Episode 3 (3/4)

94 6 0
                                    

NEO

Hanggang ngayon ay nakasandal pa rin si Than sa balikat ko. Mga ilang minuto na rin kaming nasa ganitong senaryo. Tila napakahimbing niyang natutulog habang nakasandal sa aking balikat. Marahil dala ito ng takot na nadarama niya kanina. Wala akong ibang magawa kundi ang titigan paminsan-minsan ang natutulog na junior player.

Sa pagkakataong ito, hindi ko mapigilan ang sarili na lihim na sumaya. Nagtataka ako kung bakit ganito ang aking nararamdaman ngayon. Subalit hindi ko maitatatwa ang sayang bumabalot sa akin ngayong gabi. Muli kong hinawakan ang kanyang kamay. Mahigpit na animo’y nagsasabi na wala itong dapat ikatakot dahil narito lamang ako sa kaniyang tabi.

Matagal bumalik ang kuryente hanggang mayroong ilaw at mga yapak ng paa na papalapit sa amin.

“Than!” mahina kong bulong sa kaniyang malapit sa kaniyang tainga nang mapansin ko ang mga iyon. Ngunit hindi pa rin siya gumigising.

Nang nasa malapitan na ang nasabing ilaw at mga yapak ay biglang may tumawag sa pangalan ni Than. Si Shin, boses nag-aalala. Nang makita kaming dalawa na nakaupo sa sahig ay agad nila kaming nilapitan.

“Neo, anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Tee paglapit sa amin.

Doon lamang nagising si Than. Nang imulat nito ang kaniyang mga mata ay napatingin siya sa akin nang makita niya ako.

“Sorry, P’.” mahina niyang sabi na tila nahihiya ang kaniyang boses.

Hindi ako sumagot at sa halip ay pinigilan ko ang sarili na ngumiti but deep inside in my heart, nandoon ang saya na dulot ng nasabing pangyayari.

“Than, okay ka lang?” tanong ni Shin sa kaibigan. Lumapit siya kay Than at hinawakan ang kamay nito.

“Umm!” tanging tugon ni Than. Nakita kong gumuhit ang manipis na ngiti sa mga labi niya.

Tinulungan siya ni Shin na tumayo. Mayamaya ay bigla ring bumalik ang kuryente at biglang nagliwanag ang buong paligid.

(Noon lamang tuluyang nakabalik si Than sa kanyang katinuan. And he immediately stared at Neo’s face.)

Nagkatitigan kami ni Than. Medyo matagal. Nakita ko pa rin ang takot sa kaniyang mukha. Ngumiti ako ng bahagya sa kaniya. Iyong nagsasabing …. “Huwag kang matakot, nandito lang kami….I mean nandito lang ako.” Nangingislap ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

Nang kapwa kami matauhan ay agad kaming bumalik sa aming dorm. Wala paring imik si Than hanggang ngayon habang hawak ni Shin ang kaniyang kamay.

“Ai’Neo, ano ba talagang nangyari?” tanong ni Tee sa akin ng maiwan kami sa labas ng aming kuwarto. Ang nais tukuyin ay ang nangyari kanina kung saan natagpuan nila kaming dalawa ni Than na nakaupo sa sahig.

Ikinuwento ko ang buong pangyayari.

“Nakalimutan ko kasi kanina ang aklat ko. Kaya kinuha ko yun sa ating classroom. Saktong pababa na ako noon ng biglang nag blackout. Tapos noong andun na ako sa baba, biglang may narinig akong boses na tila hinihingal at takot. Ayun nilapitan ko at laking gulat ko ng makita ko siya. Takot na takot siya. Niyaya ko siyang lumakad pabalik dito ngunit di siya makalakad dahil nanginginig siya. Hanggang umiyak na lamang siya.”

“Tapos anong ginawa mo?”

Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Napalunok ako ng aking laway.

“Ai’Neo, anong ginawa mo?” usisa ni Tee.

“Siyempre hindi ko siya iniwan. Sinamahan ko nalang siya hanggang nakita niyo kami.” sagot ko. Iniiwas ko ang tingin sa kanya.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon