CHAPTER: TCCTGT

2 1 1
                                    

28

Sorry po for the late update. Hope u enjoy this hehehe thanks.

--------------

"Bukas na ang alis mo?" Tanong ni Peter sa akin, nananatili ang mga mata sa daan

"Oo... bukas"

"Birthday ni Alexa bukas" aniya saka ako nilingon saglit. "Punta ka."

Muli sa araw na ito ay tumigil nanaman ang paghinga ko. Hindi rin ako makapag-isip nang isasagot sa paanyaya niya.

Aba'y Chandrea galaw galaw, hindi na maganda 'yan. Baka pagluwas mo bukas ay tulala ka nalang dahil puro hangin nalang ang laman ng ulo mo!

"Baka pumunta rin ang iba nating mga kaklase. Pag-uusapan ang reunion."

Naningkit ang mga mata ko. Kung ang tinutukoy niya na "iba nating mga kaklase" ay sila Monica ay ayaw ko! Noon pa man ay hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kaniya. Parang lagi ka niyang minamata. Saka sigurado ako na hindi magiging kumportable ang pananatili ko roon.

I don't attend birthday parties kasi, lalo na't ganito. Pamilya pa ni Peter... nahihiya ako.

"U-uh... uuwi ako ng hapon bukas. Kaya... hindi pwede." Dahilan ko

Totoo naman kasi na uuwi ako bukas. Wala naman na akong gagawin dito sa Nueva Ecija. Bukas ay wedding anniversary lang nila mama. Matapos naming icelebrate iyon at tutulak na ako pa Manila.

Mabuti na rin pala at nakaplano na ang pag-alis ko bukas. Hindi ko na kailangan pa magsinungaling sa kaniya.

"Kung si Jerry ba ang umaya... papayag ka?" He said in his most serious tone.

Kumalabog tuloy ang puso ko kasabay ng pagkulog nang malakas.

Tinignan ko siya para humanap ng kahit na anong ekspresyon sa muka para na rin maliwanagan ako kung naiinis ba siya o ano. Pero ang loko ay diretso lang ang tingin sa kalsada.

Ano ba naman kasing tanong 'yan.

Hindi ako nakatugon sa tanong niya. Para kasing nalunok ko ang sarili kong dila sa nangyari. Gustuhin ko man hanapin ang dila ko pero nanghihina ako sa mga pangyayari.

"Kung luluwas ka man. Susunduin nalang kita sa into para ihatid sa Manila." Sabi niya. Tila ba buo na ang desisyon nito at wala nang makakaawat pa.

Napaahon ako nang kaunti sa pagkakaupo. "H-ha? Naku, h'wag na!" Ano ba naman kasing utak meron ka Peter!

"Kung gusto mo ay dadalo nalang ako sa handaan sa inyo. Hindi mo na ako kailangan ihatid!"

Mas mabuti na dumalo nalang ako sa kanila. Aagahan ko nalang umalis at kapag nakita ko na sila Monica ay aalis na ako o 'di naman ay pwede na akong umalis kaagad pagkabigay ng regalo at pagkakain ng kaunti. Kung susunduin kasi niya ako sa amin ay doon magkakaroon ng problema.

Sa buong buhay ko ay wala akong inihaharap na ibang lalaki sa tatay ko maliban sa kaibigan kong si Jerry at mga kagroup ko noon sa kolehiyo. Tapos balak mo pa akong puntahan sa bahay para ihatid sa Manila? Baliw ka ba? Baka kung ano ang isipin nilang at pwersahan akong patigilin nang tuluyan sa pagmamadre!

Nangingialam na nga si Mama, bibigyan ko pa ng ideya si Papa para tularan ang nanay ko na maingay?

"Dadalo tayo at ihahatid kita." Mariin nitong sabi. Parang tinatapos na niya ang aming usapan patungkol doon.

Aaplila pa sana ako kaso wala na akong nagawa kung hindi ang ilubog nalang ang sarili sa kinauupuan.

Sigurado naman ako na naiintindihan niya ang punto ko. Pero bakit... bakit. Ay hanep naman! Peter, gago!

Drifting VeinWhere stories live. Discover now