Episode 11 (4/4)

39 3 0
                                    


THAN

  Ngayon gaganapin ang laban namin kontra Kajonkiet International School. Maaga pa lang ay pumunta na kami ng arena. Hindi nga namin kasama si Juanse ngayon. Medyo naninibago rin kami dahil alam kong malaki ang maitutulong niya sa aming team. Mayroon siyang 9.4 average point per game.

“Kailangan nating mag exert ng more effort dahil wala si Juanse. I-offer natin ang game na’to para sa kaniya at sa Papa niya.” sabi ni Coach Win habang kinakausap niya kami.

Bigla akong nalungkot nang marinig ko iyon. Naalala ko si Mama. Alam kong hindi madali ang mawalan ng isang magulang.

“Than, panahon na para gamitin mo ang back row attack mo. Alam kong bantay sarado si Neo ngayon.”

“Yes, coach!” agap kong tugon at pagkuwa’y tumingin ako kay P’Neo. Sinalubong naman niya ako ng mga titig nito. Nakita kong ngumiti siya sa akin.

“Ae, ikaw lang ang wing spiker natin ngayon. I am expecting too much from you.”

Tumango lamang si P’Ae. Simula pa kanina napansin ko ang lungkot sa kaniyang mukha.

“Hindi puwedeng manghina tayo ngayon. Hindi ito ang tamang panahon para panghinaan tayo.” dagdag pa ni Coach Win.

Tama! Para kay Juanse ang laban na ito kaya kailangan kong galingan ngayon.

Pagkalipas ng kalahating oras ay nagsimula nang tinawag ang aming pangalan. Gaya ng dati, hiyawan at palakpakan na naman ang mga naririnig namin ngayon.

“Good luck, Than.” sabi ni P’Neo nang lumapit sa akin. Bahagya pa niya akong hinawakan sa ulo.

“Thank you, P’. Good luck din sa'yo.” mahina ko ring tugon sa kaniya.

Pumasok na kami sa loob ng court para sa pagsisimula ng set 1.

Set 1. Unang magse-serve ang Kajonkiet International School. Malakas ang serve na pinakawalan ng kanilang setter kaya medyo nahirapan kami sa reception at nabigyan namin sila ng free ball. Dahil sa malakas na palo ng kanilang outside hitter ay nahirapan akong maingat ang bola kaya napunta sa kanila ang unang puntos.

Sa ikalawang serve, isang service ace naman ang kanilang pinakawalan.

“Relax, boys!” dinig kong sabi ni Coach Win mula sa aming bench.

Para sa ikatlong serve, nagkaroon kami ng magandang reception kaya nagkaroon ng magandang set si P’Tee para kay P’Neo. Ngunit tama ang sinabi ni Coach Win kanina na bantay sarado ito ngayon kaya agad na naibalik ang back row attack nito ng kanilang blockers.

Score 3 – 0, pabor sa Kajonkiet International School.

Nakabawi kami sa ikaapat na position. Pumuntos kami gamit ang outside hit ko. Ngayon, si P Neo naman ang nasa service line. Kahit pa malakas ang binitawan nitong jump serve ay nakuha pa rin ito ng libero ng aming kalaban kaya muli na naman silang nakapuntos gamit ang power hit ng kanilang spiker.

Maganda lagi ang kanilang first ball kaya nakakaatake sila ng maayos. Bagay na nagpahirap sa amin sa first set. Talo kami sa score na 25 – 16.

Medyo dismayado kami sa naging resulta ng unang set.

Set 2. Nahihirapan pa rin kami sa aming reception dahil sa malalakas na palo at services ng KIS. Hirap ding makapasok ang aming mga atake. Nahaharangan kami ng kanilang blockers. Usually triple blocks ang kanilang ginagamit kaya bumabalik sa amin ang bola.

Dahil sa hindi maganda ang laro namin sa second set, tuloy talo pa rin kami sa ikalawang set. Isang set na lang at matitikman na namin ang ikalawang talo ngayong season.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon