Episode 2 (2/4)

110 8 0
                                    

THAN

           Pagdilat ko ng aking mga mata ay nakita kong tulog pa ang aking mga kasama. Alas kuwatro pa lang ng umaga, subalit hindi na ako makatulog. Kaya mas pinili kong tumungo sa kusina para makapagkape. Medyo nakasanayan ko na rin kasi ang magkape tuwing umaga. Nadatnan kong nagluluto na si Miss Ruth ng aming agahan.

           “Good morning, Miss.” bati ko sa kusinera.

           “Oh, good morning.” bati rin nito sa akin. “Halika rito at makapagkape ka.” aya sa akin ni Miss Ruth.

           Lumapit ako sa mesa. Kapagkuwan ay kumuha si Miss Ruth ng isang mug at nilagyan ng mainit na tubig.

           “Thank you, Miss.” sabi ko nang ilapag ni Miss Ruth ang baso sa mesa. Ako na lamang ang naglagay ng kaunting kape, creamer at asukal.

           “Bago ka rito?” tanong sa akin ni Miss Ruth.

           “Chai khrap.” sagot ko at sabay higop ng mainit na kape.

           “Napakaguwapo mo namang bata.” nakangiti nitong wika.

           Ngumiti lamang ako at pagkatapos ay kinuha ko ang isang cellophane na may lamang hotdog.

“Lulutuin ba ito, Miss?” pagkuwa’y tanong ko.

           “Oo.” maagap na tugon ni Miss Ruth.

           “Sige, Miss, tulungan ko na kayo.” pagkatapos sinimulan kong balatan ang mga hotdog.

           “Musta ang unang gabi mo rito?” tanong sa akin ng kusinera habang abala ito sa pagluluto.

           “Ok lang naman, Miss. Medyo nanibago lang ako ng kaunti.”

           “Naku! Masasanay ka rin dito. Mababait ‘yang mga players na ‘yan. Kaya gustong-gusto kong mag trabaho rito kahit hindi naman ganoon kalaki ang sahod. Masaya akong pinagluluto ko sila.”

           Well, sa aking nakikita mabait si Miss Ruth. Ayon sa kanya, anim na taon na siyang nagluluto ng pagkain ng mga volleyball players. Marami na ngang kumukuha sa kanya ng mga malalaking restaurant subalit lahat ng iyon ay tinanggihan niya at mas pinili ang maging cook dito.

           Masaya kaming nag-uusap habang patuloy kami sa aming ginagawa. Ang hindi ko alam ay nanonood na pala sa amin si P’Neo. Lumapit ito sa amin. Bigla akong napatigil nang tumingin ako sa kanya ngunit dinaanan lang niya ako. Hindi niya ako pinapansin.

           “Good morning, Miss.” bati niya kay Miss Ruth.

           “Good morning, Iho. Gising na pala ang napaka-poging player. Halika at makapagkape ka.” sabi ni Miss Ruth at pagkuwa’y kumuha ito ng baso at nilagyan ng mainit na tubig. Iba talaga si Miss mag-alaga, kaya nga gustong-gusto siya ng mga manlalaro.

           “Good morning, P’.” bati ko naman kay P’Neo. Subalit hindi niya ako pinansin. Tila nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa ipinakita niya sa akin.

Pagkatapos makapagtimpla ng kape ni P’Neo ay muli itong bumalik sa loob.

           “Pagpasensiyahan mo na ‘yon.” sabi ni Miss Ruth. “Alam mo mabait ‘yon. Isa ‘yon sa pinakamagaling na player. Pagkatapos mag graduate nina Nong Tom, Nong Mew at Nong Gab, siya na ‘yong tinaguriang star player. Sa katunayan dalawa yan sila ni Kao, kaso lang nag transfer si Kao sa ibang school. Mag bestfriends silang dalawa. Kaya nasaktan siya nang lumipat ‘yong best friend niya. Simula noon, medyo mainitin na ang ulo niya. Pero napakabuting bata ni Neo.” pagkukuwento ni Miss Ruth.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon