Episode 10 (3/4)

44 4 0
                                    

THAN

Ngayong araw magaganap ang aming laban kontra Bangkok High School. Papasok pa lang kami ng arena ay dinig na namin ang hiyawan ng mga manonood. Diretso kami ngayon sa aming quarter para maghanda.

Habang palingon-lingon ako sa paligid ay napansin kong wala si P’Neo. Agad kong nilapitan si P’Tee para alamin kung nakita ba niya ito.

“P’ ñ, nakita mo ba si P’Neo?” tanong ko sa kaniya.

“Hindi ko rin siya napansin, Than.” sagot ni P’Tee.

“Nakita ko siya sa lobby papuntang CR may kausap na babae.” biglang sagot ni Kit.

May kausap na babae?

Agad akong naintriga sa sinabi ni Kit at pinuntahan ko ang lugar na tinutukoy nito. Hindi pa ako nakakalapit sa lugar na iyon nang bigla akong napahinto sa aking paglakad dahil nakita kong may kayakap si P’Neo na babae. Si P’Nam, ang babaeng kayakap niya ngayon.

Agad akong bumalik sa aking dinaanan. Tila hindi ko makayanang makita ang eksenang iyon. Tahimik akong naupo sa upuan pagbalik ko sa aming quarter.

“Than, ok ka lang?” tanong ni Juanse nang lumapit sa akin.

“Uhmmm.” tipid kong tugon at sabay tango.

Ngunit ang totoo, hindi ako ok pero hindi ko rin alam kung bakit ganito ako ngayon. Naguguluhan din ako kung bakit ganoon na lang ang naging reaction ko.

Ilang sandali lang ay nakita kong papasok na si P’Neo sa pintuan. Agad akong tumayo at tumungo sa aking locker at kunwari ay may inilagay ako roon pero ang totoo nais ko lamang umiwas sa kaniya.

Pagkalipas ng sampung minuto ay lumabas na kami mula sa aming quarter ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap ni P’Neo. Papunta na kami sa gitna nang makita ko si P’Nam habang may hawak itong malamig na inumin. Lumapit ito kay P’Neo at sabay abot.

Saglit akong natigilan habang nanonood ako sa kanila. Pilit kong ibinaling ang aking mga mata sa ibang bahagi ng arena hanggang nakita ko si P’Mes at ang mga kaibigan nito. Nakangiti sila sa akin at gumanti rin ako ng halos pilit na ngiti sa kanila.

“Boys! Ipakita niyo lang mamaya ang lahat ng ininsayo natin. Tandaan niyo, hindi dapat makakapasok ang mga atake ng kalaban.” paalala sa amin ni Coach Win.

Alam naming malakas ang Bangkok High School. Isa sa kanilang strength ay ang kanilang reception kaya kahit gaano kalakas ang palo ng kanilang kalaban ay mostly naiaangat nila ang bola papunta sa kanilang setter.

“Yes, coach!” agap din naming tugon sa sinabi ni Coach Win.

Mga limang minuto na lang ay magsisimula na ang set 1. Nakaupo ako sa aming bench nang biglang lumapit si P’Neo.

“Than, good luck.” aniya at pagkuwa’y inabutan niya ako ng kaniyang ngiti.

“Thanks, P’. Good luck din, P’.” tugon ko at tumugon din ako sa mga ngiti niya.

Hindi rin nagtagal ang aming pag-uusap dahil agad siyang bumalik sa gitna at nag warm up samantalang inaayos ko naman ang sintas ng aking sapatos.

“Simula nang lumipat si Kao, hindi ko na nakitaan ng saya si Neo. Pero Than, simula ng naging malapit kayo, muling nanumbalik ang dati niyang sigla.” si Coach Win nang tumabi sa akin. Nagulat ako sa kaniyang sinabi. “Bukod sa akin, isa rin si Neo sa may gustong mapunta ka sa team. Nang makita niya ang application mo, hindi ka niya pinakawalan. Nakita ka namin noon sa championship game ng Inter-Junior High Volleyball Tournament. Sobrang hanga siya sa'yo noon kaya naman nang makita niya ang online application mo ay agad niyang sinabi sa akin na dapat kunin ka namin. Alam mo ba, Than, sa tuwing nakikita ko kayong dalawa ay wala akong ibang maalala sa inyo kundi sina Tom at Mew.”

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon