Episode 16 (3/4)

41 3 0
                                    

THAN

Pagkatapos naming mamasyal sa Siam Paragon ay dumiretso kami sa Queen Sirikit Park  na makikita sa 200/1 Kamphaeng Phet 2 Rd, Chatuchak, Bangkok 10900, Thailand. First time ko ngayong makapunta rito at tama si Folk, maganda nga ang lugar na ito. Maraming tao at magaganda ang mga tanawin. Napakagandang tingnan ang mga manicured landscape na mayroong botanical garden, sculpted pond, Lotus and Water Lily Yard. Napakasariwa rin ng simoy ng hangin dahil sa napakaraming puno ang naririto. Dito na nga namin inilaan ang natitirang oras namin ngayong araw.

Inikot muna namin ang kabuuan ng parke hanggang sa mapagod kami at tumungo sa gitna at naupo sa mga damuhan. Tama lang din ang dating namin dito dahil nag-aagaw ang dilim at liwanag. Sabihin nalang nating, maganda ang ambiance ngayon.

“Matagal na pala kayong magkakilala ni Mork.” pagkakuwa’y wika ko ng maalala ko ang pangyayari kanina sa mall.

Hindi nagsalita si Folk at sa halip nagpakawala siya ng isang napakalalim na hininga. Batid kong may gumugulo sa kaniyang isipan.

“May problema ba?” tanong ko ng lumingon ako sa kaniya. Lumingon din siya sa akin.

“May sasabihin ako sayo Than pero sana mangako ka sa akin na kahit anong mangyari hindi magbabago pagtingin mo sa akin.” wika niya. Bakas sa kaniyang tinig ang pag-aalala.

“Uhhhmmm.” maikling tugon ko at nagsimula akong makinig sa kaniyang kuwento.

“Ex-boyfriend ko si Mork.” pag-uumpisa niya. “Naghiwalay kami 1 year ago. Siya ang unang naging boyfriend ko. Akala ko hindi na kami magkikita muli pero hindi ko inaasahan na muling pagtagpuin ang landas naming dalawa kanina. Sorry Than kung nagsinungaling ako. Akala ko kasi hindi ko na siya makikita pa.”

Nagulat ako sa ipinagtapat niya. Bigla rin naman akong nakaramdam ng kaunting kirot. Alam kong nagseselos ako lalo pa’t nalaman ko ang naging nakaraan nilang dalawa.

“Bakit naman kayo naghiwalay?” pagkakuwa’y tanong ko sa kaniya.

“Hindi na kasi kami nagkakasundo at nalaman kong bukod sa akin, mayroon pa siyang ibang dini-date.”

“Pero minahal mo naman siya, di ba?”

Tumingin muna siya sa akin bago sumagot.

“Uhhmm!” aniya sabay tango. “Minahal ko rin siya at alam kong minahal niya rin ako. Isang taon akong nagsikap na kalimutan siya hanggang sa nakilala kita. Than, maniwala ka sa akin, simula ng nakilala kita nakalimutan ko lahat ng mayroon kami ni Mork. Sayo na umikot ang mundo ko. I love you more than I love him.” halos naiiyak na pahayag ni Folk.

Nang marinig ko iyon ay biglang naglaho lahat ng kirot na aking nadarama. Nakita ko rin ang panginginid ng kaniyang mga mata.

“Ba’t parang naiiyak ka?” tanong ko sa kaniya. Bahagya akong ngumiti dahil nais kong pawiin ang kaniyang pag-aalala. Oo, alam kong nag-alala siya na sabihin sa akin ang lahat.

“Natatakot kasi ako Than na baka pag nalaman mo lahat ng ito ay iiwan mo ako.” pahayag niya tapos biglang nagsipatakan ang kaniyang mga luha.

Agad kong hinawakan ang kaniyang kamay.

“Past is past. Whatever you had then was part of your past. What matters is us now. I am now part of your present. Folk, promise me that you’ll never keep a secret to me.” wika ko.

Tumango siya.

“Promise Than, hindi na ako maglilihim sayo. I promise I will be a good boyfriend to you I promise I will take care of you and love you.” Habang binabanggit niya ang mga katagang iyon ay patuloy naman ang pagdaloy ng masaganang tubig sa kaniyang mga mata.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon