CHAPTER: Thirty

2 0 1
                                    

30

Alas siete pa lang ng umaga ay nagdesisyon na kami na tumulak pauwi sa bahay. Nang bumaba ako kinaumagahan ay hiyang-hiya ako na humarap sa Mommy at Daddy ni Peter.

Kahit pa maayos ang pakikitungo nila sa akin ay nahihiya pa rin ako sa nagawa ko kagabi. Sa sobrang kahihiyan ay hindi na ako nakatulog.

"I'll wait" si Peter

Hindi ako kumibo, iniliko na niya ang sasakyan papasok sa nakabukas naming gate.

Hindi ko alam kung bakit bukas na bukas ito. Siguro ay hinihintay ni Mama ang pagdating ko.

Kumakabog ang dibdib ako na lumabas sa front seat, natanaw ko kasi si Mama na nakapamewang sa teresa, may hawak itong pamaypay.

"Ma!" Bati ko pagkalabas pa lang

Mabilis itong naglakad palapit sa akin, ang akala ko ay babatiin ako nito pero nilagpasan lang ako at huminto sa tapat ni Peter na nakalabas na rin pala.

"Nag-almusal na ba kayo? Pumasok muna kayo sa bahay." She said, nicely.

Nagulat ako rito.

Really? Paano na ang Mama ko na ayaw makakita ng lalaki na kasama ko ay mabait ngayon na nagtatanong kay Peter kung kumain na ba ng almusal? Nasaan na 'yon?

"M-ma, kumain na kami."

Pinagsingkitan ako ng mga mata ni Mama.

"Pumasok ka muna Peter sa loob."

"K-kilala mo? Ma?!"

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa.

"Oo. Hindi ba ito ang crush mo noon? Ang pantasya mo?"

I swallowed hard. Hindi makatingin kay Peter. Bakit ba puro kahihiyan ang dumadapo sa akin?

"Grabe sa pantasya, ma!" Hilaw akong tumawa. Pilit pinapagaan ang pakiramdam.

This is bullshit!

"Nako, kaya ka lang naman tumigil ay dahil nagkagirlfriend itong crush mo." Maintriga na sabi ni mama

Natatawa na si Peter sa mga naririnig. Sinamaan ko ito nang tingin. Masaya 'yon? Panigurado ay feeling pogi nanaman ito mamaya. O, baka nga ngayon ay nagffeeling na ito!

"Papasukin nyo na ang bisita ni Chandrea. Hindi sa labas ninyo kinakausap."

Napabaling ako sa pinanggalingan ng boses ni Papa. Kilik nito si Loci, ang anak ng bunso kong kapatid.

Kung nandito na ang bata na iyan... nandito na rin ang kapatid ko? Oh fvking, fvck!

Parang gusto ko nalang magdasal nang magdasal sa kumbento at makinig sa walang tigil na sermon nila Mother Superior patungkol sa pagiging mabuting tao at paano magiging kalugod-lugod.

"Ate! Hala," tumakbo ito palapit sa amin. "Si Peter ba iyan? Omg. Akala ko prank lang iyon ni Mama! Oh shit! Totoo nga!"

Napahilot ako sa aking sentido, habang naiiling. And my stupid sister is here!

"Ate nako! Nalaman ko na sa kanila ka natulog. Legit pala talaga!"

Hindi ko ito pinansin kahit na gusto kong malaman kung sino ang nagchismis sa kaniya

"Peter, tara na muna sa loob." Sabi ko saka nauna na maglakad.

Bahala kayo jan. Gusto ko muna ng tahimik na buhay.

Ang akala kong tahimik na buhay ay makakamit ko pagpasok ko sa loob ng bahay ay mas lalo lang lumabo.

Sinalubong ako ng tukso ni Kuya. Parang tanga na tinutusok tusok ang tagiliran ko. Tinatanong kung kailan ako magpapakasal.

Drifting VeinWhere stories live. Discover now