CHAPTER: TCATGT

0 0 4
                                    

DICE OTSO

Kung gaano ka naging masaya ay ganon din ang babalik na lungkot.

Isa sa mga rason kung bakit ayaw ko maging masaya ay ang nakakatkot na lungkot pagkatapos. Pagkauwi ko galing namin magcine ay tumambad sa akin ang desisyon ni Mama na sa darating na bakasyon ay luluwas na kami ng Manila. Mapait ang agad kong nalasahan sa aking bibig nang marinig ko ang saloobin ni Mama. Ayaw ko sumama. Hindi ako sasama. Baka sinasabi lang niya na magbabakasyon kami pero ang totoo ay duon na kami maninirahan. Hindi ko kayang umalis.. Hindi.

Pinilit ko siya na pag-isipan pa ito pero buo na talaga ang desisyon niya. Takot ang bumalot sa akin lalo na at nalaman ko mula kay Carolina, kaklase ni Peter mula grade seven na ayaw ni Peter ng malayo. Hindi niya gusto ang long distance relationship!

Nang malaman kasi ni Carolina ang tungkol sa pagkagusto ko kay Peter ay naikwento din niya ang tungkol sa naging girlfriend noong grade six ni Peter na piniling sa syudad mag-aral kesa sa malapit na paaralan. Nakipaghiwalay daw itong si Peter. Sa una ay duda ako dahil baka sabi-sabi lang ito, pero paano kung totoo? I don't want to loose him. Pwede naman ako mag-aral dito! Maganda ang pamamalakad ng paaralan at masaya naman ako! Nakakakuha ako ng matataas na grado.. Nag-e-enjoy ako. Kaya bakit pa luluwas?

"Sigurado na ba, Chans?" Tanong ni Lenin sa akin.

Malungkot ko siyang tinignan. Nasabi ko kasi sa kanila ang pinaplano ni Mama. At first akala nila ay biro lang dahil grade ten pa lang ako ay may plano na sila Mama na ganito pero hindi natuloy. Pero nitong mga nakaraang araw ay unti-onti nilang nakukuha na siryoso nga ito.

"Paano pag-aaral mo? Pwede naman siguro after senior high?" Si Rayne.

Kahit nga matapos ako ng senior high ay ayaw ko pa rin. I can't imagine myself leaving Nueva Ecija. Kung noon sana sila nag-aya ay ayos pa. Wala akong dahilan para tumutol pero ngayon... Bakit pa? Planado ko na kung paano ako mamumuhay dito. Gusto ko rito ako makapagtapos ng pag-aaral, magtrabaho at magpatayo ng sariling bahay. Gusto ko sa Nueva Ecija lang.

Kung may magagawa lang ako para makumbinsi sila Mama na dumito nalang ay hindi sana ako nagkakaganito.

"Ayaw ko na umalis kahit after senior high."

Napasinghap si Ana sa sinabi ko. "Akala ko PUP tayo?"

Pagod ko siyang tinignan. Nawala ang plano kong lumuwas ng Manila para mag-aral mula nang sumaya ako rito. I feel contented here. Masaya ako sa simpleng pamumuhay dito. I know that I can develop more skills kapag nasa Manila ako, na mas mataas ang puntos kapag mag-a-apply ng trabaho kapag nalaman nila na galing ka sa Manila kesa sa probinsya, pero.. bigla nalang akong nakuntento at nagdesisyon na dumito nalang.

"Akala ko rin, e." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. "Hayaan nyo na! Gagawa ako ng paraan. Alam ko naman na mamimiss nyo ako kapag nagkataon."

"Hindi ka naman kamiss- miss!" Nandidiri na sabi ni Ana

Lihim akong napangiti sa sinabi niya kahit na alam kong kasinungalingan ito. Parang kailan lang ng sabihin niyang hindi niya alam ang gagawin niya kung sakali namawawala ako. Mamimiss niya raw ang kasamaan ng ugali ko.

"Final na talaga?" Si Ellie

"Hindi! Gagawa nga ako ng paraan!" Oo. Kailangan ko gumawa ng paraan. Kung hindi ako makakagawa ng paraan ay sigurado na pagsisisihan ko ito. "H'wag nalang natin ipagsabi sa iba."

"Alam na nila.. Alam na rin panigurado ni Peter"

Naestatwa ako sa sinabi ni Rayne. Sino ang nagsabi? Kapag nag-uusap kami ng tungkol dito ay itinataon ko na wala si Peter! Paano nangyari 'yon?!

Drifting VeinWhere stories live. Discover now