20
Lalo akong nastress nang malaman kong Thursdays ang checkup ko. May pasok pa ako non! Hindi pwede na lumiban ako ng klase. Grade 12 na ako! Mas mahirap naman na lumiban.
Sa araw-araw na pagpasok ko sa paaralan ay hindi ko mapigilan ang malungkot. Kaunti lang naman ang nararamdaman kong lungkot, sa tuwing nakikita ko si Peter at Frances na magkasama.
Sabay sila kung pumasok minsan. Nadadaanan ko si Peter sa gate na naghihintay kay Frances. Umiiwas nalang ako ng tingin sa tuwing nakikita ko siya na nakatingin sa akin. Minsan naman ay nauuna si Peter at kapag parating na si Frances ay lalabas ito para salubungin. What a gentleman. Charot!
"Someone sent me a friend request! Ang pogi!" Puno ng galak na sabi ni Rayne.
"Nag-oonline ka?" Taka kong tanong.
Hindi naman kasi ito mahilig mag-online sa mga social media account niya kaya ngayon ay nagulat ako.
"Oo! Look." Inilahad niya sa akin ang cellphone na nasa wall ngayon ng tinutukoy niyang pogi na lalaki.
Naka plain white hoodie ito habang pacool na nakasandal sa railings ng isang building. Siguro ay kinuhanan ito habang nagpapahinga matapos mag jogging.
Ang pogi nga! Mabango kaya ito kahit amoy pawis? Siguradong oo.
Hindi ko nakita ang pangalan dahil mabilis na pinuntahan ni Rayne ang mga uploaded picture nito. Naiinis ako, a! Gusto ko pa makita ang pangalan, e.
"Oh my gosh! Halaaa! Chans. Nagchat!"
Dahil sa excitement ko ay nahablot ko ang cellphone ni Rayne at ako na mismo ang nagbukas ng message.
Jerry Lial: Hi, please remind your friend, Chandrea about her checkup on Thursday. Thank you.
Jerry Lial: She's ignoring my message.
Natulala nalang ako nang mabasa ang mensahe ng nagchat. Kaparehas ng profile picture nito ang profile picture ng lalaki kanina.
Oh shit! Binabawi ko na ang sinabi ko. He's not pogi and for sure hindi rin siya mabango kahit napawisan!
"C-chans? Ano 'to?" Hindi makapaniwala na tanong ni Rayne matapos niyang kuhanin sa kamay ko ang cellphone niya at basahin ang mensahe na ipinadala ni Jerry.
Mabilis niyang ibinalik sa wall ni Jerry ang cellphone niya. She's scrolling like a desperate stalker. Hinanap niya kung tagasaan at sino nga ba si Jerry.
"Oh heck! He's a doctor?! H-how? Chandrea!"
"Rayne..naospital ako." I confessed. Hindi kasi nila nalaman na naospital ako last week.
"Ano?! E bakit nga? Saka..bakit nagchat?"
"H-hindi ko alam! I don't..know!"
Pinagsingkitan niya ako ng mata, tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko. "Hindi mo alam kung bakit naospital ka?! Oh come on! Masyado ka ba napogian sa doctor mo kaya nalimutan mo kung bakit? "
I can't believe her! Ganon ba akong tao? Hindi naman! Saka sino nagsabi na pogi si Jerry? Hindi naman malabo ang mata ko para sabihin na pogi nga ito! He's not even pasado to my standards!
"Saka, bakit hindi ka nagreply? You've been ignoring his message daw! Dapat magreply ka!"
"Ayaw ko nga! I'm busy you know?" Well, that's true. Totoo na abala ako at wala akong panahon na magreply sa Doctor na iyon.
Bakit ba kasi kailangan niya akong kamustahin? Isang araw pa nga lang mula ng maospital ito ay nagsent na ito ng friend request sa akin at nagmessage na rin. Hindi ako nagreply! Bahala siya.
YOU ARE READING
Drifting Vein
Novela JuvenilChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...