Episode 16 (2/4)

42 3 0
                                    



THAN

Lumipas ang ilang linggo at nasa huling bahagi na ng second elimination round. Mayroon kaming record na 14 wins at 3 losses. Natalo kami sa huling laban namin kontra Bangkok High School at ngayon muli kaming maghaharap ng Concordian International School.

Kasabay ng paglipas ng panahon ay mas lalong naging malalim ang samahan namin ni Folk. Simula kasi ng magtapat siya ay madalas na kaming nagpapalitan ng mensahe. Madalas din siyang pumupunta sa aming eskwelahan at nagkikita kami sa labas nito. Dahil sa madalas naming pagkikita ay mas nabibigyan kami ng pagkakataon na makilala namin lalo ang isa’t isa.

Sa kabilang banda, mas lalo ko namang naramdaman ang pagbabago sa samahan namin ni P’Neo. Maliban sa kaunting smile at kaunting pag-uusap sa tuwing nagkikita kami lalo na sa panahon ng insayo ay wala na masyado kaming interaksiyon sa isa’t isa. Medyo nasanay narin ako sa ganoong set up.

Papasok kami ngayon ng arena para sa huling laban namin ng Concordian International School. Sa bukana palang ng arena ay dinig ko na ang palakpakan ng mga manonood. Alam kong excited na sila lalo pa’t pagkatapos nito ay magsisimula narin ang semi finals.

Habang papasok kami ng aming quarter ay biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa aking bulsa at agad na tiningnan kung sino ang nagtext.

Si Folk ang nagpadala ng mensahe.

“Than, puwede bang pumunta ka rito sa hallway papuntang CR?” ang lamang ng kaniyang mensahe. Mayroon pa kaming halos isang oras para sa aming laban kaya agad ko rin siyang tinungo roon.

Pagdating ko roon ay wala rin naman akong nakikitang tao. Palingon-lingon ako sa paligid sabay hagilap kay Folk ng aking mga mata.

Maya-maya…………

“Than…” pamilyar na boses mula sa aking likuran. Dahan-dahan akong lumingon sa pinagmulan ng nasabing tinig.

“Folk!” gulat na sambit ko ng makita ko siya habang may bitbit na mga bulaklak. Manaka-naka ang kaniyang mga hakbang na papalapit sa kinaroroonan ko habang halos hindi siya kumukurap na nakatitig sa akin.

I can’t imagine how I feel right now because my heartbeat seems to speed up as I watch him.

“Than, simula ng makilala kita sayo na umikot ang mundo ko. Alam mo bang wala akong ibang hiniling kundi ang maging tayo? pahayag niya ng magkalapit na kami.

My world suddenly stopped after I heard that. Nakatitig parin ako sa kaniya at halos hindi ako makapagsalita.

He took my left hand and I felt it tremble.

“Than, can I be your boyfriend?” mahina niyang tanong habang halos bakas sa kaniyang mga labi ang pilit na ngiti.

Hindi ko alam kung tama itong nararamdaman ko ngayon dahil ang totoo parang bigla akong binalot ng kakaibang saya matapos niya akong tanungin.

Naghihintay siya ng sagot ko hanggang……

“Chai!” nakangiting pagsang-ayon ko sa sinabi nito.

Biglang gumuhit ang malaking ngiti sa labi ni Folk.

“Really?” halos hindi makapaniwalang tanong niya.

“Uhhhmmm!” maikling tugon ko at sabay tango.

“Yes!” halos pasigaw na sambit nito at niyakap ako ng mahigpit. “Thank you Than!” bulong nito. Bakas sa kaniyang tinig ang ligaya.

“Sayang ang bulaklak!” pabirong sabi ko ng maipit namin ito.

Bahagya niya akong binitawan.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon