Special Episode

96 6 1
                                    

Title: MY STAR
Author: Jenryl de Jesus
Wattpad: @jenryl04
Dreame: @Moonlight04


SPECIAL EPISODE

NEO

Nagising ako dahil sa mga tunog ng bola at ingay na nagmumula sa aming hardin. Bago ako bumangon ay uminat muna ako ng aking katawan at pagkatapos ay dali-daling tinungo ang bintana. Pagtingin ko sa ibaba ay nakita ko si Daddy habang nakikipaglaro ng volleyball kay King.

Totoo ba itong nakikita ko ngayon? Parang ayaw kong maniwala sa aking nasaksihan.

Dali-dali akong lumabas mula sa aking silid at patakbong binaba ang hagdanan. Diretso sa hardin ay masayang nadatnan ko sina Dad at King.

"P'Neo...." tawag ni King sa aking pangalan nang mapansin ako nito.

"Aroonsawat Dad." bati ko kay Dad paglapit ko sa kanila. Bahagya silang tumigil sa paglalaro dahil sa biglang pagdating ko.

"Turuan mo ako P'." si King at kinuha sa kamay ni Dad ang bola.

"Yun ay kung papayag si Daddy." Tumingin ako kay Dad at bahagyang ngumiti.

"Aba naman! Kung magiging kasinggaling mo ba itong Kuya mo, bakit naman hindi?" nakangising wika ni Daddy sa aking kapatid.

"Pero big boy na kasi si P'Neo." biglang naging malungkot ang tono ng pagsasalita ni King.

Nakuha ko ang nais niyang tukuyin na hindi siya kasinggaling at kasinglakas ko ngayon. Lihim na lamang akong natawa sa aking kapatid. Nilapitan ko siya at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok.

"Magiging big boy ka rin at magiging magaling ka rin tulad ko. Pangako ni Kuya na tuturuan kitang maglaro ng volleyball."

"Yehey!" Tumalon pa ito habang pasigaw niyang binanggit iyon. "Gusto ko paglaki ko maging katulad mo P'Neo."

Lihim akong nasiyahan sa sinabi ng aking kapatid. Nang tumingin ako kay Dad ay nakita ko ang mga ngiti sa kaniyang labi. Hindi ito kagaya dati na sa tuwing pinag-uusapan namin ang larong volleyball ay laging nakasimangot ang kaniyang mukha. Naalala ko pa nga, pinaputok niya rin minsan ang bolang binili ko. Umiyak pa ako noon dahil feeling ko hindi niya ako mahal.

Pumunta si Dad sa gilid at naupo samantalang pumunta naman kami ni King sa gitna at nakipaglaro ako sa kaniya. Napakasaya niya habang tinatanggap nito ang bawat tapon ko ng bola. Hindi man niya ito narereceive ng maayos ngunit nakita kong may alam siya kung paano i-receive ito.

'Wooaahh...Hindi ko alam na magaling ka pala." puri ko sa aking kapatid.

"Siyempre napanood kita P' eh."

"So ginagaya mo ako?"

"Oo naman! Idol kaya kita." sumenyas pa ito ng aprub.

Natawa naman ako sa kaniyang inasal. Nakita kong ang laki ng kaniyang pinagbago. Hindi na ito gaya ng dati na sobrang baby kung umasta. Sa tingin ko nga para siyang little binata.

Nagpatuloy kami sa paglalaro ng halos tatlumpung minuto hanggang dumating si Uncle Yan, isa sa aming mga tagapangalaga. Siya muna ang naging kasama ni King sa paglalaro. Tumungo ako sa kinaroroonan ni Dad at naupo sa isang upuan kung saan halos magkatabi lang din kami.

"Inumin mo na 'tong kape mo habang mainit pa." aniya at sabay abot ng tasa.

"Khaawp khun khrap." sabi ko saka humigop ako ng bahagya.

"Saan mo gustong mag-aral ng college?"

"Gusto ko sa Chulalongkorn Dad."

"Ano naman ang balak mong kukunin na kurso?"

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon