Episode 9 (1/4)

57 3 0
                                    

THAN

Kasama ko ngang uuwi si P'Neo sa amin ngayon. Labis akong nagpapasalamat sa kaniya dahil pinayagan ako ni Coach Win na makadalo sa kaarawan ni P'Knock. Hindi na rin sa Chiang Mai ipagdidiwang ni Kuya ang birthday nito dahil tiyak mahihirapan na akong makadalo.

Dumaan muna kami ng mall para bumili ng regalo. Agad kaming dumiretso sa section ng mga damit dahil damit lang din ang naisipan kong iregalo kay kuya ngayon.

Pagdating namin sa section ng mga damit ay agad din akong pumili. Naalala ko, blue ang favorite color ni P'Knock kaya naghanap ako ng kulay blue na damit na medium ang size.

Nang makakita ako ng kulay blue at may magandang design....

"P', ok lang ba sa'yo pag ito ang bibilhin ko?" tanong ko kay P'Neo at sabay angat ng nakahanger na damit.

"Oo, Than. Maganda ang design." agap na sang-ayon nito.

Dahil sumang-ayon din si P'Neo sa choice ko ay kinuha ko na iyon. Pupunta na sana kami ng cashier's area para magbayad nang....

"Than anong size ng pantalon ni P'Knock?" biglang tanong niya.

Nagulat ako sa kaniyang tanong.

"Bakit, P?" tanong ko ngunit may ideya na ako sa nais niyang tukuyin.

"Gusto ko kasing regalohan si P'Knock ng pantalon. Bali pares na lang ng din damit na regalo mo sa kaniya."

"Pero P' _____" hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Agad akong nakaramdam ng hiya.

"Sige na, Than. Pumayag ka na. Gusto ko mayroon din akong regalo kay P'Knock." aniya na halatang nagpupumilit ang kaniyang boses.

"Hindi mo naman kailangang mag-abala pa, P' eh, Ang totoo, malaking bagay na 'yong kinausap mo si Coach Win na payagan akong makauwi ngayon. Plus sinamahan mo pa ako."

"It's ok, Than! Huwag mo ng isipin 'yon. Alam mo bang masaya rin ako na nakasama kita ngayon kasi hindi ako makaka-attend ng training natin?" kunwari natatawang wika niya. Alam ko kasing nagbibiro lang siya dahil ni minsan hindi ko siya nakitaan na nagreklamo pagdating sa training.

Tumawa na lang din ako ng bahagya. At dahil sa nakita kong nagpupumilit siya na bilhan ng pantalon si P'Knock ay sumang-ayon na lang din ako sa kaniyang gusto. Tumungo naman kami sa section ng mga pantalon at agad na pumili. Nang makapili na kami ay agad din kaming pumunta ng cashier's area para magbayad.

"P', ang mahal naman ng pantalon na binili mo." nahihiyang sabi ko nang mapansin ko ang presyo nito. Halos triple kasi ang presyo nito kumpara sa binili kong damit.

"Once a year lang 'to, Than. Saka special day ngayon ni P'Knock dapat gawin nating special ang araw na 'to sa kaniya."

Ngumiti ako ng saglit at pagkatapos ay tumango.

"Halika! Bibili pa tayo ng cake."

Awtomatiko naman akong sumunod sa kaniya.

Wala akong ibang magawa kundi ang pumayag sa gusto niya. Ngunit sa kabila niyon, lihim akong nasisiyahan hindi dahil sa mga bagay-bagay na binili niya para kay P'Knock kundi dahil sa kakaibang kabaitan na ipinapakita niya sa amin.

Pagkatapos naming bumili ay agad din kaming pumunta ng parking area. Siya rin mismo ang naglagay ng helmet sa aking ulo dahil ako ang nagdala ng cake na binili namin.

"Khaawp khun na, P'." pagkuwa'y saad ko pagkatapos niyang mailagay ang helmet sa aking ulo.

Isang ngiti ang naging tugon niya rito.

Nagpatuloy kami sa aming biyahe pauwi sa amin. Mga higit kalahating oras pa ang aming lalakbayin bago kami makarating.

_________________________________________________

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon