29
Para akong bata na tumango at sumunod sa Mommy ni Peter papasok sa bahay. Nakasunod din siya sa amin.
Hindi ko na nagawang pagmasdan pa ang bahay dahil sa hiya, ewan ba basta nahihiya ako. Kaya ang mga mata ko ay nakatingin lang sa tiles na nilalakaran ng dalawa kong paa.
Ngayon pa lang kasi ako nakarating sa kanila at nakapasok dito sa bahay. Ayaw kasi niya na rito kami gumawa ng projects noon, busy daw at laging may tao. Sa kubo naman nila rito ay ginagawang pahingahan ng mga gumagawa ng hallowblocks.
"Kukuhanin ko sa kotse ang damit mo, ilalaba ko." Sabi ni Peter na nasa likuran ko.
Napalingon ako sa kaniya, ganon din naman ang mommy niya pero saglit lang ito at nagtuloy din sa paglakad kalaunan.
"H'wag na! Ako na ang maglalaba." Taranta kong sabi. "B-bigyan mo nalang ako ng sabon."
"Sige." Aniya, matapos ay tinuro ang banyo sa hindi kalayuan. "Maligo ka na "
Wala ako sa sarili na sinunod ang sinabi niya. Paano ako magbibihis mamaya? Wala pa ang nga damit.
Nasa kalagitnaan ako ng paliligo nang katukin ako ng Mommy ni Peter at nag-abot ng pajama at hindi ko size na bra. May panty rin na sa tingin ko naman ay sasakto lang, pero hindi ko pa rin size.
Ayos na 'to kesa wala.
"Nandoon na sa likod yung damit mo, paiikutin nalang."
"A-ah. Sige, salamat. Uh yung iyo ba? Basa rin 'yon, hindi ba? Baka bumaho kapag hindi inilaba agad." Sabi ko, hindi makatingin sa kaniya nang diretso. Bagong ligo rin kasi ito at mejo basa pa ang buhok.
Unang beses na nakita ko siya nang ganito.
Lalabhan ko na rin yung nabasa na suot niya. Pasasalamat nalang dahil inihatid niya ako... hindi nga lang sa mismo naming bahay. May stopover pa kasing nalalaman.
"Sige, kukuhanin ko." Aniya na nangingiti
Naging mabilis lang ang paglalaba ko dahil kaunti lang naman iyon at isa pa ay hindi naman ako nagmano-mano sa paglalaba.
Kung hindi niya nagustuhan ang paglalaba ko ay ulitin nalang niya.
Pero sigurado naman ako na pinagbutihan ko ang paglalaba, lalo na sa suit niya at mga damit.
Pero baka naman hindi niya magustuhan... muka kasing magaling maglaba ang Mommy niya.
"Mag gatas muna kayo. May pagkain din, baka gusto ninyo kumain." Nakangiti na sabi ng Mommy niya na bumaling sa akin.
Tipid akong ngumiti.
"Aakyat na ako, Peter. Ikaw na ang mag-asikaso kay Chandrea."
Nanlaki ng mga mata kong binalingan si Peter. Tinaasan lang niya ako ng kilay saka ngingiti ngiti.
Kilala ako ng Mommy niya? Ano? Hindi naman kami nagkaroon ng interaction nito noong magkaklase pa kami ni Peter! How... what the?
"Kumain nalang ulit tayo, h'wag na gatas."
"B-bakit?"
Nagtaas ito ng kilay. "You're lactoseintolerant, Chandrea!"
Hindi ko maalala na sinabi ko sa kaniya na lactose intolerant nga ako. Talagang hindi ko masasabi sa kaniya ito dahil hindi naman kami close! Ni hindi nga kami nag-uusap!
Sino ang nagchismis sa kaniya nito? Is it Jerry? Oh well no! Hindi pwede na si Jerry.
"Kahit na! Pwede naman iyon... kaunti lang."
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...