31
Parehas kami ngayon na tahimik na nakaupo sa grupo ng mga dati naming kaklase.
Walang nagtangka na magtanong kung bakit kami magkasama kahit na bakas sa mga mata nila ang pagtataka. Mabuti na rin siguro ang ganito. Sarilinin nalang nila ang mga tanong nila.
Sinimulan nang paikutin ni Harold ang maliit na botelya.
Nagdesisyon sila na maglaro ng truth or dare pagkarating namin. Pinipilit nila na sumali ako pero tinanggihan ko. Ayaw ko kasi, tinatamad ako.
Si Peter ay sumali. Wala naman siyang magagawa, besides parang gusto rin naman niya.
"Truth or dare?" Tanong ni Harold kay Harris sa kaniya kasi tumapat ang mahabang parte ng botelya
"Pota! Bakit ako?" Natatawa nitong sabi
"Sa iyo tumapat" si JM
"O sige! Truth. Sino magtatanong? Bakit ba kasi sumali ako rito"
"Si Monica, sa kaniya natapat ang kabilang bahagi." Siryoso na sabi ni Harold.
Natahimik sila dahik dito. Kahit ako ay nakaramdam din ng awkwardness. Sa natatandaan ko ay dating gusto ni Monica si Harris at sa usap-usapan ay parang nagkaroon sila ng mutual understanding, ngunit kalaunan ay ginost ito ni Harris.
Hindi ko alam ang tunay na nangyari... hindi ko na rin naman inalam.
"Ayaw ko!" Si Monica
Napatingin ako sa kaniya at nagbuntong hininga. Pinipigilan ang sarili na magtanong kung bakit ayaw niya.
Likas na yata sa akin ang pagtatanong. Inborn na yata sa akin ito.
"Magtanong ka na, ang tagal na rin naman non." Si Rustle
Kung may nakakaalam man ng tunay na nangyari ay si Harris ito at siguro ang mga kaibigan niya.
Excited na tuloy ako malaman ang totoo. Sana tanungin ni Monica ang tungkol dito.
Gosh Chandrea, nakakahiya ang tumatakbo sa utak mo!
"B-bakit bigla kang... nawala?" Hirap na tanong ni Monica.
Kung kanina ay excited ako sa tanong niya, ngayon naman ay gulat na dahil hindi ko naman inaasahan talaga na itatanong niya ang gusto kong malaman. Akala ko ay magpapaligoy-ligoy pa siya.
Tahimik lang kami. Siryoso na naghihintay. Kahit si Harris ay tahimik lang.
Humilig ito sa backrest ng upuan. "You already know why, Monica."
Siryoso pa sa siryosong sabi nito. Kinilabutan ako. Kahit kailan ay hindi ko naisip na hahantong sa ganito ang pananalita ni Harris.
Kilala ko siya mula Elementary, malaro at medyo hambog ang pag-uugali pero never ko naisip na kapag siryoso ang usapan ay ganito siya.
Noon sa practical research namin kahit na defence ay nagagawa nitong ngisihan lang ang panel, nilalaro lang niya ang mga bagay bagay ngayon naman... talaga nga na nagmature na ang bawat isa sa amin.
Hindi lang sa pisikal na anyo kung hindi pati sa pag-uugali at pakikitungo. Talaga ngang everything takes time.
"Okay, next game! Paikutin ko na ulit! O Chans, hindi ka talaga sasali?"
"Hindi na Harold, uuwi na rin naman ako."
"Ngayon ba luwas mo sa Manila?" Tanong ni Rustle
Napalingon naman sa kaniya sila Frances.
Nahihiya akong tumango kay Rustle.
"Nasa Manila ka na pala? Saan don?" Curious na tanong ni Monica.
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...