Episode 15 (2/4)

40 4 0
                                    

THAN

Papunta ako ngayon sa science laboratory dahil may inutos sa akin ang aming guro. Habang naglalakad ako sa hallway ay may biglang tumawag sa pangalan ko.

“Than!” bigla rin naman akong tumigil sa paglakad at paglingon ko ay nakita ko si P’Nam.

“Puwede ba tayong mag-usap?” seryosong tanong nito ng lumapit sa akin.

“Tu-Tungkol saan P’?” nauutal kong tanong sa kaniya.

“Totoo ba lahat ng ito?” aniya at sabay pakita sa mga larawan namin ni P’Neo. Katulad lang ito sa mga larawang nakapaskil kanina sa bulletin board at nakakalat sa social media.

Halos nanlaki ang mga mata ko ng makita ko iyon. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko.

“Sa tingin mo Than may patutunguhan lahat ng ito?” nakataas ang kaniyang kilay habang sinasabi niya iyon.

“Nagkakamali kayo ng iniisip P’. Magkaibigan lang kami ni P’Neo.” pagtatanggol ko sa aking sarili. Nanginginig ang aking boses.

“Alam ko kung anong namamagitan sa inyo. Pero alam mo ba kung ano ‘tong pinapasok mo? Sisirain mo lang si Neo. Hindi kayo bagay at lalong hindi ka bagay sa kaniya. Walang patutunguhan yang kahibangan mo.” nagtaas ang kaniyang boses. Nakita ko pang tumaas ang kanang kilay nito habang binabanggit niya iyon.

Hindi ko rin naman maipaliwanag ang nararamdaman ko ng marinig ko iyon mula sa kaniya. Hindi ko na rin nagawang ipagtanggol pa ang sarili ko. Ang tanging nagawa ko lamang ay napayuko nalang bigla.

“Hindi ito ang ideal relationship para kay Neo. Neo deserves someone better than you. Alam kong naguguluhan lang siya pero kung talagang gusto mo siya at may pag-aalala ka sa kaniya lalayuan mo siya. Huwag mo siyang sirain.”

Halos nanlumo ako sa mga sinabi ni P’Nam. Inaamin ko, masakit ang mga salitang binitawan niya. Naramdaman ko na lamang na biglang naging mapait ang gilid ng aking mga mata. Nagbabadyang babagsak ang mga luha ngunit maagap ko itong pinigilan.

Wala narin akong maisip na sasabihin pa dahil pakiramdam ko hindi pa ako nagsasalita ay nahatulan na ako.

Bago umalis si P’Nam ay nilingon pa ako nito ulit.

“Hindi ko hahayaang mapunta si Neo sayo.” galit na sabi niya na parang bang nagbabanta ang tono nito.

Naiwan akong nakatayo rito sa hallway. Nanghihina ang aking mga tuhod na halos hindi ko ito maihakbang. Ang bigat ng aking kalooban. Feeling ko, nanliliit ako sa aking sarili.

Gusto kong sabihin sa lahat na mali ang kanilang iniisip ngunit pakiramdam ko hindi rin naman nila ako pakikinggan.

Pagkatapos kong magawa ang inutos ng aming guro ay hindi narin ako bumalik sa aming klase bagkus dumiretso na ako sa aming dorm.

Pagpasok ko ng kuwarto ay agad din akong nahiga sa aking kama at pilit na ipinikit ang aking mga mata.

NEO

Pagkatapos ng klase namin sa hapon ay nagmamadali kong tinungo si Than sa kanilang classroom. Halos patakbo kong binaba ang hagdanan ngunit laking taka ko ng hindi ko siya makita.

“Nasaan si Than?” agad kong tanong kina Shin at Juanse ng makasalubong ko sila palabas mula sa kanilang silid-aralan.

“Hindi namin alam. Inutusan siya kanina ni sir na pumunta ng science lab. Hindi na siya nakabalik simula kanina.” sagot ni Juanse.

Bigla akong kinabahan ng marinig ko iyon kaya naman mabilis ko ring tinungo ang science lab para hanapin siya roon.

Pagpasok ko roon ay agad din akong nagtanong sa student in-charge na nakaupo malapit sa pintuan.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon