Episode 1 (2/4)

175 9 0
                                    

THAN

Maaga akong nagising para tulungan si Papa sa pagbukas ng aming tindahan. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na natanggap ako sa New Sathorn International School.

Wow! Sa wakas, matutupad na ang pangarap ko na makapag-aral sa paaralan na 'yon. Since noong nasa grade school palang ako, pangarap ko na na sa NSIS mag-aral. Pero siyempre dahil sa mahirap lang ang pamilya ko, kaya sa public school ang bagsak ko noong nasa junior high school ako. Pero nang magkaroon ako ng pagkakataon na makapasok sa NSIS, hindi ko pinalampas iyon. Agad akong nagpasa ng aking application. At salamat sa larong volleyball, dahil doon matutupad na ang mga pangarap ko. Sobrang excited ko na!

Pagkatapos kong mag-agahan ay agad na akong dumiretso sa aming tindahan. Nauna akong dumating kaya mag-isa na muna akong magbubukas nito. Pagkatapos kong buksan ang lahat ng bintana ay bumalik ako sa loob para ayusin ang mga gamit.

Kapagkuwan ay biglang may.........

"Good morning!" boses ng isang lalaki.

Nang iangat ko ang aking ulo ay laking gulat ko na ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay ito rin ang lalaking bumili kahapon. Ngumiti siya sa akin.

"Mayroon ba kayong Tao Kae Noi Seaweed?" tanong nito habang nakatingin sa akin.

Nakatingin din ako sa kanya. Napalunok na lamang ako ng halos hindi niya ako tinantanan ng kanyang mga titig. Tuloy nawala ako sa aking katinuan ng biglaan.

"Hello!" sabi niya na pilit binabalik ang aking katinuan.

"Hu-huh?" iyon lamang ang nasambit ko. Nauutal ang aking tinig at halos hindi ako makapagsalita ng diretso.

"Mayroon ba kayong Tao Kae Noi Seaweed?" tanong niya ulit sa akin.

"Ah-ahhh...Oo, andun sa bandang dulo." turo ko sa kanya.

Agad niyang tinungo ang dulong bahaging iyon. Nang makita nito ang kanyang hinahanap ay bumalik siya sa aking kinaroroonan. Kumuha ng pera sa kanyang wallet at nagbayad. Pagkatapos magbayad ay agad siyang nagtungo sa isang maliit na sofa sa bandang pintuan.

"Puwede ba muna akong maupo rito?" pagkuway tanong niya sa akin.

"Ahh sure!" mabilis kong tugon sa kanyang tanong.

Agad siyang naupo at binuksan ang biniling snacks. Una muna siyang kumuha ng isang piraso tapos sunud-sunod na iyon. Tuloy, halos hindi nito napansin na naroon ako dahil tila sarap na sarap siya sa kanyang kinakain.

Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa kanya. Tama 'yong sabi ni P'Porsche kahapon, guwapo nga ang lalaking ito. Kung hundi ako nagkakamali, magkasing-edad lang kami. Ngayon, tinititigan ko siya habang kumakain. Wooaaahhh...ang kinis ng kutis. Maputi ang kanyang skin. Kasing tangkad ko lang at kasinglaki lang din ng katawan ko ang kanyang pangangatawan. May kakapalan ang kanyang kilay, matangos ang ilong at maganda ang kanyang hairstyle, iyong tipong pang Korean star.

Oh Shit! Ano tong mga pinagsasabi ng isipan ko? Bigla kong hinawakan ang aking mukha at kunwari sinasampal-sampal ko ito ng dalawa kong palad. Tapos humarap ako bigla sa salamin. Tiningnan ko ang aking sarili.

"Aww! Hindi naman nagkakalayo ang kaguwapuhan namin." nasabi ko sa sarili ko. Pero lamang lang siya ngayon, naka-porma kasi ito ngayon. Parang may lakad ata or baka may ka-date. Palibhasa'y nakadamit pambahay lang ako ngayon. Hmmmppp! Pero gayunpaman, lamang lang siya ng isang paligo ngayong araw.

"Nong Than!" tawag ni P'Porsche sa akin habang papasok. Haayyy...ang lakas ng kanyang boses. Parang kasinglaki ng kanyang katawan...hahaha. Actually, may katabaan kasi siya. Pero ang lambot niyang gumalaw. Sa katunayan, pag naglalakad siya ay daig pa niya ang isang beauty queen. Nang mapansin niya ang lalaking nakaupo sa sofa malapit sa pintuan ay agad siyang napatigil.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon