Chapter: Thirty Two

1 0 0
                                    

32

"Sister Chans! Tulala ka nanaman." Sita sa akin ni Sister Claude.

Napalingon ako sa kaniya na ngayon ay iniinom ang mainit niyang kape. Ito kahit na nagpalpitate na ng ilang beses ay sige pa rin sa pag-inom ng kape.

"Ano ba kasi ang nangyari? Kahapon ka pa tulala. H'wag mo sabihin na nag-away kayo ng boyfriend mo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ikaw naman! Bakit parang gulat ka? Wala ka namang boyfriend, hindi ba?"

Hindi ko lang siya pinansin at nanatiling iniisip ang sinabi ni Peter habang nasa biyahe kami kahapon.

Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. All this years, ganon pala ang tingin niya sa akin.

"Akala ko ay biro mo lang ang pagmamadre mo "

Napakurap kurap ako sa kaniyang sinabi. Hindi makuha ang nais niyang iparating

Kagabi matapos ang tawag namin ni Claude ay iniwan ko na siya na nakatayo roon. Hindi hinayaan na maapektuhan ang sarili sa prisensya niya. Dumiretso na ako sa movie room at naglock. Natulog na ako non. Hindi ko na inisip kung saan ba siya natulog o kung natulog ba siya.

"Kaya medyo naging kampante rin ako na hindi ka papasok sa kumbento." Aniya na natatawa.

Nanatili akong tahimik.

"I want us to follow our dreams first... Kaya naman, hinayaan kita."

"Akala ko ay hindi mo naman talaga ako gusto. Akala ko prank lang talaga."

"But then... Umasa pa rin ako na totoo."

I swallowed hard because of what he said. Bakit sinasabi niya ang lahat ng ito sa akin ngayon?

"Before the school year ends... Frances and I start talking. Gusto ko na siya noon pa." Natatawang sabi ni Peter.

May kung anong kumirot sa puso ko sa sinabi niya. Ang sakit. Parang may mapuputol na ugat ano mang oras.

Kaya pala hindi naging ako. Kaya pala...

"But then... this someone came into my life. Naguluhan ako noong una. She got my attention on our first week of class. A simple but eligant, thats what she is."

Napanguso ako... Sana ako nalang.

Si Aileen... Ang swerte nya, kahit si Frances... Ang swerte nila. Minahal sila ni Peter. Gusto ko rin. Gustong gusto ko rin... Noon.

"Ang sungit mo sa akin noon, kaya naguluhan talaga ako. Akala ko talaga trip mo lang na sabihin na gusto ako pero si Chino talaga."

Nanlaki ang mata ko. "H-how. W-what the heck?! Never ako nagkagusto kay Chino!"

Tumango tango ito saka nakangisi akong hinarap. "Yeah, I know. Baka hindi lang talaga ako nag-iisip non."

Napaahon ako sa pagkakaupo para harapin din. Inirapan ko siya. "You're the one that I love, Peter. Sana alam mo 'yan. Stop accusing me, na salawahan at mababaw ang pagmamahal ko sa iyo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Drifting VeinWhere stories live. Discover now