SINKO
First day of July, medjo nahinto ako sa pagstream sa mga music video ng Seventeen. It made me so sad. Sinabayan pa ng mga requirements sa school. Sunod-sunod na reporting.
Tapos mamayang hapon ay may group report kami sa Oral Communication tungkol sa nonverbal communication. Ngayon naman after recess ay sa Earth science tungkol sa iba't ibang klase ng fossils na natagpuan noong unang panahon at mga rocks and minerals.
Hindi naman ako gaanong nahirapan na intindihin ito dahil naging topic na namin ito last school year. Its one of my favorite part during grade ten kaya naman tingin ko ay kaya ko ito ipaliwanag mamaya.
Hati-hati naman kami kaya okay na rin. Si Harold ang gumawa ng power point presentation namin kaya maganda.
Saktong pagdating ng teacher namin ay nagsimula na kami. Ang ilan ay nakikinig habang ang ilan naman ay hindi ko mapagtanto.
Kinakabahan akong tumingin sa paligid. Ang mga mata nila ay nakatuon sa akin. Of course sa akin talaga, dahil ako ang reporter.
Nagsimula na ako. Binasa ko muna ang ilang facts about fossils and some fun facts. Matapos ay ipinaliwanag ko.
Medjo nasa kalahati na ako ng pagpapaliwanag nang magsimula na mag-ingay ng mga kaklase ko.
"Saglit lang Chandrea, maingay silang masyado." Sabi sa akin ng teacher "Tumawag ka at magtanong kung may naintindihan sila." Dugtong pa nito
Napanguso ako. Paano ako tatawag? Ugh nahihiya pa rin ako hanggang ngayon.
"Ma'am, kahit kaming tahimik tatawagin?" Biglang tanong ni Rustle.
Napairap ako sa hangin. Halata naman na nanloloko lang ito. Kanina pa kaya sila nagkakaladyaan nila Xennon. Kanina ko pa rin sana gustong pabalikin si Xennon sa upuan niya sa harap para matigil ang gulo nila.
"Oo, manahimik kana." Ako ang sumagot.
Pinaliwanag ko na ulit kung bakit may natagpuan na kapiraso ng isang fossil sa America at ang kalahati ay sa bansang malayo na rito ngayon.
Justine suddenly burst out in laughter. Nilingon ko ito. Palihim pala nito na kinukuhanan ng litrato ang nakapose na si Peter. Mga hangal.
"Uh.. Any idea kung bakit may nakitang bakas ng halaman sa isang malamig at nagyelong lugar?"
Walang nagtaas ng kamay sa tanong ko. Okay, nakakainis naman.
"Tawagin mo si Peter." Bulong ni Rayne sa akin.
Matagal ko siyang pinagmasdan matapos ay lumipat ang tingin kay Lenin. Ganon din ang gusto niyang gawin ko. Kahit si Estia ganon din.
Nagpakawala ako ng buntong hininga at binalingan si Peter na nakikipagbiruan kay Justine sa harap ko. Hindi na nahiya.
"Peter, ipaliwanag mo na nga lang ang next slide." Sabi ko. Binalewala ko na ang tanong ko kanina.
Gulat itong tumingin sa akin. O, halatang hindi nakikinig, a.
"Ano? Bakit ako?" Nakangiti nitong tanong dahil may sinasabi pa si Justine sa kaniya.
"E, ikaw nga. Sige na. Ang tagal."
Tumayo ito pero muling iniupo ang sarili sa armchair. Nagkagat labi ito matapos ay binasa ang nakaflash sa TV namin.
Tinatawanan siya ni Justine at nila Xennon. Natawa nalang din ako at pinaglalaruan ang laptop ni Harold na nasa harap ko ngayon.
Damn you, Peter!
"And it was discovered way back 1987" basa ni Peter sa huling linya at umupo na.
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...