Episode 12 (2/4)

43 3 0
                                    



AE

Pagkatapos ng hapunan ay bumalik kami sa aming kuwarto. Saglit akong naupo sa kama malapit sa bintana. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Juanse hanggang ngayon.

“Bakit hindi mo siya kausapin?” tanong sa akin ni Neo habang naghahanda ng kaniyang gamit para maligo.

“Hindi ko alam kung paano siya kakausapin.” matamlay ko pa ring sagot.

“Pero, P’, dapat magkausap kayo ngayon.” si Than habang nakahiga katabi ni Shin.

“Tama si Than, P’. Alam kong ikaw lang ang puwedeng kumimbinsi sa kaniya.” agad na sang –ayon ni Shin.

“Ganito, kausapin natin siya mamaya.” wika ni Tee.

Ilang sandali lang ay biglang may kumatok sa pinto. Lumapit si Tee at binuksan niya ito.

“Hello, P’.” dinig kong bati sa kaniya. Nang lumingon ako ay nakita ko si Juanse.

Dahan-dahan siyang pumasok tapos tumabi kina Shin at Than. Mayamaya ay bigla niyang kiniliti ang mga ito hanggang umalingawngaw ang tawanan nilang tatlo.

“Namiss ko kayo.” pagkakuwa’y sabi niya nang tumigil sila.

“Ikaw rin, namiss ka rin namin.” sagot din nina Than at Shin.

Nanonood lang kaming tatlo sa kanila habang nagkukulitan.

“By the way, Nong, condolence pala.” sabi ni Neo. Bigla siyang natigilan ng marinig niya iyon. “Hindi agad kami nakapunta kasi may laban tayo. Pero labis kaming nalungkot dahil sa nangyari sa Papa mo.” wika pa niya.

“Khaawp khun khrap.” si Juanse at tumingin sa akin. “Actually, matagal na rin naming tanggap na mawawala si Papa. Almost 2 years din siyang nakipaglaban sa sakit niya.” aniya. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.

“Atleast ngayon nakapagpahinga na rin siya.” ani Tee tapos nilapitan siya at pagkakuwa’y tinapik siya nito sa balikat.

“Kaya nga P’ eh. Salamat sa inyo.”

Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko ngayon gayong nakatingin siya sa akin. Ramdam kong naghihintay siya pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

“Siya nga pala pag may kailangan kayo magpasabi lang kayo sa mga katulong or puwede naman kayo na mismo ang kumuha ng mga kakailanganin ninyo. Isipin niyo na bahay niyo na rin ito.”

“Thanks Nong. Pero hindi talaga kami makapaniwala sa nalaman namin. Napakayaman niyo pala.” ani Tee.

Ngumiti lang ng bahagya si Juanse.

“Maiba tayo, Nong, hindi ka na ba talaga babalik ng Bangkok?” tanong ni Neo. Natigilan siya sa tanong nito.

“Hindi na siguro, P’. Wala na rin si Papa at saka wala namang rason para bumalik ako roon.” pagkakuwa’y malungkot nitong tugon.

Parang gusto kong sumagot ngunit tila may pumipigili sa akin.

Walang rason? Paano pala ako? Siguro nga ayaw na niya sa akin. Bigla akong nalungkot nang maisip ko iyon.

“Pero kailangan ka namin sa team.” biglang sagot ni Than.

“Tama si Than, Nong. Kailangan ka namin. Mahihirapan kaming maipanalo ang laban pag wala ka. Kaya kung puwede bumalik ka sa team natin.” pang-iingganyo ni Tee.

Napaisip siya. Mayamaya ay tumingin sa akin.

“Hindi ko pa alam, P’Tee. Sa ngayon kasi parang nawala ang gana ko sa paglalaro ng volleyball.” aniya habang bakas sa kaniyang tinig ang lungkot.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon