CHAPTER: TCATGA

1 0 0
                                    

CINCE

"Do you really like me?"

I was about to answer his question when Harold came rushing to our room.

"Nanjaan na si Ma'am. Badtrip yata, umayos na kayo." Aniya

Napapikit nalang ako nang mariin sa narinig. Talaga nga naman ang timing ay mali mali.

Sinulyapan ko si Peter na ngayon ay nakatingin pa rin sa akin habang nakaupo na sa armchair ng isa naming kaklase. Walang gaanong tao sa loob ng room. Kami lang, ang iba kasi ay abala sa paglilinis sa labas.

"O, Chans! Baka yung area nyo madumi pa." Tawag ni Harold sa akin kaya naman agad akong napanguso

Talagang hindi ko na masasagot si Peter, huh?

"Kahapon doon na badtrip si ma'am." Dugtong pa ni Harold. Kaya mabigat ang loob kong tinungo ang area namin.

Ramdam ko sa likod ko na naka sunod si Peter sa mga oras na ito. Hindi na ako nag-abala pa na lumingon dahil ayaw kong makita niya ang pagkairita ko sa sinabi ni Harold. Nakakainis naman kasi! Pwede naman na iba nalang ang paglinisin niya!

I grabbed some cleaning materials and went outside. Dama ko pa rin ang prisensya ni Peter.

Magsisimula na akong ulitin ang paglilinis nang lumabas ang isa namin na kaklase.

"Peter, pwede patulong? Pakikabit naman ito sa taas." Aniya sabay pakita kay Peter ng ikakabit niya.

"Bakit ako?"

"Abot mo naman, e. Sige na. Padating na si Ma'am." Halos magpapadyak na sabi nito.

Naiiling akong sinulyapan ni Peter saka kinuha ang ikakabit na styro. "I'll be back. Mabilis lang 'to." Aniya saka sumunod na sa loob

Kahit nga hindi ka na bumalik, e. Wala ka naman gagawin dito.

Bakit kasi nasa labas ka kasama ko?

Nang matapos ko ang paglilinis at hindi pa rin bumabalik si Peter ay nagdesisyon na akong pumasok. Baka nautusan nanaman 'yon kaya hindi na nakalabas ulit.

Pagpasok ko sa room ay walang bakas ni Peter. Where the hell are you? Don't tell me nagrecess ka na agad?

Paupo na ako nang makita ko ang paparating na bulto ni Peter na may hawak na pink folder.

I smiled. Pink suits him well. Muka siyang bata.

"Ayon.. Nainlove nanaman kay Peter. Nagliwanag nanaman ang baby niya."

Hindi ko nalang pinansin si Rayne. Wala nanaman siguro makatikot sa cellphone kaya ako nanaman ang pinagtuonan ng pansin.

-.-

Kalagitnaan ng klase namin sa General Mathematics nang may isang babae mula sa ibang section ang dumungaw sa pinto.

"Good morning, ma'am!" Nahihiyang bati nito sa guro namin

"Yes? Sino hanap mo?" Sagot ni ma'am

"Nako Ma'am! Si Peter po yata hanap nyan!" Napatayo sa sobrang tuwa si Elmer habang sinasabi 'yon

Pinigilan ko ang sarili na mapataas ang kilay habang nakatingin sa babae. Malapit lang kasi siya sa akin baka mapagtuonan ako ng pansin at makita kung paano ko siya nanunuyang tignan ay mailang.

Humagikhik ito. "Ay hindi po." Aniya saka hinawi ang buhok na humaharang sa muka

Nangiti si Ma'am. "Nako, iba pala ang appeal ni Peter. Ano ba kailangan mo?"

Saglit na nagtago ang babae sa pinto namin na nakabukas.

Ayan sige. Jaan ka nalang po, ate.

"Pinapatawag po kayo sa faculty." Aniya matapos magtago

Drifting VeinWhere stories live. Discover now