E12

2 0 0
                                    

"Can we check every files please."sabi ko sa new secretary ko.

Natataranta na ako sa dami ng kailangan ihanda and feeling sabog pa ako kanina wala akong tulog actually. Tapos nagrequest pa ng sopas ang panganay namin kaya nagluto pa ako ayun ang inalmusal. Asawa ko naman wala din tulog tatlong malaking case ang hawak at inaral mabuti kasama ang partner niyang bangag na rin. 

"Ang hirap maging misis no?"chikahan kami ni Neri while nagbabasa ako sa screen ko ng reports.

Dami na namang order para beauty products na binibenta namin sa mga shop ko.

"Sinabi mo pa di na nga ako nagagalaw"siyempre usapang matino ang magkumare.

"Hahahaha baka kasi di naghuhugas"gagang sagot ng babaitang nasa grocery store nilang mag-asawa at mga puwesto nila sa palengke at pinaupahan na lang at ang iba may kamag-anak na pinagtitinda.

"Gaga ka naliligo ako twice at day no busy lang talaga kumpare mo daming kasong hawak since last month eh."sinend ko ang isang files sa secretary ko para maprint niya at marecheck ang format at macompile at mabigyan ang mga head ng department.

"So ano palang plano natin this coming December kita-kita naman sobrang busy na kasi nating lahat eh lalo na ang lolo Lucky mo sa probinsya nagpapatayo ulit ng tatlong apartment na papauhan nakakatuwa naman tapos ang lokang Mika may bagong car si bakla nasa Japan kaming mag-asawa kung di pa birthday ng inaanak mo hindi pa kami makakagala kasi ang hirap iwan ng tindahan tapos siyempre yung pinauupahang puwesto namin sa palengke pero super happy naman sobrang sipag ng kumpare mo at wala ding angal kaso nga lang bago matulog inom kasama ang tropa pero sinabihan ko nga hinay-hiya lang sagot ba naman pamparelax lang."oh di ba haba ng chika.

"Sa planong get together send na kayo ng plano sa GC go ako diyan at pagsasabihan ko na rin itong asawa ko na kumalma ng trabaho sa December para makasama namin. And nangyayari sa tropa masaya ako kasi maganda ang takbo ng buhay. At kay kumpare jusko wag panay-panay ang alak baka mapatay-patay ang buhay sayang hahaha."

At may kumatok napatingin ako sa pinto, secretary ko "Sir asawa po ninyo sa telephone di po kayo matawagan sa phone nyo."sabi nito at ngayon ko lang napansin natunog ang telephone, dalawa kasi ito yung isa para loob kung tatawag sa akin at yun isa galing sa labas.

"Oh mare wait natawag kumpare mo huh maglulunch na rin pala."nagpaalam na rin ito at binaba ko na ang tawag.

Kinuha ko ang phone para sagutin na ang nakacall-waiting na tawag narinig ko na may nagtatawanan sa kabilang linya.

"Hello honey!"

"Honey baba ka na lunch tayo."

"May kasama ka ba at nasaan ka?"

"Dito lang sa may guard nakukuwentuhan kasi kami at hinihintay ko si Perry nagwiwithdraw sa may atm."

"Ah....oh siya ayusin ko lang gamit ko baba na ako."

"Okay see yeah mwuah!"

"I love you!"

"Mas i love you!"

Kornihan pero napangiti ako kaya ito ako paspas............pagkakuha ng coat at bag sinabihan ko secretary ko na kumain na at pagkatapos ayusin lahat ng kailangan tapusin.

"Eh sir paano po kung may tatawag at hanapin kayo-"bago nga pala ito okay.

"Sabihin mo nasa lunch meeting lang ang i will be back 1:30 or 2:30 okay and pakisabi kay Ms. Kathy the orders pakicheck at kung ano pang need ng stores tapos yung iba pang pinagagawa ko need ko ng update okay pero for now kain muna kayo at hinga-hinga.

Umalis na ako para kitain ang asawa ko sa baba.

----------------------------------

"Pasensya ka na misis ko huh sobrang busy lang talaga eh di tuloy tayo makapagdate and loving-loving"minamasahe ng mister ko ang balikat ko habang nasa sahig kaming dalawa at nanonood ng movie at yung mga bata kasi nakatulog na sa sofa mamaya na namin iaakyat nag eenjoy pa kasi kaming dalawa sa panonood.

"Ayos lang po hon, dami din kailangan matapos sa office at sa stores eh."

"Hayaan mo gagawan ko talaga ng paraan ang December natin para naman makapagbonding tayong mag-anak."

"Huwag mong biglain, dahan-dahan lang ayos lang naman kung hindi agad makapagbonding basta ang mahalaga naman hon andito tayo nakikita ng mga bata at saka kahit paano nakakausap at naaalalayan lalo na sa pag-aaral nila naiintindihan ko naman ang bigat ng work mo pero yung lang wag lang kalimutan talagang maglaan ng time kahit maliit lang sa amin at ganoon din gagawin ko."

"Yun na nga hon eh plano ko kasi after nitong tatlong kaso na ito magreretiro na ako tapos gusto ko sana sa London na tayo tumira magsimula ulit tapos doon natin buhayin pamilya natin marami na rin naman akong kilala doon at may mga kamag-anak naman ako roon makakasimula naman tayo ng maayos."

"Pero-"pinalipat ko ang paghilot niya sa may sintido ko"Paano naman si mama, mahina na rin eh ayaw ko naman basta umalis at saka baka mamiss ng mga bata ang mga pinsan nila mahihirapan silang mag adjust din sa buhay doon pero kung masesettle natin ang lahat at maalwal naman lahat okay ako sa balak mo."nasasarapan ako sa paghilot ng asawa ko. Ewan ko ba ang galing nitong maghilot at saka alam mo yung kahit galit maglalambing pa rin yan tapos yayapos "Wag na magalit ang asawa ko, sorry na, bati na tayo huh, sorry na talaga please asawa ko."minsan kahit ako ang may kasalanan siya pa yung unang makikipagbati though sobrang mild lang ng away namin lagi wala namang seryosong bagsakan.

"Oo nga no misis ko sige paano kaya kung asikasuhin ko na lang business ko tapos ang law firm ko pahawak ko na sa kaibigan ko para mabawasan ang time ko sa work at maasikaso ko kayong mga mahal ko di ba? tutulungan na rin kita sa business mo at saka marami na rin naman akong savings, college fund na ang mga bata, may savings na rin sila tapos may insurance tayo siguro naman bawasan naman natin ng konti stress natin sa buhay anong sa tingin mo misis ko?"

"Gusto ko yang idea mo mister-ay-ay-ay"nanlalambot ako sa sarap. "Siguro two years maghihinay na din ako tapusin ko lang insurance ng mga bata na hulugan pati na iyong sa atin."

Ito ang turo ni mama at ate sa akin tutal bata pa naman ang mga anak namin buksan namin ng savings para sa college fund nila, tuition insurance at life and health insurance. Tatlo nga insurance ng mga anak ko mula sa akin tapos may tatlo din si daddy nila. Anim namin sa amin mag-asawa. OA nga daw sabi ng tropa pero mabuti na raw ito sabi ng mama at ate kasi pati nga sila ganoon din sina kuya ganoon kasecure.

May dalawang banko kami para sa mga bata na nakatime-deposit at makakawithdraw lang sila doon sa pagtungtong nila ng college nila, kaya naman kahit anong course since may tuition insurance naman sila.

Wait putulin ko lang may natawag.

-Yes Ms. Ali. (siya ang head ng marketing department ng company na kakausapin namin for the supplies ng mga kailangan sa susunod na expansion ng business ng isang kliyente namin, actually nakikitulong lang ng connection siyempre alam na para naman mas lumakas ang company ko.)

-Ay opo Ms. Ali actually narevise na yata nila at papacheck ko na lang kay Mr. Hernadez sila na kakausap sainyo about sa ibang concern.

-Yes naman magagawa yan kaya yan tayo pa ba and don't worry ibang project may client pa akong kakausapin and sasabihin ko sainyo naipaayos ang mga project nila.

-Walang problema at saka po pala Ms. Ali yung mga checklist na pinagawa mo nacorrect na nila and i saw the correct i think papasa na sa standard.

-Opo later.

-No ayos lang po kahit malate no problem po basta tayo nasa line ng ganito alam na natin yan.

-Hehehe di yun mabait kaya asawa ko hahahaha.

-Okay Ms. Ali update na lang ulit or you can call my secretary na lang once di ako nakasagot huh dami din kasing mga papasok ng gagawin na kailangan kong matapos before the end of the year eh.

-Basta magtulungan lang hehehe.

-Sige po bye!


Nasaan na ba kami?

Naghaharutan pala o siya....

Itutuloy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon