Episode 4 (4/4)

92 5 0
                                    




THAN

“Than, may gagawin ka ba mamaya?” minsang tanong ni P’Neo pagkatapos naming mag almusal.

“Wala P’. Bakit pala P’?” agad kong tugon sa kanya.

“Puwede mo ba akong samahan mamaya sa mall? May bibilhin lang ako.” sabi niya.

“Ok P’.” tipid kong tugon ngunit lihim akong natuwa at na-excite sa sinabi niya.

Pagkatapos naming maghugas ng aming pinagkainan ay agad din kaming naghanda. I was very excited while bathing. I couldn’t help but to smile as I thought all the changes P’Neo had made. Marahil masaya lang ako that finally, naging close na kaming dalawa. If I had anything to say thank you for not going home, iyon ay ang namumuong pagkakaibigan sa pagitan naming dalawa ngayon.



NEO

My eyes also glared at excitement. I couldn’t explain, I am very happy now. It seems that the old joy that I once had is back. Pagkatapos magbihis ay agad akong humarap sa salamin. Nag-ayos ng buhok at naglagay ng kaunting cream sa mukha.

(Well, kung guwapo lang din naman ang pag-uusapan hindi naman maikakaila na isa siya sa may pinakamagandang pagmumukha sa NSIS. In fact, kahanay niya sina P’Mew, P’Tom at P’Gab noon. Isa siya sa mga tinitilian noon at maging hanggang ngayon.)

Nang lumingon ako, biglang tumambad sa aking harapan si Than na bagong ligo. Nakangiti ito sa akin habang napapatitig ako sa kanyang mga mata. Natigilan ako ng magkasalubungan ang aming mga paningin.

“P’, sorry kung pinaghintay kita.” nakangiting wika niya.

“Ahhh…It’s ok Nong. No problem. Take your time.” tugon ko. “Doon nalang kita hihintayin sa labas.” at agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan.

“Ok P’Neo.”

Pumunta ako sa labas at naupo sa isang upuan malapit sa pintuan. Paglipas ng sampung minuto, lumabas narin si Than.

“Wooaahhh…magmumukha akong alalay sayo nito.” pagbibiro ko ng makita ko siya sa kanyang suot na navy blue t-shirt na mas lalong lumantad ang kanyang kaputian. With his shiny hair, he is so damn cute to look at.

“P’Neo talaga. Ako ata ang mukhang alalay sayo.” natatawang wika ni Than.

(Aminado naman kasi siya that Neo is not only good in volleyball but more than that, he is one of the hottest players in NSIS.)

“Awww…to be fair, we’re both handsome.” sabi ko tapos sabay tawa. Tumawa narin siya ng bahagya.

Habang nasa biyahe kami papuntang Siam Paragon, napansin ko na medyo tahimik parin  si Than hanggang ngayon. Naisip ko, marahil hindi pa ito kampante sa akin o marahil nahihiya parin ito hanggang ngayon.

(Hmmmm….sa dinami-dami ba naman ng mga sinabi mong hindi maganda, ano pa ba ang aasahan mo Neo ngayon?)

“Than, are you okay?” pagkuwa’y tanong ko sa kanya.

“Yes P’.” tipid niyang sagot. Kita ko sa mga mata niya ang tensiyon.

To appease Than, I took my cellphone and took a selfie with him.

“Than, smile…neung, sung, sawm.” Ngunit napansin kong hindi siya ngumiti sa kuhang iyon. Tila nabigla ito sa aking ginawa.

“Awww…bakit hindi ka nag smile Than?” tanong ko sa kanya pagkatapos tingnan ang kuha kong larawan.

“Ahhh…ka-kasi P’….” nauutal siya.

“Hindi ka ba masaya ngayon?” mahina kong tanong sa kanya.

“Hindi sa ganun P’. Kasi…kasi nahihiya ako sayo.” halos payukong sagot niya.

“Errr…bakit ka naman nahihiya? Than, from now on, magkaibigan na tayo. So please, don’t be shy to me. Ok?”

' Tumango siya.

“Ok P’.” at pagkuwa’y ngumiti ito ng bahagya.

“Ok, selfie tayo ulit. Smile Than…neung, sung, sawm.” And finally, nakuha ko rin ang tamang anggulo. Than’s smile is so cute. Habang halos magkadikit ang aming mga mukha sa kuhang iyon.

“See, ang ganda ng kuha mo dito.” sabi ko at ipinakita ko sa kanya ang larawan naming dalawa.

Ngumiti siya at nakita ko ang pagsulyap niya sa akin. Talagang napaka-amo ng mukha ni
Than. Walang duda kung bakit marami ang nagkakagusto sa kanya.

Nang makarating kami sa Siam Paragon ay agad kaming dumiritso sa lane kung saan naroon ang mga perfumes. Naubos na kasi ang pabango ko kaya gusto kong bumili ng bago ngayon. Pumili ako habang pumili rin siya.

“Than, alin ba dito ang mas mabango?” tanong ko sa kanya habang bitbit ng dalawa kong kamay ang dalawang bote ng pabango. Pinaamoy ko iyon sa kanya.

“Ito P’, mas gusto ko yung amoy niya. Mild lang siya.” sagot niya na ang ibig tukuyin ay  ang perfume na hawak ng kanang kamay ko.

“Ok, ito ang bibilhin ko.” pagsang-ayon ko sa kanyang sinabi.

“P’Neo, baka hindi mo type ang gusto ko.” saad niya.

“Hey! Basta ikaw ang pumili, may tiwala ako sayo.” nakangiting sabi ko.

Gumuhit ang maninipis na ngiti sa mga labi nito. Napatitig siya sa akin ng panandalian.



THAN

Dalawang bote ang binili ni P’Neo. Nang nasa counter na kami, nagtaka ako kung bakit iniba niya ng balot ang isang bote. Pagkatapos niyang magbayad ay agad nitong inabot sa akin ang isang bote.

“For you Than.” anito.

Sobra akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko ito inaasahan

“Para sa akin P’?” nagtatakang tanong ko sa kanya.

“Uhmmm…for you.” nakangiti niyang sagot habang inaabot sa akin ang isang lalagyan ng pabango.

“Pero….” hindi natapos ang sasabihin ko.

“Than, pasalamat ko lang yan sayo sa pag-alaga mo sa akin.” wika niya. Naisip ko, bayad ba ito sa ginawa ko sa kanya?

“P’, hindi mo naman kailangang gawin yan eh. Saka bukal sa kalooban ko yung ginawa ko.” pagkuwa’y sagot ko sa kanya.

“Hindi naman ‘to bayad Than.” aniya at pagkatapos ngumiti siya sa akin. “Natutuwa lang ako na ok na tayo. Tapos happy ako na kasama kita ngayon. Masaya ako Than na naging close tayo. Kaya tanggapin mo na ito. Di ba mas maganda kasi same na tayo ng amoy nito.” anito at pagkatapos tumawa ito ng bahagya.

Bahagyang akong ngumiti. Kinuha ko na rin ang binigay niyang pabango. “Salamat P’Neo.” nahihiyang sabi ko.

“You’re welcome Than. Thank you rin sa lahat-lahat.” nakangiting tugon niya sa akin.

Pagkatapos niyon, ay agad naming tinungo ang section ng mga damit. Paakyat kami sa third floor ngayon sakay ang escalator ng biglang na out balance ako. Buti nalang maagap ang kamay ni P’Neo at agad niyang hinawakan ang kamay ko. Ngunit simula noon, hindi na nito binitawan ang kamay ko hanggang nakarating kami sa ibabaw. Napapatingin na lamang ako sa kamay naming dalawa.

Nang marating namin ang third floor, agad siyang pumili ng mga damit. Pumili na rin ako para bumili rin ng aking damit ngunit……

“Ako na ang magbabayad Than.” aniya at halos nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko sa kanya.

“Pe-Pero P’…….” nauutal kong sambit at hindi ko iyon natapos.

“Hey Than! Puwede ba pumayag kana. Treat kita ngayon. Kaya hayaan mo nalang ako, ok?” pagpupumilit ni P’Neo. Tiningnan niya ako sa mata.

“Errrr…ka-kasi P’…” nahihiya ang aking boses.

“Than, kahit ngayon lang. Pagbigyan mo na ako please.”

Wala akong magawa kundi ang pumayag sa gusto niya. Since mukhang decided at seryoso ito sa sinabi niya, so no choice na rin ako kundi ang tanggapin ang bigay nito. But I was very shocked with Neo’s choice of t-shirts, we had the same style, color and design. And take note, even ang size ay same lang din ang pinili nito. Palibhasa’y halos magkasing-laki lang din ang aming katawan. Anyway, one year lang naman ang age gap naming dalawa.

Is this a couple shirt? Well, whatever! Basta ang alam ko magkaibigan na kami ngayon. Ayaw kong bigyan ng masamang meaning yun. Maybe bumabawi lang siya sa akin.

“Than, paano yan same shirt yung binili ko?” natatawang wika niya habang hawak nito ang t-shirts na bibilhin niya.

“Kaya nga P’ eh.” nahihiyang tugon ko sa sinabi niya. Halos hindi ako makatingin sa kanya.

“Basta ingatan mo tong t-shirt na to huh. Always remember, ako ang bumili niyan. Saka para kahit saan ka pupunta lagi mo akong maaalala.” wika ni P’Neo.

Halos natigilan ako ng marinig ko iyon mula sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko sa sinabi nito maliban sa….

“O-Ok P’. Khaawp khun na P’.”

“Welcome Than.” tapos isang napakatamis na ngiti ang pinakawalan ni P’Neo.

Pagkatapos naming magbayad ay niyaya niya ako na kumain. Mag aalas-dose narin kasi ngayon.  Dinala niya ako sa isang restaurant dito lang din mismo sa loob ng mall.

“Anong gusto mong kainin Than?” tanong niya sa akin ng umupo kami.

“Ahhh…Gaeng Daeng nalang P’Neo.” sagot ko.

“Ok….Isang Pad Thai miss tapos Gaeng Daeng tapos dalawang Khao Neow Mamuang. At dalawang rice miss.”

“Ok sir. Just wait for a moment.” sabi ng waitress.

“Ok. Thank you.” tugon ni P’Neo sa waitress.

Pagkaalis ng waitress….

“Than pagkatapos nating kumain manonood tayo ng movie.”

“Ok P’.” maagap kong tugon sa sinabi nito.

Ilang minuto lamang bumalik na ang waitress habang bitbit nito ang mga pagkaing inorder ni P’Neo.

' “Sir nandito na yung order niyo.” sabi ng waitress. Pagkatapos mailapag nito sa mesa ang mga pagkain… “Anything sir?” tanong ng waitress.

“Wala na Miss…thank you.” tugon ni P’Neo.

“Ok sir…enjoy your meal.” sabi ng waitress at pagkatapos umalis na rin ito.

Habang kumakain kami, palihim akong sumusulyap kay P’Neo. Sa puntong ito, hindi ko maiwasan ang makaramdam ng hiya dahil sa dami ng libre nito sa akin ngayon.

“Mahilig ka sa spicy noh.” minsang sabi ni P’Neo sa akin habang kumakain kami.

“Yes P’. Mahilig talaga ako sa spicy food.” sagot ko.

Ewan ko ba, simula bata mahilig na ako sa mga maaanghang na pagkain. Minsan nga, naglalagay pa ako ng sili kapag hindi ko masyadong maramdaman ang anghang ng pagkain. Nagagalit na nga minsan si Papa kasi raw walang araw na hindi ako kumakain ng maaanghang na pagkain.

Pakiramdam ko kasi, kapag maanghang ang pagkain ay nakakadagdag ito ng gana. Kaya nga laging napaparami ang kain ko kapag spicy foods. Pero buti nalang hindi rin ako tumataba. Marahil masyado lang malakas ang metabolismo ko…(lol).

“Ahhh…magkaiba pala tayo, hindi naman ako mahilig sa spicy food pero simula noong matikman ko yung niluto mong Tom Kha Gai, parang nagugustuhan ko na rin siya.” wika ni P’Neo.

Muli kaming bumalik sa pagkain. Maya-maya…….

Than, puwede bang magtanong?” si P’Neo ng tumingin muli sa akin.

“Ano yun P’?” mabilis kong tugon.

“Sino yung sinasabi ni P’Mes na secret admirer mo?”

Natigilan ako bigla.

“Ahhh….hindi ko yun kilala P’. Wala rin siyang sinasabi sa akin kung anong pangalan nun. Saka P’, hindi rin ako interesado dun.” sagot ko.

“Ahhh…dahil ba kay Earn?”

“Hindi P’. Nagkakamali ka. Magkaibigan lang kami ni Earn.” agad kong tanggi sa sinabi niya.

Muling siyang sumubo ng pagkain. Pagkuway…

“Wala ka bang ibang gusto?” tanong nito.

“Errr….kasi P’, wala pa naman sa isip ko yun eh. Sa ngayon kasi studies muna ako tapos laro muna ang nasa isip ko ngayon.” saad ko at nakita kong ngumiti siya sa naging sagot ko.

“Ganun ba? Speaking of laro, bukas magpapractice tayo.” aniya pagkatapos sumubo ulit ng pagkain.

“Talaga P’Neo?” excited na tanong ko. Ang tagal kong pinangarap iyon.

“Uhhmm…tuturuan kita.” nakangiti niyang tugon.

Parang gusto kong tumalon sa tuwa ngayon. Hinawakan ko ang aking pisngi kung talagang gising ako. Baka kasi nananaginip lang ako ngayon. Pero hindi! Totoo lahat ng narinig ko. Tuturuan ako ni P’Neo.

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming pumunta ng sinehan. Bumili ng dalawang ticket si P’Neo ngunit biglang dumating si P’Nam.

“Neo.” sabi nito ng makita kami.

“He-hello Nam.” bati niya kay P’Nam.

“Nandito pala kayo.” si P’Nam at pagkuwa’y tumingin sa akin ng mapansin niya ako.

“Ahhh..Oo. Manonood lang kami ng sine. By the way, this is Than, Than, si Nam.” pagpapakilala ni P’Neo sa amin.

“Hello P’.” bati ko naman kay P’Nam.

“Hi Nong. Talaga palang napaka-guwapo mo.” sabi nito at pagkatapos binato ako ng isang ngiti.

Tumugon din ako ng ngiti sa kanya. But because of Nam’s sudden appearance, I seemed sad. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung babaeng nakita ko noon sa eskwelahan kung saan malagkit ang pakikitungo niya kay P’Neo. At ito rin ang babaeng sinabi ni Coach Win na girlfriend niya na hinatid nito kaya nahuli siya sa aming training na naging dahilan para parusahan siya at naging dahilan ng pagkasakit nito.

“Ibig sabihin girlfriend na niya si P’Nam?” tanong ng aking isipan.

Oopps! Sandali lang! Wala namang sinabi si P’Neo na sila na ni P’Nam at never niya rin pinakilala sa akin na girlfriend niya ito.

“Can I join Neo?” tanong nito at nakita ko ang malagkit nitong titig kay P’Neo. Well, kung pagbabasehan ko ang mga gestures niya ay masasabi kong may gusto ito kay P’Neo.

Hindi sumagot si P’Neo sa halip napatingin na lamang ito sa akin. It looks like he’s asking for my approval. But... “Ok.” matamlay niyang sagot.
Bumili siya ulit ng isa pang ticket at pagkatapos dumiritso na kami sa loob ng sinehan. Nasa kanang bahagi ako ni P’Neo naupo samantalang nasa kaliwang bahagi naman nito si P’Nam naupo.

“Nagmumukha ata akong third wheel nito.” nasabi ko sa sarili.

But anyway, wala naman akong karapatan para malungkot. Niyaya lang naman ako ni P’Neo at take note libre ito. So sino ako para malungkot, di ba?

Malungkot? Bakit naman ako malulungkot? Magkaibigan lang naman kaming dalawa. Saka ngayon lang din naman kasi kami naging close. Kaya walang sapat na rason para makaramdam ako ng ganoon.

Pero kaso, ako ang unang niyaya eh. Kaya siguro nalulungkot ako ngayon. Hmmmmmm….

Nasa kalagitnaan na kami ng aming pinapanood ng makita kong kinuha ni P’Nam ang kamay ni P’Neo. Nagka-holding hands sila. Nang makita ko iyon, para bang may biglang bumalot sa akin na kakaibang damdamin. Hindi ko maipaliwanag kung ano itong nararamdman ko ngayon.

Para hindi mahalata nito ang aking reaction, bigla kong iniba ang paningin ko. Ibinaling ko ito sa aming pinapanood. Pero tila ba’y may biglang bumagsak na drum sa puso ko. Sa tindi ng kabog nito, tila ata narinig iyon ni P’Neo kaya, dahan-dahan nitong hinawakan ang kamay ko. It’s like saying…I’m just here.

Sa puntong ito, halos sumabog ang dibdib ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako hanggang napalingon ako sa kanya. Saktong nakatingin din ito sa akin. Nagkasalubungan ang aming mga paningin. Ngumiti siya at hindi iyon napansin ni P’Nam dahil nakasandal ito sa kanyang balikat.

Pagkatapos ng movie ay agad kaming lumabas mula sa loob ng sinehan.

“Nam, may pupuntahan ka pa ba?” tanong ni P’Neo.

“Oo Neo, magkikita pa kami ng mga kaibigan ko dito.” sagot ni P’Nam.

“Kung ganun, mauuna na kami ni Than huh. May gagawin pa kasi kami.”

“Ok, thank you Neo.” nakangiting saad ni P’Nam.

Ngumiti din si P’Neo sa kanya.

“Bye Nam.”

“Bye..bye..” tugon nito.

“Bye P’.” sabi ko naman.

“Bye.” sagot ni P’Nam at pagkatapos mabilis din kaming umalis ni P’Neo.

(Magkasabay na umalis sina Than at Neo habang naiwang nakatayo si Nam. Biglang nalungkot ang mukha nito habang pinagmamasdan ang dalawa papalayo mula sa kanyang kinaroroonan. Bigla siyang may naalala ngunit ayaw niyang bigyan ng mas malalim na kahulugan iyon. Pinilit niyang dineadma ang kung ano man ang gumugulo sa kanyang isipan.)

Samantalang patawid kami ng kalsada ng biglang hinawakan ni P’Neo ang kamay ko tapos sabay hila. Hindi niya ito pinakawalan hanggang hindi namin narating ang kabilang parte ng kalsada. Subalit wala akong ibang magawa kundi ang tingnan ang kamay niya habang hawak nito ang aking kamay,

Pagsakay namin ng taxi, halos wala pang imik kami sa una. Animo’y nakikiramdaman kami sa isa’t isa.  Hanggang…

“Sorry Than.” malungkot niyang sabi at tiningnan ako sa mata.

“Sorry para saan P’?” taka kong tanong sa kanya.

“Sa biglang pagdating ni Nam. Hindi ko alam na nandoon din pala siya.”

“Mai pen rai P’. Ako nga dapat ang humingi ng sorry sayo kasi naging disturbo ako sa inyong dalawa.”

“Hey Than! Huwag mong sabihin yan. Tayo ang unang magkasama. Saka mas gusto ko na kasama ka.”

Nagulat ako sa sinabi nito. Napalunok ako ng aking laway.

“Pero girlfriend mo siya P’.” sabi ko.

“Hey! Hindi ko siya girlfriend. Magkaibigan lang kami. Saka wala pa akong girlfriend.” tanggi ni P’Neo.

“Totoo ba itong narinig ko?” tanong ko sa aking sarili.

(Wait! Hindi naman ata halata na tila na excite siya sa kanyang narinig. Hmmmmpppp!)

“A-akala ko kasi P’ kayo na.”

Tumawa si P’Neo.

“Uhhhmmm..inaamin ko. May gusto siya sa akin. Saka childhood friend ko siya. Pero sa ngayon kasi kaibigan lang turing ko sa kanya.”

“Sa ngayon? Ibig sabihin P’, may chance na maging kayo?” sabi ko.

Bumuntong-hininga siya.

“Hindi ko naman sinasara ang possibilities na yan eh. Maganda si Nam, mabait, tapos magkakakilala family namin. Everthing is possible Than.” sagot niya.

(Ouch! Tila ata nalungkot siya sa kanyang narinig.)

“Hey Than! Wake up! Ano ba yang iniisip mo?” saway ko sa aking sarili.

But whether I will admit it or not, I really enjoy it now. At salamat kay P’Neo dahil na enjoy ko ang moment na supposedly kasama ko dapat ngayon sina Papa at P’Knock.



To be continued………………………....


MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon