Episode 13 (4/4)

45 4 0
                                    


TEE

“Hi, Tee!” bati sa akin ni Pam paglapit niya.

Isang matamlay na ngiti lamang ang naging tugon ko sa kaniya.

“Oh, ba’t ganiyan ang mukha mo?” taka nitong tanong pagkatapos umupo.

Napahawak naman ako sa aking pisngi.

“Ang ibig kong sabihin ay bakit ang lungkot ng mukha mo ngayon?”

Hindi ako sumagot sa naging tanong niya at sa halip ay nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

“Heartbroken?”

Matagal ako bago nakasagot.

“Sa tingin ko galit sa akin si Shin?” pagkuwa’y wika ko.

“Bakit mo naman nasabi 'yon?”

Napilitan akong ikuwento kay Pam ang lahat. 

“Hindi mo pa naman nasabi sa kaniya ang lahat, di ba? At sa tingin ko Tee hindi siya galit. Naghihintay lang din siya na sabihin mo sa kaniya ang totoo.” aniya pagkatapos kong magkuwento.

“Pero paano, Pam, kung wala nga siyang gusto sa akin?”

“Puwede ba huwag ka munang mag-isip nun. Hindi mo pa nga nasasabi sa kaniya ang tunay mong nararamdaman. Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kaniya ang lahat?”

“Natatakot ako, Pam, na baka gaya ng dati mabigo ako.”

“Tee, hindi naman nangangahulugan na nabigo ka noon kay Kao ay mabibigo ka ulit ngayon kay Shin. Talagang hindi lang si Kao ang para sa'yo. Malay mo baka gusto ka rin ni Shin.”

Natigilan ako ng saglit hanggang naalala ko ang nangyari noon.

FLASHBACK

Papunta ako ng aming locker room habang bitbit ko ang regalong ibibigay ko kay Kao. Matagal ko ng siyang gusto. Maliban kay Pam, wala ng ibang nakakaalam sa tunay kong nararamdaman sa kaniya.

Nadatnan kong may inaayos si Kao sa kaniyang locker. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.

“Tee!’ gulat na sambit nito nang makita niya ako.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, biglang nahulog ang isang picture mula sa kaniyang locker. Nang tiningnan ko ito ay nagulat ako sa aking nakita. Picture nilang dalawa ni Neo habang magkaakbay.

Dali-dali niya itong pinulot at itinago. Napansin kong biglang namula ang kaniyang pisngi. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata ngunit hindi niya ako kayang tingnan ng diretso.

Bigla akong nagduda sa kaniyang ikinikilos ngayon kaya napilitan akong magtanong sa kaniya.

“May gusto ka ba kay Neo?” tanong ko. Ngunit hindi siya makasagot at sa halip ay napayuko na lamang ito.

Nakaramdam ako ng kirot kahit pa hindi siya nagsasalita.

“Tee, puwede bang sa atin na lang ‘to?” pagkuwa’y saad niya. Nahihiya ang kaniyang tinig.

Parang gusto kong lisanin ang lugar na ito matapos kong marinig iyon mula sa kaniya.

“Ka-Kailan pa to nagsimula?” nauutal kong tanong.

“Simula noong grade 10 pa tayo. Pinigilan ko naman, Tee, kaso hindi ko nagawang kontrolin ang feelings ko kay Neo.” nakayukong pahayag ni Kao.

Parang babagsak ang masaganang luha sa aking mga mata. Pinigilan ko ito sa tuluyang pagdaloy. Bigla kong itinago sa aking likuran ang bitbit kong box.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon