CHAPTER: TTCTCG

7 3 3
                                    

TRES

Dalawang linggo na ang lumipas mula nang pumasok kami sa paaralan na ito. May iba na akong nakilala. Puro babae. Ang iba ay mukang mababait habang ang ilan ay ewan, mahirap manghusga.

Napatigil ako sa malakas kong pagtawa nang marinig ko ang malaki at malakas na boses ng kaklase kong lalaki na nakatayo sa harap. Sa pagkakaalam ko napagtripan siyang maging president ng subject namin na ito. Ngayon kang kasi kami dinaluhan ng teacher namin na ito. Ewan ko ba kung bakit. Wala naman akong pakialam.

Sa natatandaan ko ito ata yung lalaki na may hawak ng piatos. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala. Binasa ko ng pangalan niya na nakasulat sa pisara. Arnould Peter. Nako Arnold lang kasi 'yon, e, bakit may U pa.

"Ano? Sino pa inonominate nyo?" tanong nito

Napahinto ang paghinga ko nang bumaling ang matalim na tingin nito sa akin. Ano ginawa ko sayo? Bakit ganyan ka makatingin? Hala, bakit nadamay ako sa galit mo? Binasa ko lang naman ang pangalan mo sa isip ko! Don't tell me mind reader ka?

Umiwas ako ng tingin at inayos ang sarili sa pagkakaupo. Kanina pa kasi ako tawa ng tawa. Pano ba naman nasasali ako sa pagbibiruan ni Rayne at ng katabi niya.

"Oy ayos nyo, galit na ata." bulong ko sa katabi ko na patuloy pa rin sa pagtawa. Tinignan lang ako nito. Matapos ay tumawa ulit. Baliw! Palibhasa ay lumabas sandali ang subject teacher namin.

Nilingon ako ni Justine. Ang lalaki sa harap ko. "Hindi galit yan, ganyan lang talaga ang boses nyan." masayang tugon nito.

"'Diba boi? Hindi ka galit hano?" sabi nito kay Peter habang tinutusoktusok ang tagiliran nito.

Kasalukuyan siyang nagbibilang ng boto para sa pagkabise

Hindi pinansin si Justine nito. Pero nakita ko ang bahagya niyang pagtawa sa ginawang pagtusok ni Justine sa tagiliran niya.

This time sigurado ako sa nakita. He's not cute! Lee Jong Suk's smile is better.

"Iayos nyo taas ng kamay!" sabi ni Peter.

Bakit ba ang laki ng boses? Tss buti nalang ay bumagay sa tanned skin nito at sa tangkad niya ang boses kung hindi ay ang creepy talaga nito sa tingin ko. Brr I'm having a goosebumps.

Iniisip ko tuloy kung siya ang naging homeroom president namin ay laging maninikip ang dibdib ko dahil sa laki ng boses niya. Hindi naman sa talagang malaki. Maybe buo ito to be exact. Maganda siguro kung kakanta ito.

"Nakataas ba 'yan?" masungit nitong tanong. Tinignan ko naman siya, this time ay hindi na ako kinakabahan. Nakatingin siya sa gawi namin. Lumingon naman ako sa likod ko para tignan kung sino ang tinutukoy niya. Ayos naman ang kamay nila! Ano problema?

Sana naman dumating na si ma'am para hindi na magsungit!

"Nakataas ba 'yan?" tanong muli nito. Ang pagtataka ko kanina ay napalitan ng inis. Bakit ba ang sungit? Sa pagkakaalam ko hindi ako bumoto sa kaniya! Oh my shit, hindi nga ba?

Habang inaalala ko ang pagkapanalo niya. Ang paghagalpak ko ng tawa dahil sa pagkapanalo niya at ang inis na bumabakas sa muka niya kanina habang naglalakad papunta sa harap ay naalala ko rin na bumoboto nga pala ako at ang kamay ko na kanina pa nakataas ang binibigyan niya ngayon ng pansin.

Napakagat ako sa labi ko saka nahihiya na unti-unting itinaas ang kamay. You're dead, Chandrea!

Matapos kong itaas ang kamay ko ay ang pagngisi niya bago tumalikod at isulat ang nabilang na boto sa pisara. Masaya yon? Masaya ka na ron?

Apaka sungit kalalaking tao! May dalaw ba? Grabe talaga, ayaw ko makasama ito sa groupings at sigurado na mag-aaway lang kami dahil sa kasungitan nito.

Drifting VeinWhere stories live. Discover now