25
Nang makarating kami sa kanila ay ayos na ang pakikitungo sa akin ni Jerry. Baka naisipan niya na siyang ang kagagalitan ng Mommy niya kapag nalaman na magkaaway kami. Mas papabor ito sa akin kesa sa kaniya.
Her mom called me 'anak' habang siyang ay pangalan niya lang. At sa tingin ko ay naiinis ito minsan sa akin dahil doon.
A jealous Jerry will always be a jealous Jerry.
Halos kalahating araw din kami nagkwentuhan ni Tita Jean. Pinagtatawanan namin si Jerry dahil hanggang ngayon ay wala pa rin itong inuuwing naging babae sa kanila.
We accused him as mapurol na.
Minsan nga ay tinatangka nitong makisali sa amin pero lagi siyang binabara ni Tita Jean.
"Its a girls thing. So shut up." Si Tita
"Mom! Ako ang pinag-uusapan ninyo. Mahiya naman po kayo." Himutok nito sa ina
"I don't care. Kapag usapang babae, usapang babae. Hindi mo ito maiintindihan kahit ipaliwanag pa namin."
Masama akong tinignan ni Jerry at malapad ko lang itong nginitian bago padabog na umalis.
Nagtawanan kami ni Tita sa ginawa niya. "I told you Chan, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang manliligaw niya." Pagpapatuloy nito sa usapan namin.
"Ang mga damit na suot nito ay talagang sunod sa uso.." Namamangha na sabi pa nito. Tila ba gustong gusto ito para sa anak
"But I still don't like her "
Muntik na ako nahulog sa kinauupuan nang sabihin niya ito.
Talaga lang, a?
"Baka mamulubi ang anak ko kung maging sila. Mukang sunod sa luho. I don't like spoiled brat."
Nagpipigil ako ng tawa sa mga pinagsasabi ni Tita Jean. Muka lang siyang hindi gagawa ng kahit anong panlalait pero oras na kaming dalawa nalang ay hindi mo na mapipigil ang mga sasabihin nitong ayaw niya tungkol sa iyo.
Yung dress nga lang na ibinigay kanina sa akin ni Jerry ay nilait niya. Wala daw talagang taste si Jerry sa mga damit. Its a white khaleesi dress.
Sa parte na iyon ay natatawa kong ipinagtanggol si Jerry. Nagustuhan ko naman kasi yung damit kahit na napapaso ako sa araw, dahil nga litaw ang braso ko.
Ang hindi ko lang nagustuhan sa damit ay kung magkano ang nagastos ni Jerry dito, at hindi bagay ang damit na ito sa simpleng pagbisita lang sa kanila. Para yata sa special occasions ito pero pinanlibot ko lang.
Nanatili kami kila Jerry hanggang alas diez ng gabi. Hinatid din niya ako sa amin. Noong una ay ayaw pa pumayag ni Tita pero kalaunan ay napilit din ito ni Jerry nang sabihin na baka hanapin na ako sa bahay lalo na at limang araw lang ako rito.
MAAGA akong nagising dahil sa pagtahol sa akin ng aso ko. Sinasadya yata ni Mama na pakawalan ito at iwan na nakabukas ang pinto ng silid ko para gisingin ako.
Inaantok pa ako.
Narinig ko ang mahinang pag-aaway ng mga aso ko sa ibaba ng aking kama.
"Damn Mimi, behave!" Sigaw ko. Hindi ko man nakita kung sino ang nagsimula ng away pero alam ko na agad na si Mimi ito.
Masyado kasi siyang masungit at selfish pagdating sa akin. Palibhasa siya kasi ang pinakamatanda.
"Bumangon ka na at pakainin mo ang mga aso mo." Utos ni mama habang nakadungaw sa pinto. May hawak itong walis tambo, mukang naglilinis pa lang ito ng bahay.
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...