Episode 14 (4/4)

43 7 0
                                    


TEE

Halos tahimik na ang buong paligid. Mag-aalas diyes y’ medya narin ng gabi ngunit tila napakailap sa akin ng antok. Hindi ako makatulog at kanina pa ako paikot-ikot sa aking higaan. Nang lumingon ako sa aking mga kasama ay nakita kong halos tulog narin silang lahat.

Pinipilit kong ipikit ang aking mga mata ngunit gising na gising parin ang aking diwa. Ilang sandali lang ay nagulat ako ng biglang may humawak sa aking kamay.

“Shi…..!” gulat kong sambit ngunit hindi ko rin natapos banggitin ang pangalan ni Shin dahil agad nitong tinakpan ang bunganga ko.

“Sshhhhh!” aniya sabay senyas ng tahimik.

Hinila niya ang kamay ko at awtomatiko rin akong tumayo at sumunod sa kaniya.

“Saan tayo?” nagtataka kong tanong ng makalabas na kami ng kuwarto.

“Hindi ka makatulog, di ba? Kaya gusto kitang samahan ngayon.” mahina ngunit nakangiti niyang wika.

Hinila pa ako nito papuntang hagdan patungong rooftop. Lihim lamang akong ngumiti habang inaakyat namin ang hagdanan.

“Hindi ka rin makatulog?” pagkuwa’y tanong ko sa kaniya ng maupo kami sa kutsong nakalatag sa semento.

“Uhhhmmm! Iniisip kasi kita P’.” sagot niya na tila ba naglalambing ang kaniyang boses. Tinapunan pa ako nito ng nang-aakit niyang mga ngiti.

Relax Tee! Calm down! Pagkuwa’y saway ko sa aking sarili dahil bigla atang nawala ako sa katinuan.

“Bolero!” natatawa kong sabi sabay kurot sa kaniyang pisngi.

“Of course not! Totoo P’, hindi ako makatulog dahil naiisip kita. I want to spend my night with you.” biglang pagtatanggol niya sa sarili. Nakita ko pang gumuhit ang napakatamis na ngiti sa kaniyang mga labi.

“Shit Shin! Baka hindi ako makapagpigil ngayon. Ayaw kong magkasala.” Naisip ko habang nakatitig sa kaniya. Napalunok ako ng aking laway dahil bigla atang nanuyo ang aking lalamunan.

“Namiss kita P’.” malambing niyang sabi at sabay hawak sa dalawang kamay ko.

“Namiss din kita.” malambing ko ring tugon sa kaniya.

Mga ilang araw din kasi kaming hindi nabigyan ng pagkakataon na magkausap ng ganito dahil masyado kaming subsob sa training. Beside lagi kong kasama ang kapwa ko seniors. Hanggang ngayon kasi ay wala pa kaming inaamin sa lahat.

Humiga kami pagkakuwa’y sabay kaming huminga ng malalim.

“Natatakot ako P’.” saad niya habang nakatingala sa langit.

“Bakit naman?”

“Natatakot ako na baka dumating ang panahon makalimutan mo ako lalo pa’t malapit na kayong magtatapos ng high school. Iiwanan mo rin ako rito.”

Bahagya ko siyang pinagmasdan.

“Isang taon lang naman tayong hindi magsasama eh. Pagka-graduate niyo magkikita at magkakasama rin tayo kaagad. Wala kang dapat ikatakot Shin. Trust me! Hindi mangyayari yang iniisip mo.” pagkakuway pahayag ko.

“Matagal ang isang taon P’. Paano kung makakita ka ng iba pagdating mo ng college? Paano kung bigla mo akong makalimutan? Paano kung biglang maglaho ang pagmamahal mo sa akin?” bakas sa kaniyang tinig ang takot at pangamba.

Bahagya kong binaba ang aking palad malapit sa bibig nito. Nang maabot ito ng aking kamay ay saka ko naman hinimas ang kaniyang bibig gamit ang aking hinlalaking daliri.

MY STAR (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon