CHAPTER: TTCTCA

11 4 6
                                    

Hi, I'm using a code as a number of every chapter. Hehez Enjoy!

UNO
----

Unang araw ng pasukan namin. Muling pagkikita kita naming magkakaibigan at ng aking baon. Its only fifty peso as always. Maliit para sa akin na magastos pero napagkakasya naman.

Pagbaba ko sa jeep na sinasakyan ay bumungad sa akin ang madaming estudyante rito sa paaralan na nilipatan namin. Ang tatangkad ng mga Junior high school students kumpara sa akin na Senior High. Anong gatas kaya ang ipinainom ng nanay nitong mga ito? Nahiya tuloy ang height ko. Tapos ang payat ko pa.

Sa pathway kung saan ang tanging daan naming mga mag-aaral ay natanaw ko ang mga pandak na sila Rayne, kaibigan ko mula sa dati naming school. Nadadapurak na sila ng mga Grade nine students na hindi hamak ang laki sa kanila

"Excuse me po." Paulit- ulit kong sabi habang nakikipag siksikan sa kanila.

Tatlong tao lang kasi ang kaya ng daan na ito. Sobrang liit kasi ng espasyo. Tapos first day of school pa. Hindi talaga maganda ito lalo na habang may pumapasok ay may lumalabas. Mayroon naman silang malaking gate, pero sa nakikita ko ay daanan ito ng kotse ng mga teacher.

Lihim akong natawa. Hanep nagmumuka kaming bagong transfer na grade eight dito. Ang masama pa ay mapagkamalan kaming grade seven dito.

Kasama ang bag kung saan lulan nito ang apat kong notebook at dalawang ballpen ay nakipagsiksikan kami upang makarating dito sa gilid ng gymnasium. Nakapila kasama ang bago naming kaklase. Kakayanin ko ba 'to? Ang tangkad nila grabe.

"Gusto ko na umuwi. Ang init!" Pagrereklamo ko na sinigundahan naman ni Ana

"Oo nga, ang init na nga tapos ang iingay pa."

"Ilan dala mong notebook?" Pag-iiba ko ng topic. Nababagot na kasi ako katatayo.

"Pito, si mama ang naglagay"

"Sipag naman. Bagong buhay?"

"Oo, ikaw lang naman ang tamad. Ang gaan nga ng bag mo. Ang liit pa" natatawa nitong tugon

"At least hindi sobrang flat" ganti ko naman. Syempre hindi ako papatalo.

Isang palo ang natanggap ng aking kanang braso mula kay Ana. Masakit.. Kaya naman ginantihan ko ito. Hindi sana  matatapos ang paluan pero ayon si Lenin inawat kami. Kumalma raw muna kami

Matapos ang kung anu-anong idinaldal ng mga teacher sa stage ay sinabihan na kami na pumunta na sa Senior high school building one, kung saan nandoon ang room namin. 11-STEM ang pangalan ng section namin, ibinase ito sa strand na kinuha namin. (Science Technology Engineering and Mathematics). Hindi na ito pinalitan para hindi na daw malito. Sana all nalilito diba?

Katulad ng nakaugalian puro introduce yourself lang ang nangyari. Wala akong natandaan sa mga pangalan nila, marahil ay hindi pa handa ang utak ko sa ganitong mga bagay. Naiwan pa yata na lumalangoy sa resort sa San Jose.

Maayos ang naging takbo ng unang tatlong oras namin. Wala pang dumating na ibang teacher. Siguro ay abala pa ito sa pag-aayos ng mag-aaral nila. Sa amin nga medyo natagalan sa pag-ayos ng seating arrangement. Madami kasi kami.

After three hours na 'yon ay break time na namin. Pwede naman siguro tumayo sa upuan. Mejo nangangawit na rin kasi ang pwet ko sa pagkakaupo.

Nagpunta ako sa gawi nila Rayne. Sa tingin ko ay napanis na ang laway ko sa sobrang tahimik ko. Kadarating ko pa lang ay narinig ko na ang problemadong saloobin ni Lenin.

"Parang ang hirap dito"

Napairap ako. Ang init na nga dadagdag pa 'to? "Mahirap talaga. Bakit kasi nandito ka?" sagot ko rito habang inaayos ang palda para makaupo sa sahig. Baka magalit si mama dahil lukot lukot na naman ang palda ko pag-uwi. Ayaw ko rin naman umupo sa upuan na katabi ni Rayne, may bag kasi baka may mawala edi mapagbintangan pa ako.

"Tignan mo Ana yung whiteboard" utos ni Rayne

Napatingin naman kami nila Ellie, Montana (Ana), Mira at Lenin.

"Kasing diretso mo. Flat na flat!" Idiniin nito ang huling tatlong salita.

Nagtawanan kami. Napahawak si Ana sa dibdib nito habang nakasimangot. Matagal niya itong tinitigan matapos ay binalingan si Rayne at Lenin.

"Kahiya kasi sa inyo. Ayaw nyo magshare." Tila ba nagtatampo na sabi nito

"Kung pwede lang Ana, matagal ko na ginawa." Tugon ni Lenin. "Nahihirapan nga akong tumakbo dahil sa laki ng dinadala ko. Nasa lahi kasi namin, kaya no choice."

Sa sinabi ni Lenin ay muli kaming nagtawanan. Hanggang sa natuon ang malikot kong mga mata sa isang lalaki na nakaupo sa isang armchair na nakapabilog rin na nakatuon ang atensyon sa gawi namin.. Sa akin.

Huminto ako sa pagtawa at inayos ang upo. I feel so uncomfortable. Pinilit ko nalang sa makinig sa biruan nila hanggang sa may lalaki na dumaan sa aking likuran. Daanan kasi pala itong kinauupuan ko. Na sa harap pala kasi ako.

Diretso lang ito sa upuan sa tabi ni Rayne at parang may inilagay na kung ano roon.

Wala sa sarili ko itong pinagmasdan. Matangkad ito na may maputing uniform. May hawak siya na bottled water, isang piatos at isang pagkain na hindi ko alam ang tawag.

"Ana, umalis ka jan." Saway ko rito matapos mapansin na tumitingin ito sa amin. Tila ba nakikinig din sa usapan. Chismoso ka?

Paano ang loka na si Ana ay nakaupo sa lamesa ng upuan nito. Siguro naman bag niya ang pinakikialaman niya.

Umalis naman ito.

"Sorry po." Paghingi ng tawad ni Ana, matapos bumaba sa sulatan na parte ng armchair.

"Uupo ka ba?" Magalang kong tanong. Trying hard to be nice!

Sige Chandrea keep it up.

Saglit na umiling ang lalaki at isinarado na ang zipper ng bag. "Hindi, may inilagay lang" anito saka mejo may sumusupil na ngiting umalis.

Ngumiti ba talag? O nagha-hallucinate na ako dahil sa init at ingay?

"Sige, upo pa sa armchair. Tingin mo ba sa pwet mo ay braso?" Si Mira

"Aba. Kesa naman daganan ko ang bag niya!" Sagot ni Ana na ngayon ay nakatabi na sa akin dito sa sahig.

Nanatili pa rin sa akin ang lalaki na may hawak ng piatos. Ngumiti ba talaga?

Drifting VeinWhere stories live. Discover now