DICE NUEBE
Its torture being in love.
Isang araw gigising ka nalang na mahal mo na yung taong kinaiinisan mo and you'll end up chasing that person. You'll end up loving that one person who broke your heart into pieces. Maiiwan ka nalang na hindi alam kung ano ang talagang nangyari.
After that year end party bigla nalang nagbago ang lahat.. Ayos pa naman kami ng magpasukan ulit. Mas naging malapit kami kesa sa dati. Lagi niya akong kinakalabit sa likod at lagi ko rin siyang tinitignan ng masama and we both end up laughing, habang sila Justine at Chino ay nagtatampo dahil bakit daw kapag sila ang gumagawa ay halos saksakin ko sila ng ballpen.
Naging partner ko pa siya sa isang game noong Valentine's day. Ayos naman.. Walang problema. Pero sa mga sumunod na araw ay nagsimula ng may magbago. Ay mali, noon pa man ay alam ko na na may nagbago na talaga. Alam ko na nakakausap niya si Frances, yung isa namin na kaklase. Binalewala ko dahil sa sinabi niya na hindi siya nanliligaw ng kaklase. Nagtiwala ako sa sinabi niya but it seems like words are not enough once you fell in love. Hindi sapat ang sinabi niya na hindi siya nanliligaw ng kaklase.
Madaming nangyari ng sumapit ang March. Nakumbinsi ko si Mama na hindi na umalis pa ng Nueva Ecija. Natagalan pero at least nagawa ko. March din noon ng makita ko ang panunukso ng mga kaibigan ni Frances sa kanila ni Peter. Hinayaan ko iyon, pinili kong hindi isipin kahit na alam kong may iba na talaga. March ng lapitan ako nila Harris at Echo para sabigin nga ang nangyayari sa pagitan nila Peter at Frances.
Natakot ako nang marinig iyon, nang malaman kong tama ako all this time, pero hinayaan ko. Ayaw ko pa naman magboyfriend. Ano gagawin ko kapag tinanong ni Peter kung bakit ako paulit ulit na pag-amin? Ano gagawin ko kapag tinanong niya kung bakit ko siya pinipigilan. Handa ba akong makipagrelasyon? I don't want to be selfish. Ayaw kong pigilan siya maging masaya. Kung yuon ang magpapasaya sa kaniya, sige! Ibibigay ko.
Ayaw ko pa pumasok sa isang relasyon na walang kasiguraduhan pero ayaw ko rin na maagaw siya sa akin. I'm thorned in this love.
April naman noon ng alam kong nawawala na talaga ako ng pag-asa kay Peter. April din noon ng i-unfriend ako ni Peter sa social media account niya. April din noon ng malaman kong talagang nagkamabutihan na nga sila.
April made me so damn weak, kahit pala alam ko na ang mangyayari ay manghihina pa rin talaga ako. It leads my eyes to the point that I can't shed tears.
Hindi ko alam kung may nagawa akong mali. Nagalit ba siya? Ano nangyari? Bakit bigla nalang ganon? Dahil ba iyon sa pagiging fangirl ko? Oh well, hindi naman siya ganon! Wala sa itsura ni Peter ang pagiging ganon kababaw.
Maging ang mga kaibigan ko ay walang alam. Kahit si Echo ay hindi alam. Siguro nga tama sila Harris na ang bagal ko. Lagi na nga kaming magkasamani Peter, hindi ko pa siya nakuha. Pero alam kong tama rin ang sistema ko. Tama na hinayaan ko.
Hindi naman ako nakikipagkarera para maging mabagal. Hindi naman ako nakikipag-agawan. Peter is not a toy, para pag-agawan. O di naman kaya pagkain. Ang pag-ibig na ito ay masyado pang bata. Hindi pa dapat siniseryoso. Pero bakit nasasaktan ako?
Mali ba ang desisyon ko?
Wala sa mga kaibigan ko ang nakakaalam kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. Susubukan ko sana na magtanong kay Rustle pero pinili kong hindi nalang. He's close with Frances. I can't risk it.
"Bakit hindi nyo inaasikaso ang anak ko?! Akala ko ba Emergency room ito?"
Napapikit ako sa lakas ng sigaw ni Mama dito sa ER. Alas nuebe kasi mula ng dinala nila ako dito sa hospital, at hanggang ngayon na nine thirty na ay wala pa rin umaasikaso sa akin.
YOU ARE READING
Drifting Vein
Teen FictionChandrea Jade and her circle of friend never thought that after they graduated college, enjoying their company together, and working on their dream job. Chandrea will pursue her dream of becoming a Nun. But before she made her dream come true her pa...