Episode 3 (4/4)

91 6 0
                                    



THAN

“Shin, thank you!” minsang sabi ko sa kaibigan habang papasok kami sa isang sushi restaurant. Hindi ko inaasahan ang libreng ginawa nito ngayon sa amin.

“Walang anuman Than.” nakangiting tugon ni Shin.

Ito ang unang outing ng buong team. Buti naman pinayagan kami ni Coach Win na lumabas ngayong gabi.

Inikot ko ang aking paningin sa mga kasama hanggang nakarating iyon kay P’Neo. Tumigil ng panandalian ang aking mga mata ng makita ko siya. Hindi ito nakatingin sa akin at sa halip abala ito sa kanyang cellphone.

“Nong Shin, thank you sa free dinner.” sabi ni P’Ae na ngayon lamang nagsalita dahil sa hindi sila nagkikibuan ni Juanse.

Tahimik lang din noon si Juanse. Tanging cellphone lamang nito ang inasikaso. Maya-maya ay nag ring ang kanyang cellphone. Saglit siyang nagpaalam sa amin para sagutin ang tawag.



JUANSE

“Hello Ma!” sabi ko pagkapunta sa likurang bahagi ng restaurant.

“Hello son!” sagot ni Mama mula sa kabilang linya. Bigla ko siyang namiss. Ilang araw ko narin silang hindi nakikita.

“Napatawag kayo Ma? May problema ba Ma?” tanong ko. Bigla akong nag-alala.

“Wala naman! Namiss ka lang namin ng Papa mo at kapatid mo. How are you son?”

“I’m fine Ma. Kayo, musta kayo diyan?”

“Ok lang din kami dito. Nalulungkot ka ba diyan?”

“Ok lang ako dito Ma. Masaya naman dito saka may mga bagong kaibigan ako, mababait din sa akin ang mga seniors ko. Saka Ma, pakisabi kay Papa na huwag siyang mag-alala. Tapos pakisabi sa kanya na magpagaling siya. Mahal na mahal ko kayo Ma. Si King Ma, musta siya?”

“He’s fine. Nagtatanong lagi kung kailan ka uuwi. Miss na miss ka na raw niya.”

Bahagya akong nalungkot sa sinabi ni Mama. Si King, ang bunso kong kapatid. Mahal na mahal ko ‘yun. Lagi kaming magkasama at kahit sa pagtulog ay magkatabi lagi kami. Ito ang unang beses na napawalay ako sa aking pamilya. Mahirap para sa akin ang lumayo subalit ito lang ang tanging paraan para tuparin ko ang pangarap ni Papa.

“Ma, pakisabi kay King, miss na miss ko narin siya. Saka Ma, pakisabi sa kanya na alagaan niya si Papa.” halos malungkot na sabi ko. Nais na sanang papatak ng mga luha sa aking mga mata ngunit pilit ko itong pinigilan.

“Ok son. Ingat ka diyan. I love you. Bye son” sabi ni Mama.

“I love you too Ma. Bye-bye.” tugon ko.

Nang maibaba ko ang telepono ay muli akong bumalik sa loob ng restaurant. Saktong nakahanda na ang mga pagkain pagbalik ko. Tahimik akong naupo sa aking upuan. Tahimik din akong kumakain.

Sa kabilang dako, napansin kong tahimik lang din noon si P’Ae. Simula ng dumating kami kanina, isang beses ko lang siyang narinig magsalita.



THAN

Napansin ko ang lungkot sa mga mata ni Juanse. Hindi man  nito sinasabi, ngunit ramdam ko ang bigat ng kanyang nararamdaman. Batid kong may dinadala ito.

“Juanse!” tawag ko sa kanya ng sinundan ko siya papuntang CR.

“Bakit Than?” tanong nito ng lumingon siya sa akin.

“Ok ka lang?” nag-aalala ang tono ng aking boses.

“Uhhhmm.” matipid niyang sagot.

Lumapit ako sa kanya.

“Hindi ka ok. Tell me, what’s wrong?” usisa ko.

Huminga ng malalim si Juanse.

“Namimiss ko lang family ko.” malungkot niyang wika.

(Nagbabadyang papatak ang kanina pa’y pigil na pigil niyang mga luha.)

Bigla ko siyang niyakap. Ramdam ko ang lungkot na nadarama nito dahil ganoon din ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko sina Papa at P’Knock. Actually, sa unang tatlong gabi ko sa NSIS, bawat gabi ay pumapatak ang aking mga luha kapag naaalala ko lahat. Hirap din akong labanan ang pangungulila sa aking pamilya. Ngunit pilit kong nilalabanan ang bawat sandali na nalulungkot ako. Buti nga lang, andiyan sina Shin at Juanse kaya kahit papano gumagaan ang bigat ng aking kalooban. Kaya heto ako ngayon! Nais kong ipadama sa kaibigan na hindi siya nag-iisa. Nais kong pawiin kahit sa simpleng paraan ang lungkot na naramdaman niya.

“Nandito lang kami ni Shin. Hindi ka nag-iisa. Kaya lahat puwede mong sabihin sa amin. Wala kang dapat ipangamba. Kaibigan mo kami, kaya hindi ka namin pababayaan.” pabulong wika ko habang yakap ko siya.

(Ang kanina pang nagbabadyang luha ni Juanse, ngayon ay di na niya napigilan sa tuluyang pagpatak nito.)

“Salamat Than!” anito habang pilit na pinigilan ang sunod-sunod na pagdaloy ng mga luha mula sa kanyang mga mata.

“It’s ok!” pagkuway hinimas-himas ko ang kanyang likod.

Pagkatapos ng hapunan, ay agad din kaming bumalik sa aming dorm. Magkasamang naglalakad kami ni Shin ngayon.

“Shin, thank you ulit huh!” sabi ko na ang gusto kong tukuyin ay ang ginawa nitong paglibre sa amin ng dinner.

“Can you stop saying thank you Than?” sabi niya at pagkuwa’y tumingin siya sa akin.

“I’m just happy because I’m with you now.” pagkuwa’y saad ko. Masaya lang ako na lalong lumalalim ang aming pagkakaibigan.

Saglit na ngumiti si Shin.

“Than, special ka sa akin. So I’m doing it…. I mean I want to make you happy today.” anito.

“Thank you.” mahina kong sabi, tapos sinuklian ko siya ng isang ngiti rin.



AE

Paminsan-minsan, napapasulyap ako kay Juanse kanina. Nakita ko ang biglang paglungkot ng mukha nito. Hindi ko maiwasang isipin na isa ako sa dahilan kung bakit malungkot ito ngayon.

“Bakit ba ang init ng ulo mo sa kanya?” tanong ni Tee ng tumabi sa akin. Ang nais nitong tukuyin ay ang pakikitungo ko kay Juanse.

Natigilan ako. Actually, hindi ko alam kung anong isasagot ko batay sa nararamdaman ko.

“Hindi mo ba namimiss ang pangungulit niya sayo? Ilang days narin siyang hindi lumalapit sayo.”

Napaisip ako. Oo nga! Tatlong araw narin niya akong hindi pinapansin. Tatlong araw naring hindi niya ako kinukulit. Nakakalungkot din pala pag naalala ko ‘yun.

Opps! Teka lang! Bakit ka naman nalulungkot Ae….huwag mong sabihin na…….?

“Uhhhmmm! Inaamin ko nakakamiss din ‘yung mga pangungulit niya sa akin. Nakakalungkot din na umiiwas na siya sa akin.” sagot ko.

“Eh bakit hindi mo siya kausapin? Sa palagay ko Ae, kailangan ka rin niya ngayon. Nakita ko kanina na malungkot ang mukha niya. Di ba tayo ang seniors? Dapat tayo ang makikisama sa kanila lalo pa’t mga baguhan sila sa ating eskwelahan. Naalala mo rin ba dati nung bago pa tayo dito? Walang araw na nilalapitan tayo ng mga seniors natin para kausapin tayo. I think, ito na ‘yung tamang panahon na gawin naman natin sa ating mga juniors ang ginawa sa atin ng mga seniors natin dati.” pahayag ni Tee. May point siya. Never ko naranasan na pinakitunguhan ako ng mga seniors ng hindi maganda. Inalalayan nila kami hanggang nakapag-adjust kami sa bagong environment.



THAN

“Ok boys! Starting today, magsisimula na tayo ng rigid training natin. No more break muna tayo for weekends. Malapit na magsimula ang tournament. Dapat ma form na natin ng maayos ang ating team at ma execute na natin ng maayos ang ating mga trainings.” minsang sabi ni Coach Win sa amin. “Neo, since you are the team captain, I’ll entrust everything to you. Dapat ikaw ang manguna sa lahat lalo na sa mga juniors. Did you get it?”

“Yes coach!’ mabilis na sagot ni P’Neo.

“Tee, ituro mo kay Shin lahat ng trainings for proper set.” 

“Yes coach!” mabilis na sagot naman ni P’Tee. Pagkatapos napatingin ito kay Shin at  ningitian niya ito.

Pagkatapos ng short briefing ni Coach Win ay agad kaming sumabak sa matinding training. Sa loob ng ilang linggong insayo, nakita ni Coach Win na medyo mahina parin kaming mga junior players niya lalo na sa receive. Kaya inisa-isa niya kami sa pag receive ng bola.

Naunang sumabak sina Kit, Ryu, at In. Sa tatlo, si Ryu lang ang nakaka-receive ng maayos dahil sa libero ito. Subalit sina Kit at In ay halos hirap  sa pag-receive at halos bugbog sarado ang kanilang mga katawan dahil sa tama ng bola.

Pagkatapos ng tatlo, sumunod naman si Shin.

“Shin, hindi ibig sabihin na setter ka ay hindi kana magre-receive ng bola. As setter, dapat magaling ka rin sa reception.” sabi ni Coach Win. “Kailangan mong mareceive ng maayos ang  anim sa sampung serves ni Peak. Pag hindi mo yan magawa, kailangan mong ikutin ng sampung beses ang oval. Maliwanag?”

“Yes coach!” tugon ni Shin ngunit halata sa mukha na kinakabahan siya. Aminado siya na  hindi siya magaling sa receive.

(Noong nasa junior high school pa siya tanging set lang ang halos ng kanyang ginagawa. As much as possible hindi niya kinukuha ang first ball.)

Kaya unang serve ni P’Peak, ay halos hirap siyang makuha ito. Sinundan pa ito ng malalakas na jump serve kaya failed siya na makuha ang anim na serves ng maayos. Sa katunayan, ilang beses pang natamaan ang kanyang katawan at mukha ng bola. Kaya agad niyang tinungo ang field at sinimulan ang kanyang punishment.

Sumunod si Juanse. Gaya ng dati, si P’Ae ang magse-serve. Matitinding serves ang binitawan ni P’Ae subalit nagawa nito na ma receive ng maayos ang pitong serves ng senior player. Kaya hindi siya pinarusahan.

At ang pinakahuli, ako na naman ang magre-receive ng bola. Ngayon, si P’Neo na naman ang magse-serve. Tulad ng dati, mabibigat na jump serves ang binitawan ni P’Neo, tuloy nahirapan ako na ma-receive ng maayos ang bola nito. Ang totoo, ang pang siyam na serve ni P’Neo ay tumama na naman ulit sa mukha ko kaya dumugo na naman ulit ang aking ilong. Pagkatapos ng sampung serves, nagtungo ako sa CR para maghugas ng mukha dahil tuloy-tuloy ang pagpatak ng dugo mula sa ilong ko.

“Yun lang ba ang kaya mong gawin?” tanong mula sa aking likuran. Si P’Neo, sinundan pala niya ako. Nagpunas ako ng mukha at pagkatapos napatingin ako sa kanya.

“Ang paglalaro ng volleyball ay hindi lang puro guwapo. Ngayon kung hindi mo kayang maglaro, huwag mong pilitin. Masisira ang buong team.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na masasabi niya iyon. Ang akala ko ok na ang lahat pagkatapos ng gabing magkasama kami, ngunit nagkamali ako. Hindi pa pala ito ok sa kanya. Naisip ko tuloy, marahil galit parin ito sa akin dahil sa nangyari sa mall at talagang ayaw nito sa akin..

“So-Sorry P’.” nauutal kong wika. Deep inside, nasasaktan na ako dahil sa aking narinig mula sa kanya

“Hindi puwedeng idadaan lang natin sa sorry kapag natalo tayo. Scholar ka ng paaralan, pinili ka nila kaya patunayan mo na karapat-dapat ka. Hindi tayo mananalo kung kapogihan mo lang ang gagamitin mo.” masasakit na sabi ni P’Neo. Halos hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Dahil doon, hindi ko na nagawang makasagot pa. Napayuko na lamang ako dahil sa hiyang nadarama. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Nais kong mapaluha ngayon. Halos nanlumo ako sa mga sinabi nito.

Nang umalis siya ay muli akong humarap sa salamin. Pinagmasdan ko ang aking sarili at halos nanliliit ako habang pinagmamasdan ko ito sa salamin. Dahil sa masasakit na salita ni P’Neo, ay biglang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Nainsulto ako ngunit naisip ko, tama siya….marahil mahina nga ako. Tuloy natanong ko sa aking sarili kung talagang karapat-dapat nga ako na maging parte ng Mens’ Volleyball Team ng NSIS.

Biglang nag ring ang aking cellphone. Kinuha ko ito at tiningnan ang pangalan ng tumatawag. Si P’Knock, ang aking kuya. Sandali kong inayos ang aking sarili para hindi nito mahalata ang aking boses.

“Hello P’.” sabi ko pagkasagot ng telepono.

“Hello Nong! Musta kana?” tanong ni P’Knock sa kabilang linya.

“Ahhhh….Ok lang ako P’. May practice kami ngayon.”

“Ahhh ganun bah? Siguro hinahangaan kana ngayon diyan kasi ang guwapo mo tapos ang galing mo pang volleyball player. Than! Gusto ka na naming makita ni Papa na maglaro. Ang galing-galing mo na sigurong maglaro noh.” naeexcite na wika ni P’Knock.

Napatigil ako ng saglit. Naalala ko ang sinabi ni P’Neo kani-kanina lang. Nais kong lumuha.

“Ahhh…P’, hindi pa naman. Bago palang naman ako dito P’ eh. Saka ang tindi ng training dito. Hindi ko nga alam kung kakayanin ko.” pagdadahilan ko.

“Than! Kaya mo yan! Pangarap mo yan eh. Di ba matagal mo ng pangarap na makapag-aral diyan. May tiwala kami ni Papa sayo. Sobrang proud nga kami ni Papa sayo eh. Ipinagmamalaki rin kita sa mga kaibigan at kaklase ko. Kaya huwag kang susuko. Alam kong magaling ka. Idol kita eh. You are my star!”

Bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata dahil sa sinabi ni P’Knock.

“Salamat P’. Sige P’Knock, babalik na ako sa training. Pakisabi kay Papa, miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na kayo. Hindi pa muna ako makakauwi ngayong weekend P’.” sabi ko na pilit na itinatago ang katotohanan.

“Ok lang Than. Miss na miss ka narin namin. Miss na miss na kita. Pag-uwi mo dito, ipagluluto kita ng paborito mong pagkain. Mag-iingat ka diyan huh. Huwag kang magpapagutom. Magpapadala si Papa ng allowance mo bukas.”

“Salamat P’. I love you.”

“I love you too Than.”

Nang maibaba ko ang aking telepono ay napasandal na lamang ako sa pader tapos biglang umiyak. Feeling ko, napaka-weak ko ngayon. Nanghihina ang aking loob. Parang ayaw kong  bumalik sa insayo. Parang gusto kong umuwi sa amin. Hanggang napaupo na lamang ako sa sahig habang walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha.

(Ang hindi niya alam, naroon pala sa labas noon si Neo. Nakikinig sa usapan nila ng kanyang Kuya. Hindi man nagpapakita, ngunit dinig nito ang kanyang pag-iyak at ramdam niya ang bawat patak ng kanyang mga luha. Biglang may tila kumurot sa puso ni Neo noon. Hindi niya maipaliwanag ngunit ramdam niya ang sakit ng mga binatawang salita kay Than. Hindi niya puwedeng itanggi, naaawa siya rito lalo na ng marinig niya ang paghagulgol nito. Nais niyang takbuhin ang junior player sa loob ngunit may tila kung anong pumipigil sa kanya. Hindi niya maintindihan, kabaliktaran ang kanyang mga sinabi sa kanyang tunay na nararamdaman.)

__________________________________

Pagkatapos ng hapunan, nagtungo ako sa isang kubo. Hanggang ngayon, hindi parin mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni P’Neo sa akin. Naupo ako at pagkuway huminga ng malalim. Medyo may kalamigan ang simoy ng hangin ngayong gabi.

Maya-maya ay lumapit sakin si Shin. Sinundan pala ako nito ng makitang mag-isa lamang akong pumunta rito.

“Than, bakit ka nandito?” tanong niya sa akin. “May problema ba?”

Huminga ulit ako ng malalim.

“Wala Shin. Nagpapahangin lang ako.”

Naupo siya sa tabi ko.

“Than, kahit bago palang tayong nagkakilala, kahit papano alam ko kung ok ka at alam ko rin kung hindi ka ok. At sa pagkakataong ito, hindi ka ok. Puwede bang sabihin mo sa akin kung ano yang iniisip mo?”

Matagal bago ako nakasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Ngunit napilitan akong ikuwento ang lahat.

“Tingin ko hindi ako nababagay dito.” pagsisimula ko.

Nagulat si Shin sa narinig nito mula sa akin.

“What do you mean?” tanong niya.

“Shin, hindi naman talaga ako magaling maglaro eh. Ni hindi ko nga ma-receive ng maayos mga serves ni P’Neo. Siguro hindi para sa akin ang NSIS. Ayaw kong ako ang maging dahilan ng pagkatalo ng team. Tama si P’Neo, masasayang lang ang scholarship na binigay sa akin ng school. Hindi ko deserve ang mapabilang sa team.”

“What are you talking about Than? Yun ba ang sabi ni P’Neo sayo? Than, hindi ka kukunin ng school kung hindi ka magaling. Hindi ka naging MVP ng school niyo kung hindi ka magaling. Siguro hindi pa kasing galing tayo tulad nila, pero Than nagsisimula palang tayo dito. Pangarap mo ‘to, di ba? Huwag ka namang sumuko dahil lang sinabi niyang hindi ka magaling. Hindi mo ba nakikita Than? Ang daming humahanga sayo. Ikaw ang laman ng web ng school. Ikaw ang pinag-uusapan. Tapos sasabihin mo hindi ka nababagay dito. Cheer up Than! Naiinggit nga ako sayo eh. Kasi magaling ka sa lahat ng bagay. Marami mo ng napatunayan. Eh ako? Ni isa wala pa. Pero ni minsan, hindi ko inisip na hindi ako magaling. Hindi ko inisip na hindi ko kakayanin. Hindi ko inisip na sumuko.”

Napatingin ako sa kaibigan.

“Pero dapat mga mayayaman lang ang andito. Kaya wala akong karapatan na mag-aral dito. Hindi ako bagay dito Shin.” naluluha kong wika. Halatang nanghihina ang aking kalooban.

“Will you please stop saying na hindi ka nababagay dito? Than, mag-iinsayo tayo. Kung kinakailangan gabi-gabi sasamahan kita. Gagaling din tayo tulad nila. Gagaling ka tulad ni P’Neo. Kaya please, huwag kang susuko. Naalala mo dati noong una nating pagkikita? Di ba sabi ko sayo noon, ayaw kong lumipat sa lugar ninyo. Pero noong nakita kita, nabigyan ako ng reason na mag stay doon. Ayaw ko naman talaga dito noon eh. Pero noong nalaman kong dito ka mag-aaral, na-excite ako noon, kasi makakasama kita. May kaibigan na ako dito. You’re such an inspiration to me Than. You gave me so much reasons to stay here. Please stop saying na hindi ka nababagay dito. Kung mayroon man sa ating dalawa ang deserving na mapunta dito, ikaw yun at hindi ako,”

“Hey Shin! Huwag mo namang sabihin yan.”

“Huwag mo ring sabihin na hindi ka nababagay dito.”

Bahagya akong napangiti sa sinabi ni Shin.

“Uhhhmmmm….Thank you Shin. Thank you kasi lagi kang andiyan.”

“Mai pen rai Than! Basta sabihin mo sa akin lagi kapag may problema ka. Nandito lang ako lagi para sayo.”

Napatingin ako sa kanya.

“Khaawp khun nah!” ani ko tapos sabay ngiti sa kanya.



To be continued………………………….

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon