Episode 8 (4/4)

48 3 0
                                    

THAN

            Papunta na kami ng volleyball court para sa pagsisimula ng aming laro, ngunit napansin kong panay ang kuha sa amin ng larawan ng mga manonood. Na-conscious tuloy ako bigla dahil hindi ako sanay sa ganito.

            Subalit si P’Neo, nakita kong tila wala lang sa kaniya ang ganoong eksena. Animo’y sanay na ito at deadma na rin siya. Pero sa tuwing may humihingi sa kaniya ng pabor para sa isang picture ay agad naman niya itong pinagbibigyan.

            Sa hindi kalayuan, nakita ko si P’Mes at ang mga kaibigan niya.

            “Nong Than!” tawag niya sa pangalan ko. Agad naman akong lumapit sa kanila.

            “Sawatdee khrap, P’.” bati ko sa kaniya. Kasunod noon, ngumiti naman ako sa mga kaibigan niya.

            “Sawatdee khrap, Nong. Napaka-guwapo mo naman!” pagkuwa’y puri nito sa akin. “Para sa'yo.” sabi ni P’Mes at sabay abot sa akin ng isang box ng tsokolate. Ikinagulat ko iyon na halos nanlaki ang aking mga mata.

            “Pa-Para sa akin, P’.?” nauutal kong tanong. Alam kong bigla akong nag blush ngayon dahil napansin ko ang biglang pag-init ng aking pisngi lalo pa nang mapansin ko ang naging reaction ng kaniyang mga kaibigan.

            “Chai.” sagot ni P’Mes.

            “Kanino galing, P’?” tanong ko ngunit ang totoo, may ideya na ako kung kanino ito galing.

            “Kanino pa ba? Eh di sa secret admirer mo.” nakangiti nitong sagot.

            Inikot ko ang aking mga mata at isa-isa kong tiningnan ang kaniyang mga kaibigan. Dalawang babae at dalawang lalaki. Nakangiti sila sa akin.

            “Isa kaya sa kanila ang sinasabi ni P’Mes na secret admirer ko?” tanong ng aking isipan habang pinagmamasdan ko ng maigi ang kanilang mga mukha. “Pero paano ko naman malalaman kung isa nga sa kanila?”

            Well, mga magaganda at guguwapo ng mga kaibigan ni P’Mes. Kaso wala talaga akong ideya ngayon.

            Kinuha ko ang inabot niyang box ng tsokolate.

“Pakisabi, P’, salamat dito.” tila nahihiya kong wika at pinilit kong ngumiti.

            “Ok Nong!” agap na tugon ni P’Mes.

            “Puwede ba kaming magpa-picture sa'yo N’Than?” tanong ng isang babaeng kaibigan ni P’Mes.

            “O-Ok, P’.” Pinagbigyan ko naman ang kaniyang kahilingan.

            Agad siyang kumuha ng kaniyang cellphone at nag request ng isang audience para kunan kami ng larawan. Nasa gitna nila ako pumuwesto. Si P’Mes ang nasa kaliwang bahagi ko samantalang nasa kanang bahagi ko naman ang isang lalaking kaibigan niya.

            “Khaawp khun kha, Nong.” sabi ng babaeng humingi ng pabor sa akin.

            “Mai bpen rai P’.” tugon ko naman sa kaniya.

            “By the way, I’m Sheng.” pakilala niya.

            “Ako naman si Pan.” pakilala naman ng isa pang babaeng kaibigan ni P’Mes.

            “I’m Tar.”

            “Ako naman si Khet.” pakilala naman ng isa pang lalaking katabi ko sa picture.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon