Episode 18 (1/4)

34 3 0
                                    


FOLK

“Thannnnn…”  puno ng pangamba ang aking tinig.

Nakatitig lamang siya sa akin habang unti-unti ng nanginginid ang gilid ng kaniyang mga mata. Sa kabila nun, hindi ko siya nakitaan ng anumang galit bagkus lungkot ang nakikita ko ngayon.

“To-Totoo b-ba lahat ng narinig ko?” nauutal niyang tanong.

“At sa tingin mo mali ang narinig mo?” biglang sagot ni Nam. “Naniwala ka naman na mamahalin ka ni Folk. Gumising ka nga bakla! Kahit kailan walang puwedeng magmahal sayo. Pinaglaruan ka lang niya at pinasakay sa mga plano namin.” Nakataas ang mga kilay nito habang sinasabi niya ‘yun.

“Tumahimik ka Nam!” galit kong wika saka ko tiningnan siya ng matalim.

“Bakit totoo naman lahat ng sinabi ko ah. Di ba may usapan tayo na kunwari liligawan mo siya tapos paiibigin at iiwanan? Baka nakalimutan mo na, pumayag ka sa usapan natin.”

Nagngitngit ang aking mukha.

“Oo pumayag ako dahil……” hindi ko kayang ituloy ang aking sasabihin.

“See bitch! Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Folk?” si Nam saka tiningnan si Than at sarkastikong tumawa.

Nakita kong biglang tumulo ang mga luha ni Than. Nasaktan din ako ng masaksihan ko iyon.

“Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin P’Nam? Wala naman akong ginagawang masama sayo ah.” lumuluhang tanong ni Than.

“Dahil mang-aagaw ka!” pabagsak na sabi ni Nam.

“Wala akong inagaw sayo.”

“Anong wala? Dahil sayo hindi ako magawang mahalin ni Neo! Salot ka sa buhay ko! Salot ka!” Biglang tinulak ni Nam si Than na halos ikatumba niya.

Bigla kong hinawakan si Than.

“Nam tama na!” pasigaw kong sabi habang napahawak ako kay Than.

“Bitawan mo ako.” si Than at sinubukan nitong alisin ang kamay niya sa mga hawak ko.

“Than, please let me explain.” Pagmamakaawa ko ngunit hindi na niya ako pinakinggan at dali-dali na itong umalis.

“Than! Than!” tawag ko sa kaniyang pangalan ngunit nagpatuloy parin siya. Bigla akong binalot ng pag-aalala.

“Hayaan mo siya!” si Nam tapos sabay tawa ng malakas. Para bang ang saya-saya niya ngayon lalo pa’t nakita niya ang pagluha ni Than.

Bigla kong ibinaling sa kaniya ang aking mga mata. Tinitigan ko siya ng matalim at ng hindi na ako makatiis ay saka ko siya hinawakan sa leeg at itinulak sa pader.

“Ano ba?! Nasasaktan ako.” saad niya. Nakita kong nasaktan siya sa pagkakahawak ko dahil nahihirapan siyang magsalita.

“Hayop ka! Hindi kita mapapatawad sa lahat ng ginawa mo. Kapag hindi ka tumupad sa usapan, pagsisihan mo lahat ng gagawin ko sayo.” Galit kong sabi sa kaniya. Parang gusto ko siyang patayin ngunit biglang nagpigil ako ng aking sarili. “Hindi lang yan ang gagawin ko sayo kapag hindi mo binura ang video.” banta ko pa saka ko siya binitawan.

Paubo-ubo siyang nakahawak sa kaniyang leeg.

“Hayop ka Folk!” galit nitong saad.

“Mas hayop ka! Masahol ka pa sa hayop. Kaya walang duda kung bakit hindi ka nagustuhan ni Neo. Ngayon ko higit na naunawaan kung bakit si Than ang gusto niya at hindi ikaw!” iyon lamang ang naging pahayag ko at saka ko siya iniwan.

Sinubukan kong habulin si Than ngunit pagdating ko sa labas ay hindi ko na siya nakita. Hinanap ko siya lahat na bahagi ng arena ngunit wala narin siya. Napaupo na lamang ako sa isang upuan habang labis na nag-aalala ang aking kalooban.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon