27
Tahimik lang ang aming naging pagkain ngunit minsan ay nakikita ko ang pagsulyap nilang lahat sa akin. Lalo na nang parehas ang nakuha naming karne ni Peter. Gustuhin ko man na tanggalin ang pagkakahawak ng chopstick, ay hindi ko na nagawa
Nagulat kasi ako sa nangyari dahilan para mapatingin nalang ako sa kapirasong karne kung saan parehas na nakahawak ang chopstick namin.
Matagal ang naging tingin ko ron. Kung hindi pa nagpeke ng pag-ubo si Jerry ay walang magtatanggal sa amin. Si Peter ang nagtanggal, ako naman ay kinuha nalang ito. Kung hindi ko kasi kukuhanin ay panigurado na tatapunan nanaman ako ng mapanukso nilang mga tingin.
Nagpadagdag pa sila Rustle ng pagkain. Si Jerry ang naggrill ng mga kakainin naming dalawa. Matapos maluto ang mga iyon ay inilalagay na niya sa gilid at muling magluluto at gugupitin ng gunting.
Minsan ay hindi ako naging kumportable sa pagkain ko. Nagkakadikit kasi ang mga braso namin ni Peter, at hindi ko gusto 'yon. Kahit na maraming taon na ang lumipas, hindi ko pa rin gusto na nagkakadikit kami. Para kasing nakukuryente ang buo kong sistema at hindi na kaya pang lumayo kapag nagtagal.
"Guys, wait lang. Tumatawag si Mama." basag ni Lenin sa katahimikan namin
Nginitian ko lang siya bilang pahintulot na sagutin na ang tawag. Agad naman siyang nagtungo sa powder room.
Tumayo rin si Cali nang makaalis si Lenin. Akala ko nga ay susunod ito pero gusto lang pala bumili ng icecream
"Sino pa gusto? Bibili ako."aningkit ang mga mata ko. "Hindi ka pa ba busog?"
"Icecream 'yon Chans. Masarap!"
"Oo nga naman. Parang noon nga kahit malayo ang canteen ay nilalakad natin para lang makabili ka ng dalawang icecream" pagbabalik tanaw ni Ana.
Nangiti ako nang maalala iyon. Kahit na mainit at tinatamad akong maglakad ay nagagawa ko pa rin na lakarin ang malayong canteen para sa icecream na iyan. Kahit na nagtitipid ako ay nagagawa kong isingit ang pagbili ng malamig at masarap na icecream.
"Dalawa lang." sabi ko. "Pambayad sa burger ni Jerry yung isa." dugtong ko pa saka nilingon si Jerry na malapad ang ngisi.
Aso ka? Kanina ka pa nakangisi!
"Sama na kami!" tumayo si Rustle "Tara Xennon." inaya nito si Xennon na abala sa kaniyang cellphone.
Sa una ay nag-aalinlangan na tumayo si Xennon dahil pasulyap sulyap pa ito kay Peter na siryoso lang na nakaupo habang nakahilig ang batok sa sandalan ng upuan.
He looks more mature now. Ano na kaya ang trabaho nito? May asawa ka na ba?
Pero kalaunan ay tumayo na rin si Xennon dahil sa hindi ko maintindihan na tingin ni Rustle.
Parang may usapan sila sa pagitan ng kanilang mga mata. Hindi ko ito makuha. Maybe if I'm one of their friends, I'll get what they are talking between those eyes.
Saglit lang ang itinagal ng tumunog ang cellphone ko. Si Sister Claude, tumatawag.
"S-saglit lang, uh... Ellie, samahan mo nga ako sa labas" pag-aaya ko rito.
Tumayo naman si Ellie at pinaunlakan ang pag-aya ko, pati si Ana ay sumunod din sa akin. Nang makalabas ako ay saka ko lang sinagot ang tawag.
"What's wrong?" Sabi ko sabay sulyap kay Jerry at Peter na sa tingin ko ay nagsisimula na mag-usap.
"Namiss lang kita, sister Chans" humahagikhik nitong tugon sa akin
Pagod akong napairap. "Uuwi na ako bukas ng gabi. Gusto mo chicharon?" Sabi ko na nanatili ang mga mata kila Peter.
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...