ito." ani Than sabay abot ng isang tablet sa akin. "Yan ang iniinom ko, P' sa tuwing nahihilo ako sa biyahe." sabi pa nito.

"Thank you, Than." ani ko at sabay kuha sa tabletang inabot nito. Inabutan din ako ni Neo ng tubig at pagkakuwa'y agad kong ininom ang tabletang hawak ko.

"Mas maganda kung ipikit mo na lang muna ang mga mata mo." wika ni Tee. "Sige, sumandal ka sa akin." sabi pa nito sabay bigay ng kaniyang balikat.

Dahil medyo ramdam ko ngang nahihilo pa ako, napasandal na rin ako sa balikat ni Tee at pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mga mata.

THAN

Nakita kong kumuha ng cellphone at headset si P'Neo sa kaniyang bag.

"Than, gusto mo bang makinig ng music?" tanong niya sa akin.

"Ok, P'." agap kong tugon.

Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuan at tumabi sa akin. Ibinigay nito sa akin ang kanang bahagi ng headset samantalang inilagay naman niya sa kaliwang tainga nito ang natirang parte. Mga awitin ng Getsunova ang kaniyang pinapatugtog which is paborito ko ring pakinggan.

Habang nakikinig kami pareho ng music mula sa kaniyang telepono ay para bang bigla kong nakalimutan na may kasama kaming dalawa. Pakiwari ko ba'y kami lang dalawa ang naririto ngayon.

Lihim akong napasulyap sa kaniya. Nakita ko ang napakakinis niyang mukha at matangos niyang ilong. Aminado akong napakaguwapo ni P'Neo. Sa totoo lang, sa kaniya lang ako tumingin ng ganito. Simula nang makita ko siya at naging malapit kami, araw-araw ko siyang hinahangaan sa taglay niyang kaguwapuhan.

"Napaka-suwerte naman ng magiging girlfriend nito." sabi ng aking isipan habang lihim akong sumusulyap sa kaniya.

Mga ilang sandali lang ang lumipas ay nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya habang sinalubong naman niya ako ng kaniyang mga mata. Nagkasalubungan ang aming mga paningin. Ningitian niya ako at sinuklian ko rin siya ng mga ngiti.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon