CATORCE
Sorry for the late update, guys. Huhu nawala po kasi ako sa pagsulat nitong story. Nabablanko po ako. Pero heto na HAHAHAHA sana ayos lang 'to. Mwaps thank you!
Isang linggo matapos ang exam namin ay nalaman na namin yung score namin. Ayos lang naman ako sa mga nakuha ko. I got 30/50 sa general mathematics namin na subject. Hindi na masama para sa akin na nanghula lang. Akala ko nga ay 20 lang ang matatama sa hula ko, mabuti nalang talaga ay sinuwerte pa ako.
Sa Pre-Cal naman ay 41/50. Nang malaman ko ang score ko ron ay hindi ko mapigilan na mapangiti. Buong Akala ko kasi ay hindi ako makakapasa sa subject na 'yon. Siguro malaki na rin ang naitulong ni Peter dahil katabi ko siya. Hayst dapat sa lahat ng exam ay katabi ko siya para makakapasa ako! Sisimulan ko na manalangin para sa mga susunod na exam. Bukod sa matutuwa ang heart ko ay ganon na rin ang marka ko!
"Taas ng score, katabi kasi si Peter. Sana all" siniko ako ni Elmer
Sasabihin lang na ganon, kailangan maniko?
Hindi ko siya kinibo at patuloy nalang sa pag-isip ng mga pwede kong gawin na banat at prank kay Peter. Thanks to my sissy for the idea. Pero sigurado naman ako na copy lang niya ito sa Facebook kaya ayon credits nalang sa mga owner.
"Ano naman naramdaman mo habang katabi mo si Peter?" Tanong ni Echo, nakikisama na siya sa amin ngayon. Mabuti 'yan ng hindi ka laging nasa upuan mo. Pero hindi mabuti ang tanungin kung ano ang naramdaman ko!
Tinaasan ko siya ng kilay. "Are you kiddin' me? Bakit ano ba dapat mararamdaman ko? Wala naman.. Isang ordinaryong araw lang"
Nagkatinginan silang tatlo. Si Elmer, Echo at Estia.
"Wee? Hindi nga?"
Bakit ba ka pipilit nitong mga ito? Sila ba ang nakaramdam? Hindi naman, a!
"Wala nga! Saka kung kinabahan ako ay dahil sa exam 'yon. Hindi kay Peter!" I lied.
Of course, kinabaan ako sa exam pero mas kinabahan ako dahil kay Peter. Sige ayos lang yan Chandrea. Gumagaling kang magsinungaling sa sarili mo.
"Alam mo ba na madaming nagkakagusto kay Peter?" Nginitian ako ni Elmer. "Madami kang kaagaw. Matatangkad." Dugtong pa niya.
"Ano ngayon? Muka ba akong triggered?"
Ang ngiti sa labi ni Elmer ay nawala. Akala siguro niya ay matatakot ako sa sinabi niya. I won't back down. Kahit gakapre pa ang mga nagkakagusto kay Peter at kahit na libo pa ang mga 'yon. I'll stay, kahit na maubos ako.
"Sinasabi ko lang.. You know? Mas mabuti na maaga pa lang ay alam mo na."
"I don't care. Gusto lang naman nila, gusto ko rin edi pare-parehas namin na gustuhin si Peter." Sabi ko saka nagkibit balikat.
Sa dulo naman wala akong magagawa kung sino ang piliin ni Peter. Alam ko naman sa Simula pa lang ay hindi na ako magugustuhan pabalik ni Peter pero desisyon kong manatili sa kaniya. Life is a choice. And I choose to be in love with him.
Kung may magustuhan siya sa mga nagkakagusto sa kaniya ay sige. I can do nothing about it. Hindi ako magmamakaawa na ako nalang, because thant's not love. Hindi pinipilit ang pagmamahal. Bigla nalang itong darating tulad ng lindol na hindi natin alam kung kailan tayo yayanigin.
Magiging masaya nalang ako ngayon at i-e-enjoy ang pagkagusto ko kay Peter. He's one of my happiness. Tingin ko kahit na saktan niya ako ay mananatiling isa siya sa nagpapasaya sa akin.
"You really like him.." Si Estia
Tumango ako. Yeah, I really like him..
"Paano kung gusto ka ng mama ni Peter tapos ayaw sayo ni Peter?" Tanong ni Rayne. Kadarating lang niya galing labas.
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...